Faking it

25.7K 760 10
                                    


Chapter 15:

Juliana's POV:

Naparalisa siya habang kumukurap kurap at kandaduling na nakatingin sa nakadilat din at titig na titig sa kanyang si Graeme.

Kung siya ay nabigla at nakatitig lang kay Graeme, ito naman ay ewan niya kung nakita niya ang apoy? Mabilis lang iyon kaya hindi niya alam kung totoo.

At imagination lang niya talaga.

Pero anong nangyayari?

Bakit siya hinahalikan ni Graeme?

At tama ba siya kanina na gumalaw ang labi nito?

Mainit ang labi nito...malambot at--

Napatulala siya at nagulat nung biglang tumayo si Graeme at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

"How dare you" sabi nito sa kanya.

Ano???

Napamulagat siya, kung umasta ito para itong isang dalagang pilipina na linapastangan.

Hi
At siya? Ang lumapastangan dito?

Siya pa talaga?

Inis na bumangon siya at masama niyang tinignan ito.

"Gusto mong tapyasan ko 'yang bibig mo! Ang kapal mo ah! So ikaw pa talaga ang may ganang mag react na birhen! Bwisit ka! First kiss ko 'yon! Baklita ka!" Inis na inis niyang sabi.

Para kasing diring diri ito sa kanya kung maka asta at parang ito pa ang may habang magalit?

"Well hindi ko na kasalanan 'yon, ikaw 'tong biglang sumulpot at nambangga, you're lucky I was protecting your head--"

"Maswerte? Wow! Ang kapal ng mukha, ikaw 'tong maswerte, ikaw lang nakahalik sa akin bwisit!" Bigla siyang namula nung tumaas ang kilay nito at tinignan nito ang mga labi niya?

Labi ba niya ang tinitingnan nito? Bakit?

Napatingin din siya sa mga labi nito.

Parang kelan lang, iniisip niya kung paano mahalikan nito, ngayong nalaman na niya, parang gusto niyang tumili dahil sa frustration dahil parang may nawala sa kanyang isang bagay pero parang mahahanap niya iyon sa mismong harapan niya.

"Why are you so pissed at?" Takang tanong nito na parang dapat talaga ito lang ang dapat magalit.

Naiinis na tinignan niya ito.

Salubong ang kilay nito at halata ang inis sa mukha nito.

"Ikaw! Bwisit ka eh! Alam mo bang first kiss ko 'yon! Bakit sa'yo pa--'

Tumiim ang bagang nito.

"Why? Ibibigay mo ba 'yon sa manliligaw mo?" Putol nito sa sinasabi niya at lalong dumilim ang mukha nito.

"Oo! Dapat ang first kiss ko 'yong maayos akong hinalikan! Hindi iyong ikaw na nga nakahalik sa akin kung umasta ka parang may altar n--"

"Really? You should have just told me" sabi nito, parang sa isang iglap para itong kidlat na mabilis na lumapit sa kinauupuan niyang sahig

At bago pa man siya makapagsalita ay inilagay nito ang malaking kamay nito sa batok niya at mabilis na sinakop ang mga labi niya at binibigyan na siya nito ngayon ng isang halik sa mga labi.

Tulala siya at ang tanging nararamdaman niya ay ang mainit na labi nitong nakasakop sa mga labi niya at ang tanging naririnig niya ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya.

Kung kanina, simpleng pagdikit lang ng mga labi nila, ngayon ay iba na.

Nakabuka ang bibig niya kanina at ngayon ay ramdam niya ang pagsimsim ni Graeme sa mga labi niya na parang sinisipsip nito ang lahat ng lasa ng labi niya.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon