Epilogue

957 37 22
                                    

Edward's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Halos isang taon na rin ang nakalipas, pero ayaw pa rin tanggapin ng utak ko ang katotohanan. Ayaw magsink in sa utak ko ang mga pangyayari. Kahit na matagal-tagal na rin ayaw ko pa rin tanggapin ang lahat. Dahil umaasa akong maibabalik ko pa ang lahat lahat.

Nakasakay ako sa isang eroplano ngayon, papunta sa isang lugar. Tanging si Zoey at Jax lang ang nakakaalam ng pag-uwi kong ito. Ayaw ko muna kumausap ng ibang tao, dahil baka di kayanin ng sistema ko. Nang mga panahong wala akong makapitan, si Jax at Zoey ang walang sawang nagbigay ng lakas loob sa akin. Sila ang walang sawang gumabay sa akin. Kahit na ilang beses ko nang tinangkang wakasan ang buhay ko di nila ako iniwan.

Ilang sandali pa ay lumapag na ang eroplanong sinasakyan ko. Pagkalabas ko ng airport ay hinawakan ko agad ang dibdib ko.

"Shit! Eto na naman, bumabalik na naman lahat ng sakit. Sana kayanin ko. Sana kayanin ko pa hanggang sa makarating ako sa lugar na iyon" lihim na usal ko.

Nang tuluyang makalabas ako, sinalubong agad ako ni Jax.

"Welcome home bro," sabi nito sa akin.

"Thank you bro, nasaan si Zoey?" tanong ko.

"Wala eh, nasa Baguio may wedding na pinunahan. Alam mo na patok ngayon ung business nilang mga girls. Eh sya na lang ang hindi buntis kaya ayun sya lagi ang napapadala sa mga events na malalayo" paliwanag nya.

"Bro, pwede bang dumiretso na lang muna tayo doon?" tanong ko.

"Are you sure bro?" sabi nya.

"Oo bro,please" sagot ko.

Nagmaneho naman si Jax patungo sa lugar na iyon. Habang papasok kami sa lugar na iyon bumalik na naman lahat ng sakit.

Nang makarating kami ay agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad. Tumigil ako sa paglalakad ng marating ko na sa wakas.

Lumuhod ako doon at muli ay bumuhos na naman ang aking mga luha.

"Marydale, nakauwi na ako. Nandito na ako. Sa wakas nandito na ako ulit." sabi ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

Hinawakan ko ang mga pangalang nakaukit sa lapida.

Marydale Dane Entrata
Jandale Entrata-Barber

Tama ang nababasa nyo, isang taon na ng mawala silang mag-ina sa buhay ko. Halos mabaliw ako ng malaman ko ang nangyari. Hindi ko matanggap. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa kapabayaan ko. Kasalanan ko ang lahat.

"Bro, tama na. Tingin mo ba magiging masaya si Dale ng nakikita kang ganyan?" sabi Jax sa akin.

"Ang sakit pa rin kase bro, sobra." sabi ko.

"Bro eto tandaan mo, maraming bagay ang inaakala nating tapos na. Yun pala magsisimula pa lang ang isang bagong kabanata" makahulugan na sabi nito.

Nagpalipas lamang kami ng ilang minuto doon at nagpasya na kaming umuwi sa bahay ni Maddie. Yun na kase ang ginawa naming bahay, simula ng matapos ang lahat.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note :

Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa ng kabaliwan ko.

Salamat din po sa lahat ng nakimura, nakigulo, nabaliw, at naghintay ng update ko.

Pagpasensyahan nyo na po ang mga typos ko. Di na po kase nag-edit.

Lastly gusto ko magpasalamat sa mga taong ito dreyfruswrites, mush28, mc_rayne, AnalizaDeGuzman7 at FebruaryLaine .. Kung wala sila. Wala rin po ang storyang ito.

(Let me share you a little secret hehehehe,
kami po talaga ang GIRLS sa Squad ni Marydale hahahaha. At ang mga boys? Alam nyo na yun hehehe.)

Pero ganun pa man muli po taos puso po akong nagpapasalamat.

Muli nyo pong subaybayan ang storya ni Edward Barber at Marydale Dane Entrata at ng buong Squad sa pagbubukas ng bagong libro.

Muli nyo pong subaybayan ang storya ni Edward Barber at Marydale Dane Entrata at ng buong Squad sa pagbubukas ng bagong libro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MARAMING SALAMAT PO!

lubos na nagmamahal,
CEY.              

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon