Markings (mild spg)

32.7K 850 10
                                    

Chapter 28:

Juliana's POV:

Masarap ang sensasyon na lumulukob sa kanya at sa buong katawan niya dahil sa halik nito.

Hindi niya alam kung gaano matagal ang halik nito pero nabigla siya nung biglang binawi nito ang halik sa kanya at para siyang lasing na hinabol pa ang labi nito.

"Make me your boyfriend, Juliana" sabi nito.

"Hmmm?" Ulit niya dahil hindi niya masyadong naiintindihan ang sinabi nito dahil lango ang pakiramdam niya dahil sa mainit nitong halik sa kanya.

Bahagyang pa ngang nakasara ang mga mata niya.

Ganoon siya kalasing sa mga halik nito.

Kaya naman para siyang nakuryente nung hinawakan nito bigla ang magkabilang pisngi niya at iniyuko nito ang mukha para magpantay ang mukha nila.

Titig na titig siya sa mga labi nitong malapit na malapit na sa kanya.

"I'm going to be your real boyfriend, Juliana, no one can stop me...not even you" sabi nito at bago pa man siya nakapag isip ay agad na inangkin nito ulit ang mga labi niya sa mapag angking paraan.

Napaungol siya at agad na ninamnam ang matamis at mainit nitong paghalik.

Sakop na sakop ng labi nito ang mga labi niya at ramdam niya ang bawat simsim at bawat pagdaan ng labi nito, ang paggalaw ng dila nito sa loob ng bibig niya.

Naramdaman niyang para siyang mahuhulog at nalulunod kaya naman nailagay niya ang kamay sa batok nito, not being aware na nahihila niya lalo ito at lalong naididiin ang halik nito sa kanya.

Hindi niya alam ang sensasyon na lumulukob sa kanya dahil sa mainit at basa nitong halik pero gustong gusto niya iyon, dalawang bagay ang nararamdaman niya sa halik nito.

Napapasaya nito ang puso niya dahil ang tibok niyon ngayon ay bagama't mabilis pero sa paraan na hindi masakit, pero ang sarap sa pakiramdam.

Napapikit siya ng husto nung nakikipaglaro na ang dila nito sa dila niya.

At ang isang nararamdaman pa niya ay ang hindi niya maintindihan na init sa buong katawan niya dahil sa paghalik nito.

Gusto niyang maramdaman lalo ang gumagalaw na dila nito sa kanya dahil bawat galaw niyon ay nagpapainit sa kanya.

Kaya naman kahit na hindi niya alam ang gagawin ay pinag aralan niya ang bawat galaw ng dila nito at saka niya parang hinahabol iyon.

Para siyang sinisilaban at nalulunod pero ayaw niyang tumigil.

Nakarinig siya ng isang ungol na alam niyang hindi kanya at napasinghap siya nung parang lumutang siya.

"You tastes so good, I'm so addicted to your sweet mouth.." Sabi ni Graeme nung pinaghiwalay nito ang mga labi nila para makasagap ng hangin pero habang ginagawa nila iyon ay naglalaro ang daliri nito sa mga labi niya na parang gustong maramdaman ng daliri nito kung gaano kalambot
ang mga labi niya.

Para naman siyang namamatanda at lasing na lasing sa sensasyon na nakatingin dito, at saka lang niya namalayan na nasa sink na siya at nakaupo at nakatalikod sa salamin at halos magkapantay na ngayon ang height nila.

Titig na titig sila sa isa't isa kaya kitang kita niya ang apoy at may isa pang ekspresyon sa mga mata nitong hindi niya alam kung ano.

Gusto niya ang nakikita niyang parang malambot na ekspresyon habang nakatingin sa kanya.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon