Chapter 22:Juliana's POV:
"And he has the nerve to touch what is mine"sabi nito at magkasalubong at madilim na madilim ang ekspresyon ng mukha nito.
Agad siyang napamulat at tinitigan ito, tinitignan niya na parang gusto niyang i-confirm ang sinabi nito o kaya bawiin.
Pero nanatiling magkasalubong ang kilay nito.
Mine?
Siya? Pag aari nito?
Bumilis nang husto ang tibok ng puso niya.
Ano?
Sandali lang, tinubuan na ba ng sariling utak ang tenga niya at naging ambisyosa na 'yon at ginawang lalaki si Graeme?
Anong nangyayari?
Tama ba siya ng dinig?
"A-ano kk-kamo?" Uutal utal niyang sabi, napalunok siya sa dahil sa magkahalong nerbiyos at antisipasyon.
Umiwas ito ng tingin ng saglit saka nito ibinalik sa kanya.
"You're mine, Juliana.." sabi nito habang titig na titig sa kanya.
Tulala siya.
Pero sa loob loob niya halos sumirko na ang buong kaluluwa niya sa sinabi nito.
..."because I care about you like a little sister"
Shet.
Pakiramdam niya parang may gumuho sa kanya...
Ang maliit na pag asa niyang baka may pag asa pa talaga ito parang maging tunay na lalaki.
At ang crush na nararamdaman niya para dito ay gumuho na, at may bonus...landslide pa nga iyon.
Natabunan ng realisasyon na tingin talaga nito sa kanya ay kapatid.
At talagang hindi nito kayang magustuhan ag isang babae.
At talagang bakla ito.
Kumirot ang dibdib niya sa naisip.
Anong nangyayari? Bakit parang sumakit ang puso niya?
Bumuntong hininga siya.
"Graeme, hindi mo na kailangang gawin 'yon" sabi niya dito at nagpasalamat siya dahil hindi nautal sa pagsabi niyon.
Tinitigan siya nito...matagal.
"Saka, kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko" sabi niya, totoo naman 'yon, may konti siyang alam sa taekwondo.
Pero nanatiling nakatingin sa kanya na parang may gustong sabihin ang mga mata nito.
Kung kanina ay blangko iyon, ngayon may mga ekspresyon it na ang hirap basahin.
Para kasing andaming sinasabi ang mga mata nito.
Hindi kaya may pinagdadaanan ito?
Na ano?
Natahimik na lang siya.
"No Juliana! I want to squeeze his neck when he suddenly pulled you closer and touches you!" Sabi nito sa kanya.
Nagagalit ba Ito?
Hindi naman niya maintindihan kung bakit ito nagagalit.
Dahil siguro nabastos ako at gusto niya akong ipagtanggol.. Sabi niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...