Bed

25.8K 816 24
                                    


Chapter 23:

Juliana's POV:

"You don't have any clue but... I love you too much kaya hindi pwedeng mapahamak ka" sabi nito at parang tinakasan siya ng natitirang hangin at bait niya sa katawan sa sinabi nito.

"A-ano kamo?" Utal niyang tanong dahil ang bilis bilis na ng tibok ng puso niya.

Siya ba sinabihan nito ng 'I love you?'

Tangina? Nag I love you ba siya sa akin?

Pakiramdam niya para siyang naiihi sa kilig na nararamdaman niya.

Shet.

Parang gusto niyang magpa fiesta.

Natigilan siya.

Sandali lang...

Tinignan niya si Graeme at ngumiti ito.

Parang gumuho ang kung anong kilig na nararamdaman niya sa sinabi nito.

Kilala niya ito.

Hindi ito basta basta ngingiti kasi suplado ito.

Correction... suplada.

"Lasing ka na bwisit ka" ewan niya pero parang bwisit na bwisit siya.

At parang disappointed siya--

Erase erase!

Hindi siya dapat umasa sa sinasabi ng isang lasing.

Pero sabi nila pag lasing iyon ang totoong nararamdaman nila--

Ipinilig niya ang ulo.

"Paano na 'yan? Sabi mo sanay kang uminom?--"

"I can still drive you know" putol nito sa sinasabi niya, ngumiti ito at parang hindi lasing kung tumingin kasi para pa rin siyang matutunaw.

Tumikhim siya at inilayo ang tingin dito.

"Sir? Malakas ba 'yong ininom niya?" Tanong niya sa bartender.

"Opo ma'am, wala pong inilagay na yelo para ma--'

" If you still love your job, quit talking to my girlfriend " narinig niyang seryosong sabi ni Graeme sa bartender, naumid ang dila ng bartender at ngumiwi siya.

"Girlfriend mo mukha mo" inis niyang sabi nito.

Pakiramdam niya para siyang pinaasa sa wala dahil sa sinabi nito.

Mukhang kailangang tanggapin na niya talaga.

Tanggapin na niyang bakla talaga ito.

Pero ilang beses na ba niyang sinabi iyon sa sarili?

Tapos 'tong kulugong 'to nagsabi ng 'I love you' bwisit.

Maloloka na yata siya.

Bumuntong hininga siya.

"Kaya mo bang tumayo?" Tanong niya dito.

Tumawa ito.

"Of course" sabi nito, tumango tango siya mukha namang hindi pa ito masyadong lasing kasi diretso pa itong magsalita at pati ang mukha nito at parang hindi pa lasing--

Napasinghap siya nung tumayo ito ay agad itong napaluhod.

"Shít!" Malakas na mura niya at agad itong inalalayan sa prayer meeting nito sa sahig.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon