Chapter 6:Juliana's POV:
Kasalukuyan niyang inalis ang hospital gown at magsusuot na sana ng bra nung may natabig siya dahilan para mahulog iyon at napatili siya ng bahagya nung sinubukan niyang saluhin iyon.
"Ay shet muntik na--"
Pero hindi na niya naituloy ang sasabihin nung biglang bumukas ang pinto kung saan siya magbibihis at dahil may hawak siyang iniligtas niya bago mabasag ay hindi na niya natakpan ang sarili.
At sa ikalawang pagkakataon, nakita na ng doktor ang katawan niya.
Kasama ang mga dibdib niya.
Kitang kita niyang bumaba ang mga mata nito sa mga dibdib niya
Akala ko ba bakla siya?
Pero mukhang natural lang iyon dahil lalaki pa rin ito.
Para siyang nagising nung nakita niyang bumaba ang mga mata nito sa kabuuan niya.
Tumili siya.
At para naman itong nagising at kumurap ito at bago pa man siya tumigil sa pagtili at natatarantang tinatakpan ang sarili ay kitang kita niyang bigla nito inalis ang coat nito.
Kaya naman lalo siyang parang baboy na kinakatay nung lumapit ito kaya napaatras siya.
Pero natigil siya sa pagtili nung naramdaman niyang ibinalot nito ang coat sa kanya.
"Anong--"naguguluhan niyang tanong.
" Stupid woman, what if someone comes in, and not me" sabi nito sa ubod ng supladong boses nito
Namumula ang mukha nito na parang sobrang inis.
Napakurap siya.
Bakit ang sungit nito?
Salubong na salubong ang kilay nito, at dahil malapit ang mukha nito ay amoy niya ang mabangong hininga nito at ang mabangong sanghaya ng katawan nito.
Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya.
Parang lalong naging gwapo ito sa paningin niya kaso sobrang lapit ng mukha nito.
Malapit?
Saka lang niya napansin na nakayakap ito sa kanya habang nakabalot siya sa puting coat nito.
Itinulak niya ito habang kipkip ang coat nito, wala na siyang pakialam kung maitulak man niya ito at suot niya ang coat nito.
Basta bwisit na bwisit siya.
"Eh ikaw 'tong biglang pumasok!" Inis niyang sabi.
"Tumili ka, so what do you want me to do? You're inside my clinic and you're my responsibility!" Inis ding sabi nito.
Bakit ba Ito pa ang naiinis eh siya na nga 'tong hubad hubad.
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Oo na! Thank you ha?" Sarkastikong sabi niya pero ang totoo ay na siya touch siya sa sinabi nito na responsibilidad siya nito.
At gentleman, kasi itinakip nito ang coat sa kanya dahil baka nga naman may biglang pumasok sa loob.
Napakurap siya
Pero hindi ba soundproof ang opisina nito?
Nagkibit balikat na lang siya.
"Be careful next time, you don't what and who will suddenly barged in when you screamed like that" sabi nito at bakit parang naging paos ulit ang boses nito? Dahil ba sa pagbulyaw sa kanya kanina?
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
Roman d'amourA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...