Jax's POV
Ako na ang magkukwento since masyadong naoverwhelm ang ating prinsesa. Ahahaha.
Okay back to the present time, ako nga ang naatasang maging kutsero. Sa gwapo kong ito? Ginawa akong kutsero? Kundi ko lang talaga mahal ang future wife ko, nako di ko gagawin ito eh. Si babe kase ang namamahala ng preparations, kase sya talaga ang may alam ng gusto ni Dale.
The place is all set up now. Si Dale na lang talaga ang hinihintay. Eto na talaga ang pinakahihintay ni mister Barber. Magpapakahirap ba kami para sa wala lang.
By looking at Dale, amaze na amaze sya sa dinadaanan namin. Ang napili kase namin lugar ay sa gitna ng gubat.
YES, you read it right sa gitna nga ng gubat. Mabuti na lang at maganda ang panahon nakikiayon sa plano namin.
Makaraan ang halos isang oras ng pagiging kutsero sa wakas nakarating rin kami sa venue. Agad naman na lumapit si Babe at Maddie sa amin para tulungan akong ibaba si Dale.
Nang sa wakas ay makababa si Dale, dali dali akong tumakbo papasok ng gubat upang sabihan ang mga naroon na nandito na kami.
Finally eto na.
The moment that Edward and Marydale is waiting for.------------------
Marydale's POVHindi ko na alam kung nasaan na kami, pagkababa ko ay agad na kumaripas ng takbo itong si Jax. Basta na lang kami iniwan dito puro pa naman kami babae.
"Don't worry Dale, safe tayo dito." sabi ni Maddie.
"Sasamahan ka lang namin hanggang doon sa may liwanag. After nun ikaw na lang ang magisang maglakad. Sundan mo lang ang mga ilaw." sabi ni Zoey.
"Pero natatakot ako." I said
"Shut up! Walang mangyayaring hindi maganda ngayong gabi ito kaya. Enjoy tha night our princess."Maddie said.
At yun na nga inalalayan na nila ako hanggang sa makarating kami sa sinasabi ni Zoey kanina. Totoo nga iniwan ako ng dalawa. Kalokohan talaga ng mga ito. Sarap bigwasan minsan.
Nang umapak ang mga paa ko sa red carpet ay nagsimulang magkaroon ng musika. Isang musika na pamilyar sa akin. Ang kantang laging kinakanta ni Edward sa akin.
(Watch this
--->
Nagsimula nang lumabo ang mga mata, napaka-special ng kantang ito sa akin. Para sa amin ni Edward. Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang sa daraanan ko ay makita ko ang iba't ibang pictures namin ni Edward, nakadikit sila sa mga baging, na may christmas lights. Lalo akong maiyak ng tignan ko isa-isa ang mga larawan.
BINABASA MO ANG
STOLEN MEMORIES
FanfictionAng storya pong ito ay inaalay ko sa mga KA-SQUAD ko! Alam nyo na kung sino kayo. Kung wala kayo wala rin ang storyang ito. Kaya salamat. Highest Rankings : #7 - #Mayward #8 - #sacrifices Salamat po sa lahat ng nagvovote... 😘😘