Cover girl?

24K 798 14
                                    

Chapter 17:

Juliana's POV:

"What took you so long sweetheart?" Sabi ni Graeme at lahat sila nanlaki ang mga mata sa sinabi nito, lalo na ang malakas nilang mga singhap.

Sweetheart?

Siya ba ang sinasabihan nito ng sweetheart?

Kung mailalagay lang ang tanong sa ibabaw ng ulo at makikita na mga tao.

Ang makikita ng mga iyon ay ang salitang bakit na may maraming question marks.

Mukhang siya nga ang tinatawag nito kasi pirmi itong nakatitig lang sa kanya.

At parang siya lang ang babaeng nakikita nito.

At saka lang niya napansin na nakatitig lahat kay Graeme nung inilibot niya ang mata dahil sa sinabi nito at sinigurado niya kung madami ang nakarinig.

Dahil medyo may kalakasan ang pagkakasabi nito, sapat na 'yon para marinig nga ng lahat.

At umugong ang bulungan sa paligid at sinundan ng mga mahaderang nakapila ang tinitingnan ni Graeme.

At kulang na lang, magutay gutay siya na parang giniling dahil sa sama ng mga tingin ng mga ito sa kanya.

Naguluhan naman siya kung bakit in the first place ay tinawag siyang sweetheart ni Graeme.

Saka hindi talaga alam ng mga tao na bading ito kaya ang sasama ng mga tingin ng mga dalahirang mga babae.

Biglang nagpreno ang utak niya sa pag iisip,

Bakit ba siya naiinis sa mga ito?

Dahil ba iniisip niyang hindi talaga nagpapa check up ang mga ito at talagang may nakaplanong pang aakit na gagawin ang mga babaeng nandoon?

At kaya siya naiinis kasi makikita ni Graeme ang mga tahong ng mga babae?

Bwisit.

Sa isipin parang lalong kumulo ang dugo niya.

Natigilan siya.

Bakit ba inis na inis siya? Ano bang nangyayari?

"...are you listening? Sweetheart?" Para siyang nagising sa boses nito Graeme at saka niya tinignan ulit ito.

Napakurap siya at agad na bumilis ang tibok ng puso niya nung nagsimula itong lumapit sa kanya.

At bago niya mahulaan ang gagawin nito ay agad na ginagap nito ang kamay niya at saka siya hinila.

Para naman siyang namamatandang nakatingin sa malaking kamay nitong sinakop sa buong kamay niya at napapalunok dahil sa kilig na nararamdaman niya.

Hala? Bakit niya hawak kamay ko?

Bago pa man sila nakapasok sa opisina nito ay nakarinig sila ng isang tanong.

"Dok Graeme bakit mo hinahawakan ang kamay niya?" Narinig niyang sabi pero hindi niya alam kung sino ang nagtanong, may himig pagka inis ang boses na 'yon.

Akmang sasagutin niya ang kung sinong babae nung biglang nagsalita si Graeme.

"It's pretty normal to hold her since she's my girlfriend" sabi ni Graeme at kulang na lang lumabas ang mga mata niya sa pagkagulat sa sinabi nito.

Anong nangyayari?

Agad na siyang hinila ni Graeme papasok sa loob ng opisina .

Tulala naman siya habang nakatingin lang kay Graeme.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon