Sending Signal

26.7K 901 29
                                    


Chapter 27:

Juliana's POV:

"There, it's done for this week" sabi ni Graeme sa kanya matapos nitong turukan siya ng gamot niya.

Tumango siya at inayos ang manggas ng uniform niya.

Akmang lalabas siya nung hinawakan nito bigla ang braso niya.

Tinignan niya ang braso nito at saka niya iyon hinawakan at inalis iyon.

"C'mon Juliana, it's been two weeks already" sabi nito at tinignan niya ito ng malamig.

Hindi siya pwedeng makipaglapit ulit dito.

Baka maiinlove na siya ng tuluyan.

Pero bakit parang masakit sa dibdib na iiwasan na niya ito ng tuluyan?

Dapat na niyang iwasan ito, at siya lang ang masasaktan kapag tuluyan na siyang matuluyan na mainlove siya dito.

"Bakit sa two week na sinabi mo..nag sorry ka?" Malamig na tinuran niya.

Natigilan ito.

"I'm sorry...I didn't mean to--"

"Masyado na yatang late ang sorry mo?" Tumaas ang kilay niya, bumuntong hininga ito.

"I'm really sorry I didn't mean to hurt you I don't mean it that way" masuyong paliwanag nito, tinignan niya ito.

Lihim siyang napalunok.

Hindi siya pwedeng padala sa masuyong pagsasalita nito.

Ipinilig niya ang ulo at tinignan ito.

"Okay, bati na tayo" sabi niya ng pormal, at agad niyang nakita ang pagliwanag ng mukha nito.

"But we should act professional... only" pagdidiin niya.

Marahas itong tumingin sa kanya.

"What? But we're friends--"

"Take it or leave it" malamig na sabi niya.

Kailangang maging marahas siya at putulin na ang anumang koneksyon nila.

Hindi pwedeng umasa siyang may pag asa ang kung anong nararamdaman niya para dito.

"But why? Was it because--"

"Oo, hindi pwedeng gawin mo 'yon, at halos pinaglalaruan mo na ako, hindi pwedeng pinagtitripan mo ako at biglang iniinsulto, kaya dapat putulin na natin ang friendship natin" sabi niya at pinigilan niya ang huwag napaiyak dahil parang nasasakal ang puso niya sa bawat sinasabi niya.

Ilang saglit na tinitigan siya nito.

Nagtagis ng saglit ang mga bagang nito at saka bumuntong hininga.

"Okay, let's end it here, you may go back to your work, nurse " mas malamig pa sa malamig na tonong ginagamit niya.

At parang may sumaksak sa kanya sa dibdib sa sinabi nito...

Tumigil ka. Pigil niya sa sarili.

Siya ang may gusto na dapat professional na lang ang koneksyon nila.

Gusto na niyang pumunta sa banyo at doon umiyak.

Lalabas na sana siya nung biglang tinawag nito ang pangalan niya .

Parang may kung anong pag asang nabuhay sa kanya.

"I forgot, gagamutin pa rin kita...now go" sabi nito.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon