Thirteen : REVELATIONS (Part Two)

530 35 26
                                    

Kayden's POV

Nung malaman na namin ang tunay na dahilan ng pagkawala nila 5 yrs ago, unti-unti ng nabubuksan ang mga lihim na itinago sa amin.

Alam ko ang tungkol kay L, pero di namin alam kung bakit humantong sa ganung paghihiganti. Kilala ko si L, she's obsessed with Edward and Jax. To the highest level, kung nasaan si yung dalawa nandoon din sya. Noon kay Edward lang sya obsess, natatandaan ko pa noong sa labas ng condo nito sya natulog, doon mismo sa labas ng unit.  Madalas din sya nitong sundan, natigil lamang sya ng maging boyfriend ni Dale si Edward. Noon naman dumating si Jax na kaibigan din namin, dito nabaling ang pagka-obsess nya. Siguro naisip nya kung di nya nakuha si Edward, kay Jax na lang sya. Pero hindi nangyare yun, dahil nakilala ni Jax si Zoey. Alam kong hindi lang iisang beses syang kinompronta ni Zoey, pero di ko alam kung ano ang mga nangyare, dahil noon ko naman nakilala si Issa. Si Zeke naman busy kay Chloe.

Alam kong hindi naging maganda ang huling pagkikita nina Zoey, Dale at L. Pero wala silang inilabas na detalye ng nangyare noon. Basta ang alam lang namin ay sobrang trauma ang naidulot nito sa dalawa namin kaibigan.

"Bro, ano ba talaga nangyare noon? Bakit bigla na lang sinugod sa hospital sina Dale? " tanong ko

"Oo nga, kahit kami nagulat na lang ng malaman na sinugod kayo sa hospital pareho." sabi ni Issa.

"Panahon na rin siguro para malaman nyo ang nangyare between L and these two ladies." sabi ni Edward

At yun na nga sinimulan na ni Zoey, ikwento ang nangyare dati.

-------
**FLASHBACK**

ZOEY's POV

It was late that year nung magdecide ang parents ko na ipadala ako dito sa Pilipinas, well it is my punishment for being a bad girl. Serves me right huh. Actually it was my big brothers idea to sent me here. He had a friend whose living here, and he asked that guy to watch over me. And syempre ireport lahat ng gagawin ko doon. He even enrolled me sa mismong university ng lalaking iyon with same course and to make it worst ? I have to live with him !! Naiinis talaga ako kay kuya !! Akala mo kung sinong magaling sa lahat.

My first month stay with that guy is like hell, as in ginagawa nya kong alalay. To make the story short, pumayag si kuya na gawin ako julalay ng isang hudas na lalaki! Me?  As in. Never in my whole life na maiisip ko na magiging katulong ako ng hinayupak na kaibigan ng baliw kong baliw.

Even in the university pinapahirapan nya ko, noon ko naman nakilala si Marydale, yung jowa ni Edward na bestfriend nya. Naging close friends agad kami ni Dale, sya kase ung natatakbuhan ko pag may problema ako. At doon ko rin nakilala sina Brielle, Maddisson, Chloe, Issabella at Audrey. Naging magkakaibigan kami. Naging sandalan namin ang isa't isa. Noon ko naman napansin na parang laging may nakasunod kay Dale, Edward at Jax.

Nang mag-usap kami ni Dale ay sinabi nyang si Lucienne daw iyon, obsessed kay Edward at Jax. Akala ko simpleng stalker lang sya, not until malaman ko na natulog lang naman sya ng ilang beses sa labas mismo ng unit ng Edward, she's even sending deathnotes kay Dale, para lang hiwalayan nito ang boyfriend. That's when Edward and Dale decided to live together in one unit. Noon naman umuwi ng Pilipinas itong hinayupak na si Jaxson Axl, sa kanya daw nabaling ang atensyon ni Lucie .. Yes! We called her Lucie. Kase mukha syang Luciefer.  Sabi rin ni Dale, yun na daw ang third time na lumipat ng unit si Jax. Ganun daw kaobsess sa kanya si Lucie. Noong una daw simpleng pagpapadala lang ng pagkain, flowers, even cars ang ginagawa ni Lucie para lang mapansin ni Jax, pero di pa rin sya napapansin nito.

Sa second unit daw ni Jax doon na talaga sya naalarma. Lucie put hidden cameras all over his unit. And one time daw na umuwi si Jax ay nadatnan na lang nya si Lucie na hubo't hubad.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon