Chapter 49:Juliana's POV:
"Are you ready to get married?" sabi ng isang boses na agad na nagpatigil sa tibok ng puso niya.
Kilalang kilala ng puso niya kung anino ang boses na 'yon at kung paano ma react ang katawan niya dahilsa pagkakalapit ng bibg nito sa tenga niya at sa paraan ng pagbulong sa kanya.
Namumulang inilayo niya ang tenga dito, pero hinawakan nito ang buhok niya at saka nito iyon inamoy.
Lumunok siya at agad na tumingin sa nanay nya at sa mga magulang ni Graeme pero parang wala lang iyon sa mga dito kasi nakangiti pa ang mga itong nakatingin sa kanila.
"Sabi sa'yo balae, honeymoon na ang mas advanced na inaasikaso natin eh" sabi ng nanay ni Graeme.
Nanlalaki ang mata at tinignan niya ang nanay niya at tumango tango lang ito.
"Nay!" sabi niya dito pero hindi siya pinansin nito tinitigan siya ng diretso sa mga mata niya.
Agad na nagrambulan ang tibok ng puso niya sa ginawa nito, kitang kita niya ang emosyon ng pagmamahal sa mga mata nito, iyon at iyon ang laging nakikita niya tuwing tumitingin ito, at kilig na kilig siya at gustong gusto niya ang nakikita niyang iyon.
Parang kapag tinitignan siya nito, siya ang importante sa lahat ng bagay para dito, hindi niya alam kung bakit ang worries na meron siya nung huling araw ay ito din mismo ang nagpawala.
Parang may kakaiba nga ngayon sa mga titig nito.
At iyon ang nagpapalakas ng husto sa tibok ng puso niya.
"S-saan?" tanong niya dito at uutal utal siya dahil ngumiti ito ng makalaglag puso dahil lalo itong naging gwapo dahil sa pagngiti.
Umabot sa mga mata nito ang ngiti kaya naman parang gumaan ng husto at naging gwapo ang itsura nito.
Ang gwapo talaga kasi...
Hindi na niya napigilan ang kilig niya at pilit niyang sinusupil ang kilig na ngiti.
"You'll see.." sabi nito at agad na tinakpan ang mga mata niya gamit ang kamay nito at saka siya dahan dahan na iginiya paalis sa kinauupuan niya.
Amoy na amoy niya ito, lalaking lalaki ang amoy nito at nahahaluan ng konting pabango.
Pakiramam niya ang manyak na niya dahil bigla niyang naalala ang amoy nito habang nasa ibabaw niya ito at na--
Shit!
Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit parang sinaniban siya ni Mystika at gusto niyang umisplit sa--
Kinurot niya ang sarili kasabay ng pamumula niya sa pag iisip ng kung ano anong bagay.
Bakit ba naman kasi nakaka akit ang amoy niya diyos ko!
"I miss you so much, Juliana.."
Napakurap siya mula sa pagkakatakip ng mga mata niya.
Tama ba siya ng dinig?
Namiss daw siya ni Graeme?
"...I miss your smell, your warmth...your smile...your lips...that sexy delicious body...and you...being you" sexy ang pagkakabulong nito sa tenga niya at napasinghap siya, kasabay ng pag iinit ng katawan dahil sa epekto ng bulong nit at ang labi nitong kumakagat kagat sa tenga niya.
At hindi nga siya dinadaya ng pandinig dahil tama siya sa narinig niya kaninang namiss nga siya nito.
Kahit na biglang tumataas ang temperatura niya sa tinuran nito ay umabot ang init na iyon na humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...