Nurse

33.1K 1K 32
                                    

Chapter 10:

Juliana's POV:

Lumunok siya at inihanda ang sarili pagkabukas ng pintuan ng hospital suite.

At napanganga siya nung nakilala niya ang pasyente.

"Hello" bati sa kanya ng nag iisang lalaki na lagi niyang naiisip.

Nakanganga pa rin siya habang nakatingin dito.

"Okay, so Nurse Juliana, I'm done with endorsing, ikaw na ang bahala okay?" Sabi ng head nurse sa kanya.

"S-sige po" sabi niya pero nakapako ang tingin niya kay Graeme na naka upo sa hospital bed at nakatingin din sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang tanong at agad na lumapit dito, pero napatigil siya nung akma na siyang umupo sa gilid ng kama nito nung nakita niyang naka suot ito ng hospital gown.

Na v-neck.

At nagpipiyesta na ang mga mata niya sa manipis na balahibo sa dibdib nito, at bakat na bakat ang mamasel at matipunong dibdib nito.

Napalunok siya dahil lalaking lalaki ang itsura nito.

"As you can see, I'm a patient here" sabi nito na parang wala lang.

Tumikhim siya para alisin ang malisya sa katawan niyang tumutubong dahil sa baklitang yummy.

Iyong iba pakitang gilas.

Siya pakitang dibdib.

Nag iisip na siya ngayon kung matigas ba ang dibdib nito at kung masarap--

Huyyyy! Tumigil ka diyan Juliana.

"Nakikita ko nga, huwag kang pilisopo" sabi niya at pilit na pinatatatag ang boses.

Tumaas ang kilay nito at nagsalubong ang malagong kilay nito.

"I was stress out, so I can't sleep, and my chief complaint was headache" masungit nitong sabi habang salubong ang kilay nito.

Bakit ba ang sungit nito?

"Bakit ako ang ginawa mong nurse? At paano mo nalaman kung saan ako nagtatrabaho?" Takang tanong niya.

Tumaas ang kilay nito.

"I'm a doctor, at bakit naman ako magpapaliwanag sa'yo, I'm ill"masungit pa ring sabi nito.

Gustong gusto na niyang makipag compete sa taasan ng kilay nito.

Bumuntong hininga siya.

"Okay sige, aalagaan na po kita mahal na prinsesa" sabi niya at napabuntong hininga.

"Good...now come here" sabi nito at lumunok siya dahil parang nang aakit-

Tseh! Bakla yan!

Para kasi itong lalaking nang aakit sa kama.

Gusto na niyang mapa sign of cross dahil sa mga pinag iisip.

Bakit kasi ang gwapo nito?

Walang styling wax ang buhok nito at natural na natural ang bagsak at hati niyon, medyo magulo pa iyon kaya naman ang sexy nito tingnan.

Lintek na crush na to!

"B-bakit?" Nauutal na tuloy siya habang nakatayo lang doon.

"I need you.." Sabi nito sa parang medyo paos na boses.

Nanlaki ang mata niya.

"Come here Juliana.." Sabi nito.

"Hoy! Tumigil ka nga! Bakit para kang nang aakit diyan!" Nanlalaki ang butas ng ilong na sabi niya.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon