Four : THE WHO?

946 49 6
                                    

Mr. Stranger's POV

After ng performance nina Zoey, nakita kong naglakad na sila palabas ng gym. Agad akong tumayo at sinundan sila. Nakasundo din pala sakin ang tropa. Nakita kong tinitignan din nila ang mga babaeng yun.

Nakita namin na naghiwa-hiwalay sila. So nagdecide din kami na sundan sila ng hiwa-hiwalay. Bakit namin ginagawa ito? Sa ganitong paraan lang kase namin sila makikita at makakasama.

Si Edward sumunod kay Dale at mukhang papasok sa modelling club.

Si Zeke naman baka pumasok din sa Math o Science club un para kay Chloe.

Si Kayden, ayun kasama na si Issa na mukhang kilig na kilig.

Si Austin ayun kausap na si Audy.

Si Caleb at Rollo naman mukhang mag-aaudition sa Drama Club, para makasama si Maddie at Elle.

Ako naman eto sinusundan pa rin ang babaeng mahal ko. Nakita ko na sya kanina, kasama si Maddie. At isang malakas na sapak lang naman ang natanggap ko mula sa kanya. Mapipigilan ko ba ang sarili ko? Eh halos limang taon ko rin syang di nakita? Hinalikan ko sya kanina. Kahit na alam kong di nya ko makikilala.

Hays. Ang hirap ng ganito. Gustong gusto ko sya yakapin at sabihin na mahal na mahal ko sya. Pero di ko magawa. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya.

Bakit ba kase nangyare un? Bakit sa kanila?

Nagpapasalamat talaga kami at nakita namin sila na magkakasama ngayon. Akala namin mahihirapan kami na hanapin sila.

Nakita ko si Zoey na sumandal sa isang malilim na puno. May kinuha sya sa bag nya na notebook at ballpen. Ano kaya sinusulat nya? Ang laki ng pinagbago nya. Dati di mo sya nakikitang mag-isa ng ganito. Lage syang may kasama.

Nang mapansin kong umiiyak sya. Bakit? Bakit sya umiiyak? Ano kayang meron?

Lalapitan ko sana sya ng bigla syang magsalita,

"Hay! Paano ko sasabihin ung totoo?", sabi nya.

Anong totoo? At kanino sya magsasabi?
Lalo akong naguluhan sa mga pangyayari. Pero isa lang masisiguro ko gagawin ko ang lahat makuha ko lang sya ulit este maging kami ulit.

----

Edward's POV

Kanina habang nasa gym kami, titig na titig lang ako kay Dale. Kitang-kita ko kung paano sya titigan ng mga nasa palagid nya. Lalo na ng mga lalaki. Naiinis ako. Gusto ko silang bugbugin isa-isa at dukutin mga mata nila.

Kung alam lang sana ni Dale kung sino talaga ako. Ang hirap ng ganito. Miss ko na sya. Miss na miss. Kung bakit naman kase!

Wala na rin naman ako magagawa, di ko na maibabalik ang nangyare. Ang alam ko na lang ngayon ay gagawin ko ang lahat para di na sya masaktan ulit.

Habang nagtititigan kami kanina, naalala ko noong magkasama pa kami. Gustung gusto ko na syang lapitan kanina at yakapin. Pero baka magulat at magalit sya. Di gaya ni Jax na nakascore agad. Kase naman sinisisi nya talaga sarili nya kung bakit ganito.

Di naman namin ginusto ito, wala na rin kami magagawa. Kaya gagawin na lang namin ang tamang gawin. Kesa magsisihan pa. Alam ko higit saming lahat sila ni Zoey ang totoong nahihirapan. Kung bakit naman kase!

Agad namin silang sinundan ng makita namin papalabas na sila. At nagkanya-kanya rin kami ng sinundan. Agad akong sumunod kay Mary, at nakita kong may kausap sya na lalaki.

Nanggalaiti ako sa galit, gusto kong saktan ang lalaking yun, pero hindi pwede. Nakita kong magkasabay silang pumasok sa Modelling Studio. Kailangan ko muna magpakahinahon baka kase makapatay ako.

Naglakad ako palayo, ang biglang may humila sakin papunta sa isang bakanteng kwarto.

-------

SOMEONE'S POV

"Teka lang, sino ka ba?" tanong ni Edward sa akin.

"Makinig ka sa akin, tutulungan ko kayo mapalapit sa mga babaeng mahal nyo. Pero kelangan nyo sundin ang mga ibibilin ko. Maliwanag?" sabi ko.

"Teka, bat mo ko kilala?" tanong nito

"Kilala ko kayo, maging sila. Alam ko lahat ng tungkol sa inyo. Alam ko rin kung ano ang dahilan ng lahat ng ito. Alam ko rin kung sino... Ah basta makinig ka! Sabihin mo ito sa mga kaibigan mo, tutulungan ko kayo. Pero di mo pwedeng sabihin sa kanila na nakita mo na ako.! Kundi di ko na kayo matutulungan. Manatili sanang lihim ito Edward. Gusto ko na kayong maging masaya." mahabang paliwanag ko.

"sige makakaasa ka. Naniniwala ako sayo. Dahil alam kong kilala mo kaming lahat. Maraming salamat ... " sabi nya

"G. Just call me G okay. Para walang makaalam. Sige na Edward, magkikita at maguusap pa tayo. Akong bahala sa inyo. Okay maniwala ka." sabi ko iniwan na sya.

Agad akong nagpunta sa rooftop, nakita ko naman si Jax na nakatayo sa likod ni Zoey. Sa totoo lang ako ang nahihirapan para sa kanila. And this time gagawin ko na ang tama. Di ko na hahayang may masaktan pa sa kanila.

"Huwag kang makikialam sa mga plano ko," sabi ng babaeng nasa likod ko.

"Tama na L, di ka pa ba tapos na pahirapan sila? Ilang taon na? Hirap na hirap na sila. Tama na L. Wag mo sila idamay." sabi ko.

"Tama na? Hahaha. Di pa ako tapos. Marami pang kasunod."sabi nya at iniwan akong nakatulala.

"Hindi, hindi na kita papayagan L, lalo na at nandito na sila. Di kami papayag na masaktan mo ulit sila. Kami ang pipigil sayo! Tandaan mo yan." sabi ko sa sarili ko.

-----

Author's NOTE

Wahhhh .. Di ko na alam isusunod Hahaha.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon