Stuck

21.2K 683 7
                                    

Chapter 34:

Juliana's POV:

Iyong pakiramdam na paulit ulit kang parang idinuduyan ng malakas n nakakahilo at masakit sa ulo.

Iyon ang pakiramdam niya nung naalimpungatan siya.

Sapo niya ang ulo at nagpupumilit siyang umupo, mariin siyang napapikit dahil pati liwanag ay masakit sa ulo.

Talo pa niya ang uminom at sobrang nagkaroon siya ng hangover.

Liwanag?

Napasinghap siya at agad na nagmulat ng mata nung bigla ang dating realisasyon sa kanya.

Naalala niya na may bagyo, may yate, nauntog siya tapos nawalan ng malay at--

"Graeme!" Sigaw niya sa pangalan nito, saka lang niya napansin na nasa patag na siyang lugar at buhangin?

Anong?

Inilibot niya ang mata sa paligid.

Nasa lilim siya at tabi ng dagat-- napakurap siya at dahang dahang tumayo.

Anong nangyari?

Nasaan si Graeme?

"Graeme!" Sigaw niya ulit sa pangalan nito inilinga niya ang tingin sa paligid wala siyang nakikitang ni anino ni Graeme.

"Graeme!" Ulit niya at lalong lumakas ang kaba niya dahil iniisip na niya kung na niya ang mga maaring nangyari dito.

Nakain kaya ito ng pating?

Naanod?

"Hindi! Graeme! Graeme!" Sigaw niya, nahagip ng mata niya ang kulay puting yate.

Kahit na masakit ang ulo ay agad siyang lumapit doon, at nagbaksakaling nandoon si Graeme.

Lumunok siya at agad na tinignan ang yate, sira ang isang parte niyon, parang tumama sa isang malaking bagay.

Sigurado siyang nung tumama iyon ay iyon ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay.

Kita niya nasira iyon at kita niya ang makina sa loob.

Napamura siya hindi dahil nasira iyon, kung nasira na iyon nasaan si Graeme?

"Graeme!" Sigaw niya ulit dahil iniisip na niyang mag isa na lang siya.

At namatay ito.

Nangilid ang luha niya at saka siya parang baliw na nag iiyak habang tinatawag ng malakas ang pangalan ni Graeme.

Hindi pwedeng iwan na lang siya bigla ni Graeme.

Madami pa siyang gustong malaman.

Marami pa siyang gustong itanong.

"Hindi ka pwedeng mamatay! Graeme! Nasaan ka na!" Histerikal na siyang umiiyak at umakyat sa taas para tingnan ito doon pero wala ito.

Kita niya na punit punit ang layag nila.

"Diyos ko! Graeme! Tulong! Tulungan niyo kami!" Sumigaw siya ng tulong at tigmak na ang luha niya sa mga mata niya.

Ano na ngayon ang gagawin niya? Napahamak na ba si Graeme?

Lalo siyang napaiyak ng malakas dahil doon.

"Graeme! Bakit mo ako iniwan! Ang laki laki ng katawan mo tapos namatay ka lang! Bwisit kang dagat ka! Iluwa mo si Graeme ko!" Umiiyak na sabi niya.

Pero ang sumagot lang sa kanya ay ang alon ng dagat--

"So I'm your Graeme" sabi ng isang boses na kilalang kilala niya.

Perfect Imperfections: GraemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon