Hit

26.1K 714 7
                                    

Chapter 44:

Juliana's POV:

Nagising siya dahil sa hindi niya nararamdaman ang mainit at komportableng yakap ni Graeme sa kanya.

Disoriented na umupo siya at hinila ang kumot at ibinalot ang katawan at agad na inilibot niya ang tingin kung nasa paligid lang si Graeme pero hindi niya ito mahanap nung lumabas siya.

"Graeme?" tawag niya sa pangalan nito pero walang sumagot sa kanya.

Agad siyang napatingin sa isla at agad na naisip na baka naghanap ito ng pagkain nila.

Agad siyang bumaba at tinatawag ang pangalan nito.

"Graeme!" tawag niya.

Inilibot niya ang mata pero wala siyang makitang bakas nito.

Agad siyang pumunta sa usual spot kung saan ito minsan nangingisda.

"Nasaan kaya 'yon?" takang tanong niya.

Baka nasa ibang parte na hindi ko pa napupuntahan..

Aminado siyang may mga parte pa ng isla na hindi nya napupuntahan, gaya na lang ng mga masukal na parte, baka kasi may ahas doon.

Nagsimula siyang maglakad para hanapin ito sa masukal na parte habang tinatawag niya ang pangalan nito.

Mangha naman siya dahil kahit na masukal ang parte kung saan siya napapadpad ay napansin niyang madaming puno talaga.

Naisip niyang baka may mga punong may ibibigay na prutas sa kanila ni Graeme--

Naagaw ang pansin niya nung nakarinig siya ng parang may kaluskos.

Agad niyang sinundan ang tunog ng naririnig niya.

At nakita niya si Graeme doon at nakatayo ito sa isang hukay at may mga katabi itong parang gamit pero may takip at may lupa lupa pa.

Dahan dahan siyang lumapit para sopresahin ito.

Akmang tatawagin nya ito ng may kinuha ito sa mga gamit kanina at naumid ang dila niya nung nakita niyang ang hawak nito ngayon ay isang radyo.

Radyo? kumurap kurap siya.

Paano ito nagkaroon ng radyo?

Akala niya hindi ito makakontak ng tao para may magligtas sa kanila dito sa isla.

Anong nangyayari?

Wala sa loob ay napapalapit siya sa kay Graeme habang nakatalikod ito.

"Come in Bravo, this is Alpha one...kumusta na ang isla?" narinig niya sabi ni Graeme nung at nakarinig iya ng saglit na static sound.

At ang sumunod na sandali ay nagpatigil sa mundo niya.

"Dok! Heto dok okay lang at inaantay kaung dalawa ni ma'am Juliana....over"sabi ng tinatawagan ni Graeme sa kabilang linya.

Patda siya.

Hinihintay silang dalawa ni Graeme? Anong nangyayari?

Malinaw at kayang kayang makontak ni Graeme ang ibang tao kahit na nasa isla sila...

Ibig sabihin...

Nahulog na siya sa malalim na pag iisip dahil sa mga narinig.

Ewan niya pero ang tanging naiisip niyang sagot sa mga tanong ngayon sa isip niya ay sinadya ni Graeme na ma trap sila sa isla at kaya naman palang pwede silang umalis pero ayaw nito at inilihim nito iyon sa kanya.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon