Chapter 24:
Juliana's POV:
At wala siyang nakita kaya naman plano niyang tanungin si Graeme pero laglag ang panga niya at mukhang papasukan na 'yon ng langaw.
Dahil kita niya si Graeme....
Hubad na hubad.
As in walang salawal.
Laglag ang panga niya, nakatalikod ito sa kanya at kasalukuyang kitang kita ang matambok nitong pang upo.
Shet! Sunod sunod ang lunok niya dahil sa nakikita.
Ang ganda ng likod nito, matipunong matipuno...ang balikat nitong malapad, pa hugis V ang likod nito, bumaba ang mata niya ng dahan dahan sa pang upo nito.
Matambok na matambok iyon...
May dimpols pala ang puwet niya...
Sandali lang...
Kung hubad ito sa pang ibabang parte ng katawan nito....ibig sabihin.
Shet makikita ang bird niya! Tili niya sa isip kaya natutop niya ang bibig at pinigil niya singhap.
Akala niya ay haharap ito--
Uy inaantay niya! Tudyo ng isip niya.
Namula siya at napapitlag nung nakita niyang tumumba na lang ito bigla pahiga pabalik sa kama nito.
Napalunok siya.
Agad siyang pakiramdam dito at sa sarili...inantay niya kung gagalaw ito pero hindi.
Sunod sunod ang lunok niya, dahil bakit parang uminit ang paligid, at alam niyang hindi ang kwarto nito ang problema.
Anong gagawin niya?
Iiwan na ba niya ito, at uuwi na siya?
Pero nakahubad ito...at naka aircon.
Paano kung malamigan ito? Naguguluhan siya sa gagawin, paano kung lalapitan niya ito tapos bigla itong gagalaw? Eh di nakita na niya ang malaking bird?
Gusto niyang kutusan ang sarili dahil bakit kapag kasama niya si Graeme parang hindi siya makapag isip ng tama.
Bwisit talaga.
Alam niya ang epekto ng alak sa isang tao, at dahil inalis nito ang damit nito at walang itinira ni isa...mukhang naiinitan ito, at naka aircon pa mandin ito.
Paano kung ubuhin--
"Bwisit bahala na" sabi niya at tinakpan ang mata at dahang dahang lumalapit dito.
Kailangang takpan niya ito ng unan at aalis na siya.
Hindi naman niya kayang iwan na lang ito basta, itinuturing pa naman siya nitong kapatid at kaibigan, tapos papabayaan niya ito--
Aysows! Hindi niya pinansin ang nasa isip niya.
Isang hakbang palapit gamit ang isang paa habang parang hinihila niya ang isang paa, yumuko siya at binuksan ang nakatakip na mata.
Nakita niyang malapit na siya sa paanan ng kama, kaya naman nagpatuloy siya sa paghakbang paglapit.
Nang malapit na siya at nakarinig siya ungol.
Napalunok siya dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil nag react siya sa seksing ungol galing dito.
At ngayon lang siya nakarinig ng ganoon.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...