Fast

26.7K 775 23
                                    

Chapter 48:

Juliana's POV:

Napapalunok na nakatingin siya sa nanay niya habang nakatingin lang ito sa kanilang dalawa ni Graeme, kinakabahan siya dahil ngayon lang niya ulit nakita ang ekspresyon na iyon ng nanay niya.

Iyong tipong kapag ang sama na ng tingin niya sa'yo parang hindi ka na makakalabas ng buhay?

Iyong feeling na bibitayin kana sa oras na 'to?

"N-nay--"

"Ikaw Dok, pinagkatiwalaan kita" putol ng Nanay niya sa sinasabi niya sana, lumunok siya ulit dahil ang lakas na ng kaba niya, hindi pa kinabahan ng ganito sa nanay niya, kahit nung nahuli siyang kumukupit dito dati.

Pasimple niyang tinignan si Graeme na nakatingin lang din sa nanay niya, tapos ay yumuko si Graeme na siyang dahilan kung bakit naging doble ang kaba niya.

"N-nay an-a-ano kasi--"

"Kelan ang kasal?" malamig na boses na sabi ng nanay niya.

Naumid ang dila niya sa tanong nito.

Pakiramdam niya nasukol siya sa tanong ng nanay niya, nung tinignan niya si Graeme ay nakatingin na ito ulit sa nanay niya ng diretso.

"We don't have any definite time but we're planning it--"

"Wala pang plano pero inuna niyo na ang honeymoon sa bahay ko"malamig pa ring sabi ng nanay niya at pakiramdam niya namula ang buong katawan niya sa sinabi ng nanay niya.

Hindi niya alam pero ang dati alam niya boto ito kay Graeme pero bakit ngayon parang nag iba?

Umiiral ba ang pagiging protective nito bilang nanay? At nagiging konserbatibo na ito na dati ay halos ibenta siya nito kay Graeme kung makipagsabwatan ito dati?

"N-nay sorry po" mahinang sabi niya at pilit na tinatatagan ang loob niya sa paghingi ng tawas dahil alam niyang siya ang may kasalanan---sila ni Graeme--

Teka lang--

Bakit siya lang nagsosorry--

"Pakakasalan ko po si Juliana, kahit ngayon na" biglang sabini Graeme at agad siyang napanganga na napatingin dito.

"Ano!" gulat niyang bulalas.

Agad na tumingin sa kanya ang nanay niya sa matalim na paraan, napapayuko naman siya.

"Bakit Juliana? Ayaw mo bang magpakasal" sikmat ng nanay niya sa kanya.

"Nay hindi naman po sa ganoon! Kasi--"

"Nabibigla ka eh hindi mo naisip din ang pagkabigla ko sa nakikita ko ngayon?" tanong ng nanay niya, naumid tuloy ang dila niya sa sinabi nito.

"Don't worry ma'am, we will get married right now if you permit it " sabi naman ni Graeme,agad siyang tumingin dito.

Seryoso ba ito?

Tinitigan niya ang itsura at ekspresyon ng mukha ni Graeme at seryoso nga ito.

Napalunok siya.

Oo at nag propose ito at mahal siya nito pero kasal na agad?

Wala pa silang napag uusapang petsa, pero dahil sa nanay niya ora orada na? At biglaan na? Hindi sa ayaw niya pero kasi ano na lang ang sasabihin ng iba? Lalo na ang magulang--

Natigilan siya.

Hindi pa pala niya nakilala ang mga magulang ni Graeme.

Parang bigla siyang naguluhan...at kinabahan.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon