Thirty-Eight : Finale Part 1

474 29 10
                                    

Flashbacks

Zoey's POV

Naiwan kami ni Dale ngayon dito sa rooftop, tinitignan ko lang habang nakatingin ito sa malayo.

Hindi ko alam ang tinatakbo ng isip ng babaeng ito. Bakit sa ganitong oras pa nya napiling mag-usap kaming dalawa.

"I am 2weeks pregnant Zoey," sabi nya nagpagulat sa akin.

"Wow! Dale, this is unexpected! Anong sabi ni Edward?" I asked her

"Hindi nya alam. At wala akong balak sabihin." sabi nya at nilingon ako.

"What?! Are you crazy? Ano yan itatago mo? Sooner or later malalaman din nya!" gigil na sagot ko.

"Hindi nya malalaman kundi mo sasabihin!" sabi nito.

"Pero karapatan nya yun!" sagot ko.

"Ako ang mas may karapatan dahil sa akin sya lalaki. Isa pa, gusto ko na rin matapos ito." sagot nito

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Sumunod ka sa akin Zoey, may gustong makipag-usap sa atin" sabi nya.

Tumayo sya at dumaan sa isang sikretong pinto palabas at pababa ng rooftop. Halos trenta minuto din kaming naglalakad ng makarating kami sa isang bar. Agad na dumiretso sya sa isang private lounge. Nang makapasok kami ay si Lucienne agad ang nakita ko.

"Dale what on earth are we doing here?" I exclaimed.

"Relax Zoey, di ko naman kayo papatayin dito. Namiss ko lang ang bestfriend ko, diba Dale?" L smirked

"So ano ang gusto mo ngayon Lucienne? Para matapos na!" mariin na sagot ni Dale

"Not so fast Dale, gusto ko tayong dalawa lang." sabi ni L at tinignan ako.

Tinignan naman ako ni Dale, na parang sinasabing lumabas na ako. Sasagot pa sana ako kaso tumango na lang si Dale, kaya wala na ako nagawa pa.

Halos kalahating oras din akong palakad lakad sa harap ng pintong yon. Gusto ko malaman ang pinaguusapan nilang dalawa. Ayoko ng ganito. Kakatok na sana ako ng lumabas na si Dale, hinila nya ako ng mabilis at agad na sumakay ng taxi. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta may pinakita lang syang address sa driver at umalis na kami.

"Beh, text mo si Jax sabihin mo aalis lang tayo saglit. Please gusto ko lang tayo munang dalawa." sabi nito.

Kaagad akong negtext kay Jax at ilang palitan pa ng reply ang ginawa namin bago ko sya napapayag.

Huminto kami sa isang beach, agad na tumungo si Dale sa dalampasigan.

"Manong, hintayin nyo na po kami. Babayaran ko po ng doble ang pasada nyo ngayong araw" sabi ko sa driver at tumango naman sya.

Agad akong tumakbo kung nasaan si Dale, umiiyak lang ito. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Hanggang sa nagsimula nyang ikwento ang naging usapan nila ni L. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. God! That girl is crazy.

Nang matapos syang umiyak ay agad na nagayos na sya para daw makauwi na kami. Isang mensahe ang narecieve nya. Message mula kay L , kitang kita doon na bugbog sarado na ang mga kaibigan namin.

Agad kong tinawagan si Jax, para sabihang tumawag ng pulis. Familiar kase ang bodegang iyon. Hindi nga ako nagkamali, sa lugar na iyon ko nabaril ang kapatid ni L.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon