Chapter 5:Juliana's POV:
"I'm gay"...
Gay...
Tulala siya habang nakatingin sa gwapong lalaking nasa harapan niya..
Ang gwapo gwapo nito.
Ang ganda ng tindig.
Ang tangkad.
Lalaking lalaki ang itsura nito.
Bakla?
Nagdududang tinignan niya ito.
" Gay mo mukha mo" sabi niya dito at hindi siya naniniwala dito at inis na tinignan ito.
Tinignan naman niya at pinag aralan ang itsura nito, nakikita niya ngayon sa mga mata nito ang pagkalito at isang emosyon na parang kinukumbisi siya.
Bulong ng isang bahagi ng isip niya kung ano naman ng motibo nito kung nagsisinungaling man ito.
Parang wala naman?
Imposible namang may gusto ito sa kanya at binosohan siya nito?
Kakakilala lang namin.
Saka masisisi niyo ba siya? Eh virgin siya, at bukod sa kanya at sa Nanay niya eh wala pang nakakakita niyon.
Doktor ito alam niya, at parang normal na lang na parang nakakakita ito ng kepyas na parang nakakakita lang ito ng muta nito sa mata sa umaga.
Naniniwala na ba siya?
Tumaas ang kilay nito.
"You're not my type" sabi nito sa kanya at lalong uminit ang ulo niya sa sinabi nito.
"Para namang gusto 'kong maging type mo ako" inis na inis niyang sabi dito.
Para kasing nasagasaan ng husto ang pride niya bilang isang babae sa sinabi nito.
"Whatever" supladong sabi nito at umupo ito sa mesa nito pero nagtaka siya kung bakit parang umiika ito.
May nasipa ba niya kanina?
Nang nagtama ang mga mata nila ay nagtaka siya kung bakit parang bumilis ang tibok ng puso niya, kaya naman on instinct na parang may masakit ay nasapo niya ang dibdib.
"Are you okay?" Mabilis na tanong nito, napakurap naman siya dahil sa pagdaan ng pag aalala sa mga mata nito.
Huh? Imagination ko yata 'yon.
Mukha nga dahil bumalik ang taas ng kilay nito.
Iyong tipong taas ng kilay na mahadera? Iyong tinalo pa ang pagtaas ng elevator sa pag igkas?
"Anyways, the vaginal swab is done, so if you're finish whining, doon ka magpalit" masungit na sabi nito.
Napasimangot siya.
Kumbinsido na siya.
Bakla nga ito.
Baka kaya lang ito naiinis ngayon kasi halos nag eeskandalo siya na parang may ginawa ito eh ayaw naman nito ng Mani.
Ewan niya pero sayang na sayang ang pakiramdam niya dito.
Saan ka ba naman makakakita ng ganito kagwapong bakla?
Ang yummy pa naman niya, sayang.. hindi siya manitarian.
Natigilan siya.
Anong pinag iisip niya?
Bakit naman siya masasayangan dito eh wala naman siyang interes sa mga lalaki?
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...