Chapter 11:
Juliana's POV:
Binabasa niya ang chart nito para sabihin dito ang doctor's order.
"Okay, Mr. McLeod--"
"Graeme" putol nito sa sinasabi niya.
Nagtaka naman siya kasi pasyente ito at kailangang maging pormal siya dito.
Professionalism pa rin dapat.
Kaya itinuloy niya ang pagtawa niya dito ng apelyido nito kahit na nagtataka siya kung bakit mas gusto nitong tawagin niya ito sa first name nito.
"Mr. McLeod may scheduled po kayong mga tests--"
"One more Mr. McLeod and I will kiss you" putol nito sa pagdidiin niya sa apelyido nito at nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
Bumilis ang tibok ng puso niya sa narinig mula dito.
Halik?
Siya? At ito? Maghahalikan?
Parang magandang ideya para sa kanya pero ito--
Ipinilig niya ang ulo.
Pinagsasabi nito?
Para namang hahalikan siya nito, hindi nito iyon makakaya.
Baka mangisay siya.
Baka sinasabi lang nito iyon kasi ayaw nito na tinatawag niya ito sa apelyido nito.
Pero bakit? Eh apelyido nito iyon? At bakit gusto nito first name?
Close ba sila?
Baka?
Tinatawag kasi siya nito sa first name niya, dapat din ba...siya din?
Pero kung sabagay, tinawag na niya ito sa pangalan nito dati nung nagkasundo sila na tutulungan siya nito?
Iyon kaya ang dahilan?
Para maging komportable silang dalawa at maging maayos ang takbo ng pagtulong nito?
Maloloka na yata siya.
Saka na niya paliliparin ang imagination niya sa pag iisip pag nakauwi na siya.
Magtrabaho na dapat muna siya.
Tinaasan niya ito ng kilay at tinignan niya ulit ang chart.
"Para namang mahahalikan mo ako, eh lalaki din ang hanap mo di'ba Mr. McLeod--"
Naputol ulit ang sasabihin niya dahil sa isang iglap ay hawak na nito ang batok niya gamit ang malaki at malakas nitong kamay, mabilis ang mga pangyayari at namalayan na lang niyang sobrang lapit na ng mga mukha nila at gahibla na lang yata ang pagitan ng mga labi nila.
Napasinghap siya habang rinig na rinig niya ang malakas na tibok ng puso niya habang titig na titig sa mga matang kulay abo.
At ang hininga nito.
Parang bagong toothbrush, kasi ang fresh ng amoy.
At doon bumaba ang mga mata sa mga labi nito, kandaduling siya habang nakatingin sa mapintog at parang nag iimbita ng halik.
Napalunok siya.
"Graeme is my name Juliana... say it" sabi nito habang hawak nito ang batok niya at dahil nagsalita ito ay lalo niyang naamoy ang mabangong hininga nito.
Para naman siyang namamatanda sa ginagawa nito.
Bakit ba ang gwapo nito...
"Say my name Juliana.." Untag nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...