Distrust

23.4K 813 17
                                    

Chapter 16:

Juliana's POV:

Naguguluhan siya sa mga nangyayari dahil sa sinabi nitong gusto nitong huwag niyang isipin na disaster ang unang naging pagdikit ng labi nila.

Hindi naging malinaw sa kanya kung bakit nito ginawa iyon, kung ano ang rason nito..

Iyon lang kaya?

Iyong sinabi lang kaya nito? Kung bakla ito....hinding hindi ito hahalik ng babae kahit magunaw ang mundo at kahit mag isa na lang ito sa mundo kung magiging extinct ang mga tao.

Iyon ang alam niya.

Tinitigan niya ito.

Napakurap siya dahil kita niya ang pagkailang sa ekspresyon nito.

Naiilang na siya sa titig lang.

So paano nito naatim na halikan ang isang babaeng gaya niya?

Napalunok siya dahil naapektuhan na siya sa mga pagtitig niya dito dahil titig na titig din ito sa kanya.

At may nakikita siyang parang isang emosyon sa mg mat nitong hindi niya alam kung ano ang pangalan niyon.

Pero parang masuyo na ewan?

Napalunok siya at pilit na kinakalma ang sarili dahil para siyang kinikilig?

Tumigil ka. Paalala niya sa sarili.

Hindi siya dapat mag isip ng kung ano ano dahil bakla ito.

Pero bakit nga niya ako hinalikan?

Napaisip na siya bigla at mabilis na nagduda sa mga nagaganap.

Bakit ito umaakto ng ganito?

Na parang...?

Napalunok siya.

At saka niya nilakasan ang loob na tinitigan ito.

"What?" Masungit na tanong nito.

Kailangang sabihin na niya dito.

"Nahuli na kita, Graeme" lakas loob niyang sabi.

Kita niyang pumormal ng husto ang mukha nito.

Ilang sandali siyang tinitigan nito.

Sinubukan niyang hulihin ito kung tama ang hinala niya at kung may makuha siyang ekspresyon ng kaba dito.

Pero wala.

Nagkamali kaya siya?

"Caught? ...Like?" Tanong naman nito ng cool na cool.

Bigla tuloy siyang nag atubili.

"N-na ano...k-kasi ano eh" naiilang na tuloy siya.

Kumunot ang noo nito at ipinakita na naman nito ang sungit ng ekspresyon nito.

"Spill it" sabi nito.

"B-bi ka ba?" Utal niyang tanong.

"Excuse me what?" Takang tanong nito.

Nakagat niya ang ibabang labi.

"K-kasi bigla mo akong hin-h-hinalikan kaya iniisip ko na baka, b-baka lang naman na ano-- na hindi ka lang bayot-- I mean! Shít sorry! I mean bisexual ka ba!" Natatarantang sabi niya dito.

Napalunok siya lalo na nung lalong naging pormal ang itsura nito.

"S-sorry na...ikaw naman kasi hinalikan mo ako" humihina ang boses na sabi niya dito.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon