Chapter 7:
Juliana's POV:
Mamamatay na yata siya sa dami ng pasyente ngayong araw, parang biglang bagsak na naman ang mga pasyente ngayon, kumbaga, box office.
At toxic na toxic na naman.
Sa Ward kung saan siya naka assign ay tatlo lang silang nurse kaya naman andami niyang hawak, hindi naman sa nagrereklamo, pero kaka tapos lang ng impyernong sakit ng puson niya.
Biglang bumilis na lang ang tibok ng puso niya nung naalala niya ang doktor niya.
Graeme...
Napakurap siya dahil bakit niya ito tinawag na lang sa first name nito eh hindi naman sila close.
Hindi pa ba 'yun close Juliana? Aba't sinusian na niya ang kepyas mo at nakita na niya ang bilog na kristal.
Namula siya dahil sa mga sarili niyang termino.
"Hindi ka pa ba magaling Jules?" Tanong sa kanya ng katrabaho niya, namumulang umiwas siya ng mukha.
"Ah, hindi medyo mainit lang" pagdadahilan niya.
Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa mga naalala, kung bakit ba naman kasi nakita na ni Graeme ang lahat sa kanya.
Nagandahan kaya ito sa nakita nito?
Putris Juliana. mura niya sa sarili.
Pinaalala niya sa sarili na bakla ang doktor at natural na lang ang nakikita nitong mga nakabukangkang at baka display na tahong.
Pero sayang talaga ito kung tutuusin, ang gwapo gwapo nito eh.
Ang ganda ng tindig.
Matikas...matangkad...
Sabi nila pag matangkad--
Ano kaya size ng paa niya?
Napahagikgik siya dahil sa mga pinag iisip.
Tapos ay bigla at parang nalungkot siya dahil iba ang nakakakita at nakaka--
Bastos ka Juliana! Saway niya sa sarili.
Hindi niya alam kung bakit sayang na sayang siya dito.
Naka meet na din naman na siya ng mga gwapo pero bakla, pero si Graeme...parang gusto niyang sabihin na magpakalalaki na lang ito.
Nasisiraan na yata siya.
Napapitlag siya nung biglang nagvibrate ang cellphone niya.
Agad siyang tumayo at pumunta sa banyo para tingnan ang cellphone niya, bawal sa kanila ang gumamit ng cellphone not unless emergency.
Parang napaka unprofessional naman kung gagamit na lang siya kahit walang nakakakitang may mataas na posisyon sa kanila.
Hindi kilalang number ang nakita niya pero may text message ito, napakurap siya dahil nabasa niya ang message na galing iyon sa clinic ni Graeme.
At pinapapunta na siya doon.
Tinignan niya ang oras, hindi siya pwedeng umalis dahil may trabaho pa siya kaya nag okay nalang siya at wala siyang sinabing pupunta na siya dahil may trabaho pa siya.
Kaya naman inalis na muna niya sa isip ang results ng tests niya kahit na ang totoo ay bigla siyang kinabahan sa kalalabasan niyon.
Bigla niyang naalala ang konting away nila ng Nanay niya.
Iyong away na 'yon ay dahil sa pagpayag nito tungkol sa procedure na ginawa sa kanya na siyang dahilan kung bakit nag live show siya sa harap ng Graeme.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...