Story

24.4K 676 6
                                    

Chapter 46:

Juliana's POV:

"I intend to marry, and prove a lifetime love with you" sabi ni Graeme sa kanya na nagpahigit sa hininga niya at tulalang nakatingin lang dito.

Ano daw?

Pakakasal sila?

"N-nagbibiro ka ba?" nauutal niyang tanong dito.

Kumunot ang noo nito.

"If I am joking why did I even asked?" tanong nito na parang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

Tumaas ang kilay niya.

"Ganyan ba ang nagpopropose?" naiinis niyang sabi dito.

"It's because every word that I will say means lie to you" sabi nito at titig na titig sa kanya.

"Masisisi mo ba ako eh talagang nagsinungaling ka aba" umirap siya dito.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito nung tumalikod itong bigla.

"You know what, I don't really want to get married and form a family with any woman..." umpisa nito.

Nagpanting naman ang tenga niya at pumunta sa harapan nito.

"Well sorry ha, hindi naman kita pinipilit eh, ikaw 'tong nagplano ng lahat at inakit ako--"

"That was before I met you" putol nito sa sinasabi niya.

Napakurap naman siya at ngayon lang niya napansin ang lungkot sa mga mata nito, agad naman siyang nakonsensya at hindi tuloy siya makahirit sa sinabi nito dahil ang traydor niyang puso ay kinikilig dahil sa sinabi nito.

Titig na titig ito sa kanya.

Napalunok siya.

"....there's this event way back when I was a kid that almost costs my mother's life" umpisa nito habang nakatingin lang sa kanya.

Napakurap naman siya dahil nagkukwento ito, ang alam niya kapag ang isang tao ay nagkwento ng sobrang personal na bagay ay pinagkakatiwalaan ka nito...o di kaya ay importante ka sa buhay ng taong nagkukwento.

Kasi hindi naman siya mukhang tsismoso. singit ng isip niya.

"I saw how my own mother fight for her own life...and that day... I almost lost the three of them" sabi nito, pinag aralana niya ang itsura nito at tinignan kung may nakikita siyang kasinungalingan don pero wala siyang nakitang anumang bakas doon.

Iyon din ang nakita niya nung sinabi nitong mahal siya nito, kaya naman nililimi niya ngayon ang lahat ng sinasabi nito.

Hindi sa wala siyang tiwala, masakit kasi ang kasinungalingan.

At minsan na siyang nasaktan dahil sa kasinungalingan ng tatay niya.

..."I almost lost my mom...my dad because I know if he lost my mom, he wouldn't want to survive the world without her...and lastly, my younger brother, fortunately my mom survive giving birth to me and my brother, but that changes my view about having a family of y own, I was so afraid Juliana...that what if I had my own wife, and suddenly because of me she will die? That day, I've taken an oath not to fall in love with any woman" sabi nito habang titig na titig sa kanya at pinag aaralan ang itsura at anumang ekspresyon ng mukha niya.

Natigilan naman siya sa sinabi nito.

So ibig sabihin ayaw nitong magkaroon ng pamilya dahil sa nangyari sa buhay ng mama nito dati?

Akmang magsasalita siya pero agad na tinakpan ng daliri nito ang bibig niya.

..."let me finish before you conclude and jump into 'that' thoughts" sabi nito at wala sa loob na napatango siya.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon