Six : PAGPAPANGGAP

695 39 15
                                    

Zoey's POV

Nandito ako ngayon sa isang malilim na puno. Kinuha ko ang notebook at ballpen ko sa bag. Tinignan ko ang mga nakasulat sa notebook na iyon. At bigla na lang akong naiyak habang binabasa ang bawat pahina.

"Hay! Paano ko sasabihin ang totoo?" sabi ko ng mahina.

Kelan ko nga ba sinimulan ang pagsusulat sa notebook na ito? Paano ko ba ito sasabihin sa kanila. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Wala naman silang kasalanan dito nadamay lamang sila.

Yung lalaki kanina, kilala ko sya! Kilalang-Kilala sya ng puso ko! Sya lang naman ang taong mahal na mahal ko! Pero kailangan ko magpanggap na hindi ko sya kilala. Kailangan ko sumunod sa mga plano, para mailigtas lahat kami.

Bawat pahina ng notebook na ito, ay naglalaman ng mga ala-ala. Ala-alang sapilitang kinuha sa amin. Dito ko isinusulat ang mga ala-alang bumabalik sa aking kaisipan. Wala silang alam dito, dahil ako man ay naloko ng halos dalawang taon. Mabuti na lang at nalaman agad ni G ang tungkol dito. Aksidente lamang ang pagkakatuklas ko sa mga alam niya. Tinakot ko sya upang sabihin sa'kin ang katotohanan. Nagulat ako sa nalaman ko, sobrang galit ako sa sarili ko. Hindi ko matanggap ang lahat. At lalo akong nagulat ng malaman ko kung sino ang may gawa nito. Gusto ko na syang komprontahin ng mga araw na un. Pero pinigilan ako ni G. Dahil lalo lamang daw kami mapapahamak pag ginawa ko yun. Umayon na lamang ako sa plano nya. Kelangan ko muna daw maalala lahat para matulungan ko sya. Isang taon na rin ng maalala ko ang lahat. Ilang araw akong wala sa sarili, dahil sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyare.

Pero dahil sa tulong ni G, unti-unti ay bumalik ako sa aking sarili. Nagtulungan kami para pagplanuhan ang lahat. Di na kami papayag na paikutin na lang nya. Di ko na kaya pa nakikitang nasasaktan ang mga kaibigan ko.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko.

"Besh! Lunch time na tara na! Meet you at the cafe okay." si Issa pala.

At isang message pa ang narecieve ko, si G!

"Meet me at 4pm. Sa dati okay? Careful na wag ka masundan ni Jax! Kelangan di sila makahalata okay?" basa ko sa isip ko.

Agad ko naman binura ang message at tumayo na. Pagtalikod ko nakita ko lang naman ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla. Anong ginagawa nya dito?

Naglakad sya papunta sa'kin, ako naman ay naglakad para lampasan sya. Pero ng magkatapat na kami ay bigla nya kong niyakap at isinandal sa puno. Tinignan nya ko ng taimtim. Para akong maiiyak at malulunod sa mga titig nya. Alam kong nasasaktan din sya. Pero kailangan ko syang mapaniwala na wala akong naaalala.

Agad ko syang itinulak at sinampal sabay sabing "Ano na naman ba gusto mong hayop ka? Nagnakaw ka na nga ng halik. Gusto mo pa dumalawa huh?" sigaw ko. I saw him smirk.

"Alam mo babe, kundi ko lang alam na wala kang maalala. Iisipin ko pa-hard to get ka. Pero dahil sa sitwasyon mo, wag ka mag-alala. Sisiguruhin kong maiinlove ka ulit sa JAXSON AXL GALLO na nasa harapan mo." sabi nya at hinalikan ako sa noo.

"Peste! Bitiwan mo ko! Ito tandaan mo mister. Hindi ako maiinlove sayo. Never!" sigaw ko sabay batok sa kanya. Tumakbo na ko palayo sa kanya baka ano na naman masabi nya.

-----
Third Person's POV

Nagkita-kita ang magkakaibigan sa cafeteria. Huli na ng dumating si Dale at Maddie. Agad na pumunta sila sa pwesto ng mga kasama nila.

Sa kabilang banda naman ng cafeteria naroon ang boys na tahimik lang na nakatingin.

Isang pares ng mata ang nagmamasid sa dalawang grupong ito. Makikita sa mga mata nya ang galit, poot at pagkasuklam.

Mabilis na lumipas ang oras, at nagsipasukan na sila sa mga klase nila. Unti-unting nawala ang mga tao sa cafeteria. Hanggang maiwan na lamang ang taong un na kanina pa nagmamasid sa dalawang grupo.

-----
L's POV

Mula dito sa cafeteria, nakikita ko kung paano pagmasdan ng mga lalaking iyon ang mga babaeng kinamumuhian ko.

Bakit pa ba sila nagpunta dito? At paano nil nalaman nandito ang mga babaeng yun? Si G ba? Bwisit talaga ang G na yan sa buhay ko! Pero di ako papayag na magiging masaya silang lahat at maiiwan na naman akong nasasaktan. Wala silang magagawa. Hawak ko ang buhay ng mga babaeng mahal nila.

Kundi ko nakuha si Edward at Jax noon. Sisiguraduhin ko na makukuha ko sila ngayon.

Magkamatayan man kami.

----
Third Person POV

Dahil napapansin ni Zoey na kanina pa sya sinusundan ni Jax, nagtext sya kay G na huwag na muna sila magkita.

Napapansin din ni G, na bantay sarado talaga ang mga boys sa girls. Kaya kahit papaano ay nakampante na ito

Alam nya na hindi madali ang gagawin nila. Pero sa mga oras na ito. Wala na silang ibang magagawa kundi ang sundin ang plano nya. Higit kanino man, sya ang nakakaalam ng plano ni L. Kelangan nyang balaan sina Edward sa plano ni L.

At kelangan din nya makausap si Zoey, para sabihin din ang plano sa kanya.

Hindi pa ngayon ang tamang panahon, para malaman ni Jax na nakakaalala na si Zoey. Kelangan nilang gawin ito upang maging kapani-paniwala ang lahat.

Mahirap ang lahat, pero kelangan nilang magsacrifice para sa ikaliligtas nilang lahat.

Marahang umiling si G, at ngumiti ng makitang nakatingin sa kanya ang lalaking mahal nya. Kahit ang puso nya kelangan nya pigilan. Kahit na abot kamay lamang nya ang lalaking mahal na mahal nya.

----
Author's Note :
Short Update lang muna Heheheh
Juske Hahaha. Paano na kaya ito? hahaha.
Sana ho magustuhan nyo.

Salamat.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon