Fare

34K 1.1K 33
                                    


Chapter 8:

Juliana's POV:

""I will help you...I will give you a child" sabi ni Graeme habang titig na titig sa kanya.

Kitang kita niya sa mga mata nito ang determinasyon sa sinabi nito.

Pero sandali lang.

Ano ulit ang sinabi nito?

Bibigyan niya ako ng anak?

Para siyang napapaso na gusto umalis sa hawak nito pero mukhang alam na nito ang gagawin niya, dahil nakaupo siya at ito ay nasa harap niya at ginamit nito ang katawan para iharang iyon para hindi siya makaalis.

"A-anong ginagawa mo?" Sabi niya at pilit na itinutulak ito.

Pulang pula ang mga pisngi niya sa sinabi nito.

Ano daw?

Aanakan niya ako?

Di'ba bakla ito?

Anong nangyayari?

"Calm down, I will help you" sabi nito at lalo siyang nag panic nung inilapit nito ang mukha sa kanya.

Diyos ko, dito na ba magtatapos ang birhen kong kaharian?

Di'ba dapat mag iingay siya at matakot?

Pero bakit sobrang excited siya?

"A-aanakan mo ba ako?" Biglang sabi niya.

Agad na tumigil si Graeme at tinitigan siya...ng matagal.

Lumunok siya.

Gulong gulo siya.

Hindi niya alam ang gagawin pero ang  malanding isip niya ay biglang naging excited sa mangyayari.

Dumaan ang ilang saglit bago ito nagsalita.

"What did you say?" Takang tanong nito matapos ang ilang sandali.

"W-wala" Kaila niya para mailigtas ang sarili.

"Did you just---sinabi no bang aanakan kita?"  Tanong nito at imagination lang niya yata pero parang may nakita siyang apoy sa mga mata nito?

Huh?

Nakagat niya ang ibabang labi dahil kitang kita niya ang pagkalito sa mukha nito.

"H-hindi ba? S-sabi mo kasi 'I will give you a child'--" natigil siya sa pagsasalita nung nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

"Oh my God Juliana" sabi nito tapos ay parang kidlat na iika ika na agad itong umupo at hinila ang swivel chair nito palapit sa kanya sa desk nito.

"Are you saying that you're thinking on having sex with me?" Siya lang ba o parang naging paos ang boses nito?

Namula ng husto ang mukha niya, at mukhang pati leeg niya sa sinabi nito.

Shít.

Mukhang nagkamali siya ng intindi.

Diyos ko sana kainin na ako ng marmol na sahig.

Hindi siya makapaniwala na sinabi niyang aanakan siya nito.

At ito naman ay parang tuwang tuwa sa sinabi niya.

"I-ikaw! Wala akong sinasabing gusto kong makipag luto sayo ng luto ng diyos! Ang pangit kasi ng term mo!" Namumulang akusa niya.

"You're so lovely do you know that?" Sabi nito ng bigla ng seryosong boses at ekspresyon.

Napalunok naman siya sa sinabi nito at hindi niya alam ang sasabihin dahil ang gwapo ng nagsabi sa kanya niyon.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon