Twenty-Four : CALEB and ELLE (two)

445 33 7
                                    

Elle's POV

Mataas na ang araw ng gisingin ako ni Caleb at sabihing nakarating na daw kami sa pupuntahan namin. Excited akong bumaba ng sasakyan nya, pero nagulat ako ng makitang nasa isang bahay ampunan kami. Alam ko ang lugar na ito. Dahil sa lugar na ito ako lumaki, bago ko nakilala ang magulang ko. Buong akala ko noon, ulilang lubos na ako. Naiinggit ako sa mga batang naging kaibigan ko noon dito dahil halos lahat sila naampon na. Pero ako, lagi ako naiiwan. Hanggang sa may napuntang isang imbestigador dito, at ang sabi ng aming superiora ay ako raw ang batang hinahanap nila. Ang kwento sa akin ng aking ama, ay may kumuha daw sa akin. Sa sobrang lungkot daw aking Mama, ay nagkasakit ito at namatay. Pero hindi raw tumigil si Papa sa paghahanap sa akin.

Pero kahit na nakakasama ko na si Papa, lagi pa rin ako pumapasyal dito. Dahil malaking bahagi ng pagkatao ko ang ampunan na ito. Dinala ko na rin si Caleb noon dito.

Agad ko syang hinila papasok ng ampunan, isang batang nasa mga sampong taon ang sumalubong sa amin at agad na yumakap sa akin.

"Mama? Papa?" agad na tanong ng bata.

"Dwayne? Ikaw na ba yan?" tanong ko.

"Ako nga po Mama," maluha-luhang sagot nito.

Si Dwayne, isang batang ulila. Nakita namin sya ni Caleb noon na pakalat kalat sa daan. Apat na taon lang sya noon, naawa ako sa kanya at sinabihan ko si Caleb na dalhin namin sya dito. Mula noon itinuring na nya kaming mga magulang. Tinawag nya kaming Mama at Papa. At tinuring din namin syang tunay na anak.

Nasa ganoong posisyon kami ng biglang dumating si Madre Superiora. Agad syang lumapit sa amin. Labis ang sayang nadarama ko ngayon. Pinapasok kami ni Madre Superiora sa isang kwarto. Nang makaupo kami ay agad akong nagsalita.

"Masaya po ako nakadalaw ako ulit dito, Superiora. Ilang din akong di nakapunta dito. Marami po kase ng nangyare." saad ko

"We know iha. Laging naririto ang si Dwayne. Para dumalaw dito." sagot nya.

"Bakit po? May umampon na po kay Dwayne?" tanong ko.

"Oo iha. Ang ama mo mismo ang umampon sa kanya. Pero hindi bilang anak nya." sabi ng Superiora

"Huh? What do you mean po?" nagugulumihanan kong tanong

"Noong dalhin kayo sa ibang bansa at ipagamot, nagpunta dito ang ama mo. Dahil lagi daw nyang naaalala ang sinasabi mo na pag nakapagtapos ka ng pag-aaral ay aampunin mo si Dwayne. Sa sobrang pagmamahal ng ama mo sayo, naging malapit sila ni Dwayne. At doon sya nagpasya na ampunin ito. Pero pinalabas nyang ikaw ang umampon dito. So legally, kayo na ang guardian ni Dwayne." mahabang paliwanag.

Agad kong tinignan si Dwayne, na nakikipag-usap kay Caleb. Gusto kong makita ang Papa ko ngayon, gusto ko syang pasalamatan. Napakalaki ng isinaksripisyo nya.

"Alam ko Elle, gusto mo makita ang Papa mo. Pero kase .. Ahmmm. Dwayne. Ikaw na magsabi sa Mama mo okay? Iiwan ko muna kayo dito. Titignan ko lang ang ibang mga bata." sabi nya ulit.

Lumapit si Dwayne sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Matiim syang tumitig sa akin.

"Ma, wala si DaddyLo sa Pinas. Nasa ibang bansa sya kasama ng parents ng mga kaibigan mo. Hindi sila pwedeng umuwi dito sa Pinas dahil hindi nila kayo masusubaybayan. Naroon sila at gumagawa ng mga plano kung paano matatapos ang lahat ng ito. Ma, ganun din po ako. Umuwi lang po ako ng Pilipinas dahil tinawagan ako ni Papa noong isang linggo, at ang sabi ay dadalhin ka nya rito. Pinayagan nila akong umuwi dahil walang alam si L tungkol sa akin. Mama, aalis din po ako mamayang gabi. Gusto ko lang po talaga ikaw makita. Ma, mag-iingat kayo ni Papa. Mahal na mahal ko kayo. Gusto ko mabuo pa tayo. Gusto ko pa magkaroon ng mga kapatid." sabi ni Dwayne.

Niyakap ko ng mahigpit si Dwayne. Di ko alam ang sasabihin. Iyak lang ako ng iyak. Di ko lubos akalain na ang dami na palang nadamay sa kabaliwan ni L.

Marami pa kami napagusapan nina Dwayne at Madre Superiora. Nang maghahapon na ay nagpaalam na si Dwayne na aalis, dahil may susundo daw sa kanya doon. Isang liham ang pinaabot ko sa aking ama at para na rin sa mga magulang ng mga kaibigan ko.

Hindi rin naglaon ay nagpaalam na kami sa mga madre. May pupuntahan pa raw kase kami. Habang nasa sasakyan kami, di ko napigilang umiyak na may halong lungkot, saya at takot. Inihinto naman ni Caleb sa isang burol ang sasakyan namin. Mabuti na lang naisipan nyang bumili ng makakain at maiinom kanina.

Nakaupo kami ngayon sa bubong ng sasakyan nya at tinitignan ang bituin sa langit. Mabuti na lang at maaliwalas ang kalangitan.

"Pasensya ka na Elle ah, sabi ko dadalhin kita kay Chloe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pasensya ka na Elle ah, sabi ko dadalhin kita kay Chloe. Pero sa ibang lugar kita dinala." sabi ni Caleb

"Huwag ka humingi ng pasensya Caleb. Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya. Lalo pa at alam kong ako na ng guardian ni Dwayne." sabi ko

"Ah ano kase Elle," sabi nya

"Kase ano?" sabad ko

"Tayo kase ang legal guardian ni Dwayne." sabi nito at tumingala sa langit.

"Huh? Ano kamo? Pakiulit nga?" sabi ko

"Noong maaksidente kayo at itinago nila kayo sa amin. Agad akong tumawag kay tito. Hindi rin naglaon ay sinabi nito ang totoong comatose daw kayo sa ibang bansa. Gusto ko man puntahan ko noon, di ko magawa dahil alam kong susundan ako ni L. Kinausap ako ni Tito na tuparin ang pangarap mo na maampon si Dwayne. Gumawa kami ng mga papeles. Para mapadali ang pag-aampon. Gaya ng Marriage Contract." sabi nya.

"ANO ! MARRIAGE CONTRACT? PEKE LANG YAN DI BA?" gulat na tanong ko

"Ah eh hehehe. Noong una oo peke ang lahat. Pero noong maquestion sa korte ung application ng pag-aampon kay Dwayne. Noon naman kayo nagkamalay, pero walang maalala. Ginawa ni tit, nagpatulong sya sa kilala nyang attorney at gumawa ng totoong Marriage Contract at pinapirma yun sayo. At dahil doon sa attorney na kilala ni Tito, nagawa nilang totohanin ang lahat. Kumbaga KASAL tayo. Pero walang ceremony na naganap." sabi nito sa akin.

"WHAT THE !! YOU MEAN IKINASAL AKO NG DI KO ALAM?" Gulat na sabi ko

"Parang ganun na nga hehehe" sabi nitong tumatawa.

"WAHHHH!! Di ko man lang naranasan ung bonggang proposal. Gusto ko rin ng beach wedding tapos under the stars. Wahhhh !! I kennat Accept this!" sabi ko. Pero sa totoo lang di naman ako galit. Nagpapabebe lang hahaha.

Agad naman nyang hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa nya. Pero sino ba ako para magpakipot pa? Asawa ko nga sya diba?

We ended up kissing each other under the sky thats full of stars. Saksi ang mga bituin sa pagmamahalan namin.

----------
A/N :

Namiss nyo ba ako? Charot Hahaha

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon