Chapter 32:Juliana's POV:
"Let me treat my princess,.." Sabi nito pero biglang nahilo ito at sumandal sandali doon.
Bumuntong hininga siya at tumalikod para sana umupo na pero kakatalikod lang niya nung nakarinig siya ng malakas na labusaw ng tubig.
Agad siyang binundol ng kaba.
Paglingon niya ay wala na ang nakasandal doon na si Graeme.
Shít!
Mabilis siyang napatakbo at nakita niyang nasa tubig nga ito.
"Graeme! Diyos ko! Tulong!--" natigilan siya at muling napamura ng sunod sunod dahil narealized niyang walang taong pwedeng tumulong sa kanila.
"Diyos ko! Shít talaga! Anong gagawin ko!" Natataranta niyang sabi, magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya.
Kaba dahil lasing si Graeme, at takot dahil baka mamatay ito.
"Hindi!" Sigaw niya at agad na naghanap ng pwedeng gawing salbabida.
Ilang balik na siya at taranta na hinanap ang salbabida pero wala siyang mahanap.
Nanginginig na siya at halos mangiyak ngiyak dahil wala siyang makitang--
Hayun! Agad niyang kinuha ang isang walang laman na malaking galon ng mineral water at inihagis niya iyon.
Laking pasalamat niya na nakatigil ang yate kung hindi ay naiwan nang nakalutang si Graeme.
"Diyos ko tulungan niyo po kami" mahinang dasal niya at saka sumagap ng hangin at pikit matang tumalon siya.
Alam niya ang konting langoy, pero hindi siya expert at pagkatalon niya at lagapak ng katawan niya sa tubig at saglit siyang nagpanic, agad niyang iniahon ang ulo at nakita niya si Graeme at agad siyang lumangoy palapit at agad niyang iniahon ang ulo nito sa tubig.
"Graeme! Graeme!" Sunod sunod na tapik niya sa mukha nito pero nakapikit ito.
Mukhang wala talaga itong malay, napamura siya at sinunod sunod pa niya ng tapik.
"Graeme! Ano ba! Bwisit ka kasi! Bakit ka ba kasi uminom eh hindi mo kayang uminom gago ka! Graeme! Graeme! Gumising ka! Iiwan kita dito!" Banta niya pero nanatiling nakapikit ito.
Agad niyang tsineck kung may pulso ito pero mahina iyon, napamura siya.
Inilapit niya ang daliri sa ilong nito pero wala siyang hiningang naramdaman sa daliri niya.
At kasingdami na yata ng tubig ngayon ang mura niya at mangiyak ngiyak na siya.
"Graeme naman eh! Bwisit naman! Huwag mo naman akong iwan! Gumising ka na please anong gagawin ko--" Natataranta na siya ng husto at nararamdaman na niya na malapit na sumakit ang paa niya sa sobrang pagkampay para hindi sila lumubog na dalawa.
Agad na nag isip siya at hinila niya ang kalapit na galon at gamit ang isang braso ay ginamit niya ang buong lakas at hinila niya ang kwelyo ng damit nito.
At sinimulan niya ang paghila dito sa kalapit na hagdan paakyat sa yate.
Nang nakalapit sila doon at ikinawit niya ang isang kamay at hinila ang batok ni Graeme at agad at hindi na nag isip at binigyan ito ng sunod sunod na pagbuga ng hangin sa bibig nito.
"Graeme!" Sunod sunod na tawag niya sa pangalan nito at hinihingal na siya dahil sa hindi sanay na paglangoy at pagbuga sa bibig ni Graeme.
Kailangan na magising niya ito dahil hindi niya ito kayang buhatin paakyat.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...