Chapter 19:
Juliana's POV:
...you're special to me Juliana...
Tulala siya habang nakatingin lang sa kawalan at nakahiga na sa kama niya.
Kanina pa niya iniisip ang sinabing iyong ni Graeme.
Halos hindi na siya makapag concentrate sa trabaho niya matapos ang sinabi nito.
Kung bakit ba naman kasi kung ano ano ang sinasabi ng baklitang 'yon.
Halos magwala ang puso niya kanina sa sinabi nito at tuliro siya dahil akala niya babawiin nito ang tingin sa kanya pero habang kumakain sila, titig na titig ito.
Kaya naman hindi na siya nakakain ng maayos.
Conscious na conscious siya, kaya naman kain ibon ang ginawa niya, malakas siya kumain kahit na may sakit pero kanina...kulang na lang nawalan siya ng bituka.
Napalunok siya nung naalala na naman niya ang mukha nito nung sinabi nito iyon.
Kita niyang malambot ang ekspresyon ng mukha nito na hindi pa niya nakikita sa kahit na kaninong lalaki.
Pero hindi siya lalaki. Sabi niya sa isip.
Pero bakit nito sinabi iyon?
Tumayo siya na parang sinilaban ang puwet at agad na tinignan ang mukha.
Hindi naman siya mukhang siopao para maging special.
Hindi naman ga plato iyong mukha niya para maging ganoon, oo maputi ang mukha niya pero papasa na ba siyang siopao?
Hindi din naman siya mukhang hopia?
So bakit ako naging special?
Hindi kaya dahil espesyal siya kasi itinuturing siya nitong kapatid daw nito? At nakikita siya bilang kapatid na kailanman hindi ito nagkaroon?
Pero agad agad?
Kaya naguguluhan siya.
Aysows, naguguluhan ka lang kasi gusto mo espesyal ka... kasi gusto mo siya. Sabi ng atribidang isip niya.
Umirap siya sa hangin.
Nabwibwisit na siya.
Nababaliw na yata ako.
Pati sarili niya, kinakausap na niya at kinokontra.
Bumuntong hininga siya.
Akala niya joke lang ang sinasabi ng Nanay niya na lukaret talaga siya, pero sa tingin niya, natutuluyan na siyang luka luka.
First day palang niya kanina, andami nang ganap.
Paano pa kaya kung sa mga susunod na araw?
Bakit ba naman kasi na aatract siya dito kahit na alam niyang bakla ito?
Tinignan niya ang wall clock at nagulat siya nung mag aala una na ng madaming araw.
Ang tagal na pala niyang lutang.
Pero bukas sa trabaho anong gagawin niya?
Iisanabin niya ito?
Pero hindi niya pwedeng gawin iyon.
Magtataka ito, at lalo itong lalapit.
"Tangina bakit ba kasi bakla siya--"
Natigilan siya.
Bakit ba hinayang na hinayang siya sa pagiging bading nito?
Crush ko lang naman siya.
Crush niya lang ito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...