Hesitate

33.2K 951 14
                                    


Chapter 9:

Juliana's POV:

"Work for me, Juliana" sabi ni Graeme habang nakatingin ito ng sobra sa kanya.

Na siyang dahilan kung bakit siya napalunok.

Kasi hindi niya alam kung bakit parang may kailangan ito sa kanya kung makatingin ito, gayong siya...ang may kailangan dito.

"A-ano?" Pag uulit niya sa sinabi nito.

Lalong inilapit nito ang mukha sa kanya at ngayon ay amoy na amoy na niya ang mabangong hininga at katawan nito.

"I said work for me" sabi nito at lalo niyang naamoy ang mabangong hininga nito.

"M-may trabaho na ako" tuliro niyang sabi dahil ang tanging naiisip na lang niya ang ay lalong maamoy ang hininga nito.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito, mapula ang mga labi nito, ang pintog...ang gandang hugis.

Iyong hugis na talagang madaming babae ang mababaliw?

Ano kaya pakiramdam ng halik niya?

Lumunok siya.

Pero hinding hindi ito hahalik ng isang babae, kasi lalaki ng gusto nito.

Ngumiti ito na siyang dahilan kung bakit lalo siyang natuliro.

Diyos ko inang kung may ganito kagwapo na bakla?

Tumikhim siya at iniwas ang mukha.

"B-bakit pa ako magtatrabaho sa'yo, pumayag na akong tulungan mo--"

"That's the point Juliana.." Sabi nito at napapitlag sya, imagination lang ba niya or parang bumulong ito mismo sa tenga niya.

Tumayo ang lahat ng balahibo niya sa batok at braso nung naimagine niyang nilalaro ng bibig nito ang tenga niya.

Namula siya sa pinag iisip.

Shít!

Ano bang nangyayari sa kanya?

Bakit nagkakaganito siya sa isang bading?

Correction, ubod ng gwapong bading.

"B-bakit? Hindi ba kompleto staff mo?" Nauutal niyang tanong, sinong hindi nauutal eh ang lapit ng mukha nito sa kanya at kulang na lang magkapalit sila.

Lihim siyang napangiwi nung nakita niya ang sariling nakipag face warp siya dito.

"My medical assistant filed an emergency leave" sabi nito, napakurap siya, kaya pala wala na ang assistant nito kanina pagdating niya usually ang mga ito ang nahuhuling uuwi.

"Yes, and when I need you to try something to reverse your situation... I need you close" sabi nito at napalunok siya dahil sa sinabi nitong 'I need you'.

Malisyosa ka Juliana, gwapo yan pero gwapo din ng hanap! Tili niya sa isip.

Agad siyang nag isip kung tatanggapin niya ang alok nito.

Paano na ang trabaho niya? Anong gagawin niya kung lagi silang ganitong mag usap? Bakit ba kung makipag usap ito at ang lapit ng mukha? Tapos kapag titigan siya parang may sarili nang isip ang panty niyang kusa na lang malalaglag?

Bwisit.

At bakit kasi ganito ang nararamdaman niya kapag nakikita ito--

Natigilan siya.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon