Admission(mild spg)

33.2K 833 13
                                    

Chapter 38:

Juliana's POV:

Agad nitong saglit na binitiwan ang labi niya at hinila ang mga paa niya para mapahiga siya at mabilis siyang kinubabawan at mabilis at mainit na kinuyumos nito ng halik.

Nagbabaga ang labi nito...mainit, medyo madiin...at nakaka liyo ang halik nito.

Pero bakit?

Bakit parang may nararamdaman siyang takot sa halik nito?

Takot para saan?

"You're mine Juliana, and I'm so afraid of losing you... I love you so much" sabi nito at agad siyang hinalikan nito ulit ng mapusok, mapag angkin at sobrang maalab.

Habang ito at maalab siyang hinahalikan, siya naman ay tulala sa sinabi nito.

Oo at apektado siya sa halik nito at halos mag init ang buong katawan niya pero may sinabi itong nakakabigla.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya sa sinabi nito.

..."I love you so much"

Mahal siya nito? At ang nakikita niyang takot kanina ay ang ayaw nitong mawala siya?

Agad na parang sumasayaw ang puso niya sa sinabi nito, parang lahat sa kanya ay sumaya, lalong lalo na ang puso niya.

Ramdam niya ng desperasyon sa halik nito na parang kinukumbinsi siya na paniwalaan niya ito.
Dahil kahit mapusok ang halik nito, ay nararamdaman niya ang suyo sa halik nito.

Pero sandali lang..

Agad at nilakasan niya ang tulak dito para nagtanong.

"G-graeme! Sandali lang--"! Tulak niya at saglit na nakawala ang labi niya pero agad na hinuli nito ang batok niya at agad siya hinalikan.

Ilang beses niyang itinutulak ito mula sa dibdib nito pero ayaw talaga siyang pakawalan at parang ang ginagawa nito ngayon ay patunayan nito na wala itong gustong gawin kungdi ang sinabi nitong maangkin siya ng buong buo.

Kaya dahil hindi niya ito makausap ay napangiti siya sa isip at nakaisip ng magandang gagawin para makumbinsi itong pumapayag na siya sa sinasabi nitong pagmamahal.

Tumigil siya sa pagtulak at inilagay niya ang mga kamay sa batok nito at saka lalong pinagdikit ang labi nila, at saka niya tinugon ang halik nito sa paraang ibinubulong ng puso niya.

Napapikit siya dahil kakaiba ang halik nito sa pakiramdam niya, oo at matamis ang bawat halik na nangyari sa kanila, pero parang matamis ito ngayon?

Hindi kaya dahil bukas na ang puso niya sa pagtibok at pagtanggap sa nararamdaman niya para dito?

Tumigil ito at maang binitiwan nito ang mga labi niya....at saka siya tinignan nito.

Nagtama ang mga mata nila at kitang kita niya ang pagkabigla, ang apoy sa mga mata nito...at pati na din ang emosyon na lagi niyang nakikita tuwing nagtatama ang mga mata nila.

Ang masuyong ekspresyon ng mga mata nito na hindi niya nakikita sa mga mata nito kapag nakatingin sa iba...

Iyon kaya ang pagmamahal nito para sa kanya?

"Y-you kissed me back?" Maang tanong nito.

Ngumiti siya dito.

At kitang kita niyang suminghap ito.

"God you never fail to robbed my breath every time you smile..." sabi nito at parang bumuntong hininga nung nagsalita.

"Mahal mo ako?" Nakangiti niyang tanong dito.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon