Thirty-Six : WIN or LOSE?

392 28 13
                                    

Maddie's POV

Hindi ako makapaniwala na buhay si Chloe, all this time ang buong akala namin ay namatay talaga sya doon sa car accident na pakana ni L. Tinitignan ko sila ngayon ni Zeke, at kita sa mga mata nila ang over flowing love. Kaya naman pala napaka-tahimik ni Zeke this past few days. At lagi ko silang nakikitang nag-uusap ni Brielle, yun naman pala may sikreto sila.

Biglang tumunog ang cellphone ko, si Denver pala nagtext
"Mine, saan kayo? Andito na kami sa malapit sa sinasabi mong sasakyan"
Mabilis kong binuksan ang sasakyan at nakita kong magkakasama sina Denver, Kayden at Austin. Kaagad na kinalabit ko si Denver at sinabihang pumasok sa roon.

Nung nandoon na kaming lahat sa loob, nagulat ang dalawa sa nakita nila. Si Chloe. Andaming tanong ang naglalaro ngayon sa isip ko. Gaya ng paano nila nailigtas si Chloe.

Maya-maya pa, nagsalita si Rollo sa mic na meron si Chloe. Na nagpakaba sa aming lahat, mukhang napindot ng hindi inaasahan ang mic.

"Sige Rollo, lumaban ka! Kung matatalo mo kaming lahat saka mo lang makukuha ang mga babaeng ito." sigaw ng kung sino man na nasa loob.

"Guys, Rollo needs us. Anong gagawin natin?" tanong ko

"We are left with no choice, kelangan namin sumunod doon. Eto magiging plano." sabi bigla ni Caleb.

After na maexplain nito ang gagawin ay magkakasunod na lumabas kami ng sasakyan. Slowly but surely. Kelangan walang makapansin sa pagpasok namin. Naunang naglakad papasok sina Kayden, Zeke at Austin. Sa likod naman kami dumaan nina Chloe, Caleb at Denver

Nang makapasok na kami sa likod ay agad kong nakita si Rollo na duguan at pinagtutulungan ng mga tauhan ni L. Wala namang malay ang mga kaibigan namin. Nung makita namin sina Kayden na nakapwesto na, agad na sumenyas si Denver para sabay sabay na lumabas ang mga boys. Kinakabahan ako ng husto sa pwedeng mangyari sa mga oras na ito. Tanging mga kahoy at bakal lamang ang hawak nilang panlaban.

"Ngayon na!" biglang sigaw ni Denver.

Magkakasabay na sumugod sina Kayden, Austin, Caleb at Zeke. Hampas dito, hampas doon. Gosh! Para lang kaming nanunuod ng gang war. Lima laban sa mahigit 20 lalaki. Jusko! Paano na.

Nang makita kong hinila ni Denver si Rollo palapit sa amin ni Chloe. Agad ko syang hinila at bumalik na itong isa s bakbakan.

Nilapitan naman ni Chloe sina Elle, para gisingin.

"Elle, Elle. Wake up. Audrey. Issa" yugyog ni Chloe sa kanila.

"Huh? Nasa langit na ba ako? Bat nakikita kita Chloe.?" tanong ni Issa.

"Baliw, buhay pa kayo. At ililigtas namin kayo. Kaya kakalagan na namin kayo" sabi ni Chloe.

Matapos namin silang kalagan ni Chloe ay dahan dahan na sana kaming aalis doon. Nang makita kong may isang lalaking hahampas sana ng upuan kay Chloe. Agad kong syang itinulak at sa likod ko tumama ang upuan. THE FUCK! ang sakit!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's POV

(ps. ako na muna po magkukwento 🙌)

Agad na tumumba si Maddie sa sahig pagkatapos na mahampas ito ng upuan sa likod. Agad din syang dinaluhan ng mga kaibigan nito.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon