Chapter 30:Juliana's POV:
Diyos ko po.
Napalunok siya at halos hindi siya makahinga dahil papalapit sa kanya ngayon ang lalaking nagpapagulo sa buong sistema niya.
At ang lakas lakas ng kalabog ng puso niya.
Ipinilig niya ang ulo.
Hindi pwedeng padala na naman siya sa pesteng puso niya dahil kay Graeme...
Pero ang gwapo niya talaga bwisit!
Inis siya, hindi lang dito, pero sa sarili na din niya.
Mamatay na lahat pero ngayong nakita na niya ulit ito, lumalabas na ang pagkamiss na nararamdaman niya para dito.
Pero hindi.
Ipinilig niya ang ulo, may kasalanan ito sa kanya, hindi siya magpapagoyo dito., matapos nitong magsinungaling...at sinabihan ng nakikipagdate sa kahit na sinong lalaki na parang ang landi niya?
Nunca!
Pinapormal niya ang mukha at kunwari ay hindi niya napansin na nakita na niya ito.
Style mo bulok. Tuya ng isip niya, pakiramdam niya masisiraan na siya ng ulo dahil pakiramdam niya pinagtatawanan na siya ng isip niya.
Ganoon na yata siya ka pathetic.
Kailangang patatagin niya ang sarili niya.
Agad siyang nag isip, ito daw ang susundo sa kanya?
Hindi pupwede 'yon.
Gusto niya nga itong iwasan tapos sasama pa siya sa pagsundo nito?
Agad siyang tumalikod at parang hinahabol ng multo na umalis siya doon at bumalik para nagtanong para sa susunod na biyahe.
"Ay naku sorry po ma'am baka bukas na lang daw po kasi baka magkakaroon ng Gale warning" sabi sa kanya.
Agad siyang nanlumo.
"You could stay in my yacht" sabi ng isang boses malapot sa tenga niya at agad nanayo ang mga balahibo niya sa batok at agad na pumiksi siya palayo.
Nanlalaki ang mga matang tinignan niya si Graeme.
"A-an-anong yate?" Natatarantang sabi niya dahil sa mainit na hininga nitong tumama sa batok niya ay agad na nag react ang katawan niya.
Bigla ang daluyong ng sensasyon sa kanya dahil bigla niyang naalala ulit ang ginawa nila sa restroom ilang linggo na ang nakakalipas.
Kahit na ilang linggo pa iyon ay hindi maialis sa isip niya ang mga naganap.
Bumaba ang tingin niya sa labi nito, naalala niya kung paano inangkin ng labi nito ang mga dibdib niya--
Namumulang ipinilig niya ang ulo.
Dapat mainis siya dito...hindi na niya dapat isipin iyon.
Aysus ilang beses mo ngang napapanaginipan 'yon! Tuya sa kanya ng isang parte ng isip niya.
Lalo siyang namula dahil totoo 'yon, nakakahiya man pero talagang ilang beses siyang nagka wet dreams.
Bwisit na buhay 'to! Inis na sabi niya sa sarili niya.
At mukhang napansin nito iyon kaya tumaas ang sulok ng bibig nito.
Patay malisya at nagsimula siyang maglakad paalis sa lugar na 'yon pero dalawang hakbang pa lang yata siya nung naramdaman niyang biglang pinigil nito ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...