Survive

22.5K 819 22
                                    


Chapter 35:

Juliana's POV:

"You're so awkward now..." Sabi nito.

Hindi niya ito pinansin at binibilisan niyang matapos ang pagbenda niya dito dahil nagwawala na ng husto ang puso niya.

"...how much more if I will tell you that we're both stuck here" sabi nito at agad na napatingin siya dito ng diretso.

"Ano?" Pag uulit niya dahil parang may sinabi itong hindi sila makakaalis sa lugar na ito.

Tinitigan siya nito.

"Nasira ng bagyo ang yate...so hindi ko alam kung paano tayo makaka alis sa lugar na 'to" sabi nito at napasinghap na napatayo siya sa gulat.

Nasapo niya ang ulo at parang biglang bumalik ang sakit ng ulo niya.

"H-hindi tayo makakaalis dito?" Tanong niya dito at nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin dito.

"Yes, I tried sending distress signal pero sa sobrang sira ng yate hindi ko alam kung natanggap nila 'yon" sabi nito sa boses mahina.

Nagpalakad lakad siya at nag isip.

Pero wala siyang naisip na paraan.

"Ano nang gagawin natin Graeme?" Sabi niya at humarap dito.

Hindi naman sa gustong gusto niyang umalis, pero may kondisyon kasi si Graeme, at kahit sinabi nitong wala ito bali, hindi naman X-ray machine ang mga mata nito.

At nag aalala siya.

"We will wait" sabi nito at ngumiwi.

"P-pero kasi 'yang--"

"I'm fine, Juliana...I told you already" sabi nito.

Agad siyang nag isip.

Kung na trap sila dito, kailangang hindi nito masaktan pa ang sarili nito.

Kailangang gumaling ito.

"O-okay, paano tayo mabubuhay dito? Kailangang gumawa ako ng paraan para maka alis tayo dito" pinal niyang sabi.

"There's enough food and water for us for weeks--"

Agad siyang dumiretso sa loob at tinignan ang kusina doon at binuksan ang ref doon.

Napakurap siya dahil milagro na din kung tutuusin na may kuryente pa sa loob ng yate.

Napasinghap siya at agad na hinanap ang cellphone niya.

Agad siyang nanlumo dahil nakita niya nabasag 'yon...at mukhang sira na 'yon.

"Shít naman, hindi ko pa tapos bayaran" sabi niya at bumuntong hininga.

Agad niyang iginala ang tingin sa loob ng yate, magulo ang loob at madaming basag.

Agad siyang bumalik sa lugar ni Graeme at napamura siya nung nakita niyang hirap itong tumayo.

"Bakit ka ba tumayo!" Nag gagalit galitan niyang sabi dito.

"I need to help you" tipid nitong sabi at umiling siya.

"Hindi ka pwedeng maggagalaw at baka--"

"Stop treating me as your patient, Juliana, I'm not invalid" masungit na sabi nito, napasimangot siya.

"Gusto mo bang kurutin ko 'Yong pasa mo at ng marealized mong hindi ka pwedeng kumilos ng basta basta?" Banta niya dito.

"Damn it!" Sabi nito at doon niya napansin na iika ika ito ng todo.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon