Chapter 18:Juliana's POV:
"That you will become my girlfriend, Juliana" sabi nito at napalunok siya mula sa pagkakatingala dito.
"A-ano?" Ninenerbyos niyang tanong.
Siya? Tinatanong nito kung pwede siyang maging girlfriend nito?
Jusko yes!
Pero agad siyang natigilan, dahil naalala niya ang sinabi nito na para tumigil ang mga babae sa labas na akitin ito.
"Sure, why not" at pinalabas niyang parang bale wala sa kanya.
At napasinghap siya nung biglang inilapit at pinagpantay nito ang mukha nila.
"Deal, you're my girlfriend now" sabi nito at ewan niya kung imagination lang ba niya pero parang kumislap ang mga mata nito?
Tuwa ba ang nakikita niya?
Sabagay natutuwa siya kasi wala nang aakit sa kanyang mga higad.
"O-okay, l-lalabas na ako" sabi niya at nag paalam dito na para siyang kakatayin sa loob.
Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya.
Alam niyang peke na girlfriend siya nito pero bakit ganito ang nararamdaman niya?
Halos hindi na niya tuloy napapansin ang masamang titig sa kanya ng mga babae.
Agad siyang dumiretso sa desk ng assistant na nakita niya dati at doon siya umupo at ilang saglit na nag breathing exercise para maliwanagan ang utak niyang sariwang hangin.
"So girlfriend ka ni Dok Graeme" narinig niyang sabi ng isang babae na nakatayo sa harap ng desk niya.
"Yes, and as you can see, professional din ako, so sit...DOWN" pormal na pormal niyang sabi.
At parang umepekto iyon dahil may nakita siyang takot doon pero ilang saglit lang iyon at umirap ito.
Tinignan niya ang folder ng mga pasyente nila sa araw na 'yon, at saka niya sinimulan ang trabaho
Sa una ay talagang naiinis ang mga babae sa kanya, pero ipinakita niya na professional siya at kailangang igalang ng mga ito ang uniporme niya.
Kaya kahit na naiinis ay nag comply naman ang mga ito sa interview niya para sa mga ito.
Hanggang sa hindi na niya namalayan na halos patapos na sila at iisang pasyente na lang ang natira.
At ito iyong babaeng tumayo sa harapan niya kanina, natapos ang interview niya dito ay binigyan siya nito ng isang irap na kulang na lang sumama na ang mga pulo ng pilipinas sa tindi ng irap nito.
"Miss Casanova?" Tawag niya sa apelyido nito.
"Yes?" Mataray nitong sabi.
"Ah, tama pala ako sa apelyido mo, ang tindi kasi ng irap mo akala ko apelyido mo Miss Erap" sarkastikong pagdidiin niya.
Tinignan siya nito ng masama.
Inggitera kang babae ka. Iyon ang sinasabi naman ng mga mata niya at tinignan din ito...ng masama.
Saka ito nagmartsa papasok sa opisina ni Graeme.
Bumuntong hininga naman siya at saka nag inat.
Nagulat pa siya nung nakita niyang halos alas dos na ng tanghali.
Kaya pala ang sakit na ng likod at puwet niya, ang tagal na pala niyang nakaupo.
Biglang tumunog ang tiyan niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...