Confession

29.9K 847 39
                                    


Chapter 29:

Juliana's POV:

Impit na tumili siya at habang nakabaliktad na buhat ni Graeme sa balikat nito.

Kahit na mabilis siyang inilabas nito sa restaurant ay pinagtitinginan sila ng mga tao.

Hiyang hiyang tinakpan niya ang mukha.

Mabuti na lang at gabi na kaya naman hindi na din siguro siya mamumukhaan ng mga tao...if ever.

Sobrang nakakahiya kung baka mapunta ang mga ito sa ospital at mamukhaan siya.

Napangiwi siya.

Nang nakarating sila sa kotse ni Graeme ay agad siyang ipinasok nito sa loob pero desidido siyang umalis doon pero mabilis na nagsalita ito nung nakaibis na ito papasok sa driver's seat.

"Don't ever think about it, or else I'm going to undress you and make love to you..publicly." May himig pagbabanta ang boses nito.

Napalunok siya at agad na bumalik sa kamalayan niya ang ginawa nila sa restroom kanina.

Namula siya.

"B-bastos!" Pulang pulang sabi niya.

"Don't test me Juliana, I'm at the verge of it, baka magsisisi ka" sabi nito at may apoy pa rin ang mga mata nito nung tinignan siya.

Lumunok siyang sunod sunod.

"M-manyak kang bakla ka!" Tarantang sabi niya dahil ewan niya kung bakit kahit kinakabahan siya ay parang nae-excite siya sa mga maaring gawin nito.

Nagulat pa siya nung biglang hinawakan nito ang batok niya at pinaglapit nito ang mukha nila.

"But I'm not gay, Juliana" sabi nito at napakurap siya.

"What?" Tanong niya, tama ba siya ng dinig?

Hindi daw ito bakla?

Inalis niya ang kamay nito sa batok niya ambagay na hindi nito nagustuhan.

"I'M NOT GAY DAMN IT!" Dagundong sa sabi nito at napanganga siya.

"H-hindi ka bakla?" Nauutal at naguguluhan niyang sabi.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"Yes, I'm not" sabi nito, at agad na nagsibalikan ang lahat ng mga nangyari...ang mga bagay na napapansin niya na parang hindi ito bakla...na hindi ito mukhang bakla...

"Shít..." Mahinang mura niya.

Anong nangyayari-- teka bakit hindi ito bakla? Bakit?

"N-naging lalaki ka na ulit?" Takang tanong niya at naguguluhan.

"No...I was never a gay" Pagtatapat nito.

Ibig sabihin...

Agad na nagtugma tugma sa isip niya ang mga nangyayari.

"P-pinaglalaruan mo ako?" Naguguluhan niyang tanong at tinignan ito.

"No!" Mabilis na sabi nito sa kanya pero tinignan niya ito at nagtatanong ang mga mata niya.

Naguguluhan siya kung bakit pakilala nito ay bakla ito noon, pero ngayon hindi na?

At hindi daw talaga ito bakla?

Anong nangyayari--

Napasinghap siya.

Pinagtitripan siya nito?

Pinaglaruan?

"Eh ano?" Agad siyang nag isip ng mga rason kung bakit pero hindi siya makapag isip ng tama.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon