Announcement

24.1K 864 22
                                    

Chapter 21:

Juliana's POV:

Napangiwi siya habang nakatingin kay Graeme na inaantay siya matapos ang shift niya sa clinic nito.

"Any problem?" Tanong nito pagkakita sa ekspresyon niya.

"W-wala" sabi niya dito kahit na ang totoo, eh naiilang siya kasi sasama ito sa night out nila ng mga katrabaho niya.

Ilang araw na din simula nung sinabi nitong sasama ito sa kanila.

At ngayong gabi na 'yon.

Kaya naman talagang inaantay siya nito kahit na sinabi niyang huwag na itong sumama sa kanila.

Tumanggi siya nung sinabi nito 'yon pero ang sinabi na lang nito..

"I will watch you, to prevent any alcoholic drinks"..

Napangiwi siya.

Sinabi kasi nito na baka kahit na hindi pwede sa kanya ay baka bigla siyang mapapainom.

Hindi siya heavy drinker, konti nga lang naiinom niyang alak eh, pero mapapainom siya ng pilit, para na rin sa pakikisama.

Ang pangit din naman na hindi siya iinom.

"Balik lang ako sa bahay para magpalit, eh ikaw--"

"I'm okay.." Sabi nito at inalis nito ang suot nitong coat at napanganga siya sa nakikita.

Naka long sleeves ito at jeans pero ang lakas ng dating nito.

Ang gwapo gwapo.

Pero sa loob, feeling nito mas maganda ito keysa sa kanya.

Bigla niya tuloy naimagine ito na nakasuot ng dress pero ang laki ng katawan at kita ang balahibo nito sa dibdib.

Pinigilan niya ang paghagikgik.

Bigla niya tuloy naisip na buti na lang at hindi nito napagdesisyunan na mag cross dress ito, since lalaking lalaki ang itsura nito.

At hindi iyon bagay dito.

Hindi naman siya against sa mga nagko- cross dress pero hindi talaga bagay iyon dito.

"Any problem?" Tanong nito at napalunok siya dahil binuksan pa nito ang ilang butones nito sa dibdib.

Tuloy napatitig siya sa mabalahibong dibdib nito.

Parang ang sarap--

Kinurot niya ang sarili.

"Tara na nga" sabi niya at nagpatiuna para umalis sa lugar na 'yon bago pa man may sumabog na malanding kaluluwa sa kanya at molestyahin niya ito sa isip niya.

--

"Kasama mo si Doc Graeme!" Tili ng kaibigan ng ipit na ipit ang boses dahil sa nakikita nitong si Graeme na kasama niya.

Isa ito sa mga katrabaho niyang sobrang kikay at tinalo pa nito ang Christmas tree at konti na lang iilaw na ito dahil sa colorful ng damit nito.

Habang siya, simpleng jeans lang at sleeveless na blusa at simpleng sneakers lang.

"Kilala mo siya?" Tamang tanong niya.

"Diyos ko girl! Kilalang kilala kaya siya ang yummy yummy putragis ano size ng paa niya? Diyos ko--"

"Eh kung pauwiin ko na kaya siya?" Napasimangot niyang sabi.

"Eto naman oo na sa'yo na siya!" Sabi nito sa kanya at saka ito tumingin kay Graeme at parang wala lang kay Graeme na pinagtsitsismisan  nila ito at patay malisya ito.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon