Chapter 13:Juliana's POV:
"ANONG SINABI MO?" Gulat niyang sabi.
Hindi siya makapaniwala.
Pumayag ang Nanay niya na maging nurse ni Graeme at ang twists? Twenty four hours siyang nakabantay dito.
Meaning magkasama sila sa isang suite at buong magdamag, at talo pa niya ang seven-eleven dahil babantayan niya ito.
At sa suite siya nito...matutulog.
At pumayag ang Nanay niya?
"Don't worry, I'm harmless Juliana" sabi nito at napatingin siya dito.
Ito? Harmless? Sa tingin nito oo, pero sa panty niya...hindi.
Diyos ko!
Makakasama niya sa isang kwarto ang kagaya nitong parang pag pupunta ka ng resto eh ang oorderin mo na lang eh kanin?
Anak ng tinapa.
Pumayag ang Nanay niya?
"Pumayag ang Nanay ko? Seryoso ka ba? Eh ayaw nga nun na sumobra ako ng ilang minuto sa trabaho, makikitulog pa kaya?" Nanlalaki ang butas ng ilong na sabi niya.
Sabagay, pumayag nga Nanay niya na ipakita kay Graeme ang ari arian niyang Nanay lang niya talaga nakakita.
Pero nakita lang 'yon ng Nanay mo na hubad na Mani...eh si Graeme, ang nakita balbon na Mani.
Magtutuos talaga sila ng Nanay niya.
"For your information, hindi ka makikitulog, you'll be here as my nurse, so you will have to watch and observe me" masungit na sabi ni Graeme sa kanya.
Napasimangot siya at natigilan.
Oo nga naman, nurse siya at hindi ito sleepover party.
"Damulag" bubulong bulong niyang sabi.
"I heard that" salubong ang kilay nitong sabi.
"Sinadya 'kong marinig mo 'yon" masungit din niyang sabi.
Naiinis siya dito, oo at trabaho niya, pero may papanoorin pa siyang drama, eh mukhang hindi ito nanonood kahit na may TV sa suite nito.
Hindi niya talaga inaasahang mangyayari ito.
So anong gagawin niya? Dilat sa buong magdamag, habang ito, ang ganda ng higa sa kama nito.
Napatingin siya sa sofa doon.
Sana naman kumasya ako.
Bigla tuloy niyang namiss ang higaan niya...ang higaan niyang kahit na hindi maluwag kwarto pero maluwag ang kama, sinadya niyang bumili ng malaking kama at kutson para komportable siya.
Malikot siya matulog kaya dapat malaki ang kama at kasama doon si Graeme--
Kasama doon si Graeme? Gaga! Anong pinag iisip mo?!
Maloloka na yata siya.
Ano bang iniisip niya?
"Just think that I'm your older brother asking you a favor" putol nito sa pinag iisip niya.
Malala na yata siya at ang unang unang naisip niyang malaswa eh iyong porn na may kinalaman sa step brother--
Kailangang hugasan ko na utak ko ng holy water!
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Graeme
RomanceA traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer any dangers of pregnancy and childbirth. That's why he had taken an oath not to have marriage and chi...