Chapter 31:
Juliana's POV:
Pero bago pa man siya naka galaw ng kung anong kontrol doon ay agad na siyang binuhat ni Graeme.
Tumili siya ng malakas.
"Plinano mo 'to ano!" Malakas niyang bintang.
Tumawa ito at bago siya nakahuma ay agad siyang ipinasok nito sa isang kwarto at inihagis sa kama at bago siya makapiyok ay agad siyang dinaganan nito.
"Whether you like it or not...dito ka lang" sabi ni Graeme at idiniin nito ng husto ang matigas na katawan nito sa kanya na siyang dahilan kung bakit para siyang nakuryente at uminit ang katawan niya.
Lumunok siya ng maingay.
"U-umalis ka nga! Bastos ka!" Tarantang sabi niya pero nakadagan pa rin ito at nagulat siya nung biglang hinuli nito ang magkabilang kamay niya at itinaas iyon sa ulunan niya, saka nito inilapit ang mukha sa kanya.
"You don't even know what does this pervert can do" sabi nito at naging paos ang boses nito.
Namula siya dahil bumalik sa isip niya ang ginawa nila sa restroom, ang labi nito....ang dila nitong makasalanan...lalo na ang kamay nitong malaki..
Hindi!
"Shít! Ano bang problema mo sa akin!" Naggagalit galitan niyang sabi at pinagtatakpan ang nararamdaman niyang sensasyon.
"My problem? You don't know?" Balik tanong nito sa kanya.
Hindi siya sinagot.
Tinitigan siya nito.
Hindi naman niya alam ang gagawin niya, naiinis siya dito, naiinis din siya sa sarili niya.
"Hindi ako Google huwag mo akong tanungin" malamig niyang sabi at mas pinili na lang na magsungit dito.
Tinitigan siya nito ng ilang sandali at saka ito bumuntong hininga.
"I just want us to be civil again..." Sabi nito
Natigilan naman siya saka niya walang imik na ipinalaya ang kamay para makawala na siya namang pinayagan nito.
Umupo siya sa kama at nag isip.
Hindi niya alam tuloy ang sasabihin sa sinabi nito.
Gusto nitong maging civil na sila...ibig sabihin gusto na ba nitong bumalik na sila sa dati?
...."and I miss you so much, Juliana" dugtong nito, agad siyang napatingin dito.
Bumilis na naman ng tibok ng puso niya.
Namiss niya ako?
Utang na loob, sana naman ay hindi napigtas ang bra niya sa sobrang pagkabog ng puso niya.
"Hindi kita namiss" malamig na sabi niya at hiking niya sana ay hindi siya tamaan ng kidlat sa sinabi.
Wala siyang narinig na anumang salita galing dito sa sumunod na sandali.
Saka ito bumuntong hininga.
"I'm really sorry...and I don't know what to say for you to believe me" sabi nito ulit sa kanya bago pa man siya nakalabas.
Hindi niya ito sinagot at saka siya naglakad paalis sa kwarto.
Naguguluhan siya sa anumang iisipin niya.
Nahahati ang loob niya sa pagtingin nito ng tawad.
Gusto niyang maniwala na sincere ito, pero nasaktan din naman siya, at gusto niya, mapatunayan muna nito ang sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...