Maddie's POV
Ang bilis lang ng panahon, mag-dadalawang buwan na rin pala ng mawala si Chloe. Nagpapasalamat kami dahil sa loob din ng dalawang buwan, hindi nagpaparamdam si L. Ang balita namin ni Rollo, nasa ibang bansa daw sya. Kaya naman nakakakilos ng mabuti ang mga kaibigan ko. Pero doble pa rin ang pag-iingat namin, dahil di namin alam ang mga plano nito.
Narito ako ngayon sa rooftop, nakatanaw lang ako sa baba. Nahagip ng mata ko si Jax at Zoey sa may parteng mapuno, kung saan laging nakatambay itong isa. Kanina naman magkasama sina Austin at Audrey, Edward at Dale para sa isang photoshoot. Si Issa at Kayden naman ayun, busy din sila sa pagpapraktice para sa gagawing university ball next month. Si Elle at Caleb naman nasa theater hall. Mukhang may sinusulat na naman syang act.
Aalis na sana ako para pumunta ng theater hall ng may mahagip ako ng mata ko, si Zeke. Kausap nya ang lalaking yon.
Ang lalaking yun na pumatay ng puso ko. Ang lalaking dahilan ng pagguho ng buhay ko. Ang lalaking sumira ng lahat ng lahat. Anong ginagawa nya rito?
Bakit sya kinakausap ni Zeke? Alam ng mga kaibigan ko kung gaano ako nasaktan noon, isa rin siya sa halos pumatay sa kanya. Pero bakit ngayon, magkasama sila at nag-uusap.
Maya-maya pa, may taong dumungaw sa bintana ng sasakyan, naka-all black ito. Hindi ko rin makita ang mukha nya dahil sa shades and face mask nya. Pero nakita ko kung gaano nagliwanag ang mata ni Zeke ng makita sya. Sino sya?
Anong alam mo Ezekiel? Kakampi ka ba talaga namin? Akala ko ba hindi mo mapapatawad yang si Denver?
Nang muli ko silang tignan ay papasakay na si Zekebdoon sa sasakyan nina Denver, ito namang hayop na lalaking ito, ay nagpa-iwan. Nakita ko syang naglakad papasok ng campus, don't tell me may kakilala sya dito?
The heck ! I totally forgot that Denver is the only son of our dean. And alam ko na pamangkin ng dean si L, so that means? Magpinsan sila? Teka, ang gulo !!!
Muli akong umupo sa pwesto ko kanina, andaming pumapasok na tanong sa utak ko. Pero ako mismo di ko mahanapan ng sagot.
I decided to stay longer on the rooftop, tutal wala naman ginagawa dahil busy nga sa upcoming ball. Nasa malalim akong pag-iisip ng may tumikhim sa likod ko. At di ko inaasahan na sya ang makikita ko. Ang lalaking kanina lang ay nasa isip ko.
"Maddie," anas ni nito
"Please, I don't have time for this nonsense." sabi ko sabay irap at nagpasya na akong bumaba. Pero bago pa ko makatalikod sa kanya, agad nyang nahablot ang braso ko.
"You don't know, how much I missed you Maddisson! Pero sana. Just this time, please makinig ka sa akin. After this I won't show up again."he pleaded.
"For 5years Denver, nananahimik na ang buhay ko. Tapos na ang sa atin, wala na ako dapat pang malaman. Let's stop this okay. May naghihintay pa sa akin." sagot ko.
"Who? Si Rollo ba? Sya na ba Maddie? Wala na ba ba talaga akong puwang dyan sa puso mo? Talagang kinalimutan mo na ang meron tayo?" tanong nito.
"Oo Denver, wala ng tayo! Simula ng niloko mo ko, kinalimutan ko na kung ano man ang namagitan sa atin. Wag mo ng ibalik ang dati, dahil isang masamang kahapon lamang yon" matigas kong sabi.
"No, I don't believe you Maddie! Pero sige di kita pipilitin,pero for one last time. Pakinggan mo lang ang paliwanag ko." sabay luhod nito.
Nakayakap sya sa mga binti ko, habang nakayuko at naiiyak. Gustuhin ko man iwan sya di ko magawa dahil hawak nya ang mga binti ko.
"Ok, makikinig ako Denver, bitiwan mo na ako. For the last time. Just promise me, na ito na ang huli." sabi ko
"Sige Maddie," sabi nito.
BINABASA MO ANG
STOLEN MEMORIES
FanfictionAng storya pong ito ay inaalay ko sa mga KA-SQUAD ko! Alam nyo na kung sino kayo. Kung wala kayo wala rin ang storyang ito. Kaya salamat. Highest Rankings : #7 - #Mayward #8 - #sacrifices Salamat po sa lahat ng nagvovote... 😘😘