Chapter 20:
Juliana's POV:
"Stop talking like that , Juliana, baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sa'yo" sabi ni Graeme at nabigla siya sa sinabi nito.
Pero itinago na lang niya iyon dahil baka isipin nitong isa siyang malisyosa.
Tumawa nalang siya.
"Baklita, tumigil ka nga diyan" sabi niya at para patunayan sa sarili na hindi siya malisyosa ay siya na mismo ang humawak sa kamay nitong nakalabas.
"Halika na" sabi niya pero ang totoo, halos nakuryente siya sa sensasyon ng pagdaop ng mga kamay nila.
Ewan niya kung bakit parang nakukuryente siya kapag magkalapit ang mga balat nila.
Pero ang kuryenteng nararamdaman niya ay hindi masakit, parang nakakakuryente pero masarap sa pakiramdam?
Ipinilig niya ang ulo.
"Saan ba? Sa braso?" Tanong niya dito, wala namang imik na tumango na lang ito.
Napalunok naman siya.
Hindi naman sa takot siya sa injection, ang natatakot siya, iyong epekto ng gamot.
Minsan kasi talaga...masakit ang gamit lalo na pag papasok na sa katawan, alam niya iyon.
Minsan may mga pasyente na kahit hindi takot pero dahil masakit ang gamot halos ayaw nang paturok.
"M-masakit ba 'yan?" Napangiwi siya dahil parang takot na takot ang labas ng tanong niya.
Tinignan siya ni Graeme.
"To be honest, yes, I will be slow on administering it, I promise" sabi nito sa kanya sa malambing na boses?
Tumigil ka.
"This is a hormone so it's achy" sabi nito ulit at parang ayaw nitong iturok iyon dahil nag aalangan ito sa reaksyon niya.
"Graeme..." Tawag niya sa pansin nito.
"Yes?" Tanong nito sa kanya at inantay niyang tingnan siya nito at saka siya ngumiti dito.
Ramdam niya kasi ang concern nito, at talagang nag eefort itong tulungan siya at ngayon ang posibleng sakit ng ineksyon.
Maliit na bagay kung tutuusin pero gusto niya ang effort na 'yon.
"Okay lang ako" sabi niya habang nakangiti dito
Imagination lang ba niya o parang kumislap ang mata nito ng tuwa?
Natutuwa kaya ito dahil may kooperasyon siya?
Ngumiti siya ulit dito.
At kitang kita niyang natigilan ito.
Napakurap naman siya dahil parang may nakita siya apoy doon?
Apoy ng ano?
"Graeme?" Tawag niya sa pansin nito na parang nahulog ito sa malalim na pag iisip.
Pumikit ito ng mariin at saka ito bumuntong hininga.
"Give me your arm" sabi nito sa parang paos na boses?
Bakit kaya parang paos siya? Takang tanong niya sa isip
Inililis niya ang sleeve ng suot niyang uniform at saka nito iyon pinaikutan ng cotton balls na may alkohol.
Lumunok siya at ini relax ang sarili para makapaghanda.
Naramdaman na niya ang pagtusok ng karayom sa kanya at kumakalat na ang init ng gamot sa braso niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...