Chapter 14:Juliana's POV:
"Are you molesting me while I'm sleeping?" Tanong nito na nagpalaki ng husto sa mga mata niya.
Siya?
Nangmomolestiya?
Pangmomolestiya ba ang tawag sa ginawa niyang paghaplos sa pisngi nito?
"You're quiet, means you're guilty" sabi nito at para siyang nagising sa pag iisip.
Suminghap siya para bumwelo ng talak.
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw nga 'tong parang sawa na nakapulupot sa akin! At bakit naman kita m-molestyahin eh ikaw 'tong humila sa akin!" Singhal niya dito.
"You buckled while you're talking" sabi nito sa himig pagdududa habang nakatingin sa kanya.
Pumalag siya at pilit na kumakawala dito.
"Hoy! Ang kapal mo ah! Bitiwan mo na nga ako!" Inis na sabi niya, pero tinatanong niya ngayon ang sarili kung namolestiya ito kanina.
Oo, sinamantala mo ang sitwasyon habang tulog siya.
Pero hinaplos lang naman niya ang pisngi nito at kung mangmamanyak siya, ay malamang sa hindi dinakma na niya ang 'bird' nito.
Namula siya.
"See? You're even blushing, how dare you Juliana" sabi nito at nanlaki ang mga mata niya at lalo siyang namula.
"I-ikaw! Tinignan ko--"
"Wow, sinilipan mo pa ako" sabi nito at napasinghap siya.
At sunod sunod siyang umiling.
"Gago ka bastos! Oo na hinawakan ko iyong--"
"God! You even touch me!" Sabi nito at suminghap ng bahagya.
Napasinghap siya.
"Hinawakan ko lang 'yong pisngi mo kung may l-lagnat ka!" Pulang pula siya at sana hindi nito mapansin na nagsisinungaling siya.
At hindi naman niya talaga hinawakan ang pisngi nito para malaman kung may lagnat ito, gusto lang niyang mahawakan talaga ang pisngi nito.
Teka lang.
Bakit ba parang---
Tinignan niya ito at doon niya nalaman na pinagtitripan na siya nito.
Nakita niya kasi ang kislap ng pang aasar doon.
"Bwisit" sabi niya at pilit na kumakawala mula sa hawak nito pero hindi niya alam kung ayaw nitong pakawalan siya.
Napalunok siya dahil nararamdaman niya ngayon ang init ng katawan nito.
At dahil doon ay lalong tumindi ang kagustuhan niyang umalis sa pagkakayakap nito.
Pero natigil siya sa pagpalag nung biglang hinuli nito ang kamay niya at inipon iyon gamit lang ang isang kamay nito.
"Graeme ano bang ginagawa mo! Sandali iyong kamay mong may swero sira ka ba!" Sabi niya, magkahalo ang kagustuhan niyang umalis pati na din ang pag aalala sa kamay nitong may dextrose.
"Oh that?" Sabi nito at inilagay sa harap niya ang kamay nitong may dextrose at bago pa siya nakapag tanong ay biglang hinablot nito ang plaster na nakadikit sa balat nito at napakurap siya.
"W-wala?" Takang tanong niya, kanina lang ay meron iyon ay tsineck pa niya.
"Yeah, I called another nurse to remove while you're busy with my diagnostic tests" sabi nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...