Ten - DEATH

509 38 12
                                    

Edward's POV

Kinabahan ako ng biglang tumawag si Zoey kay Dale, ano kaya ang meron? Bigla kaseng nabalot ng pag-aalala ung mukha nya. Kaya kahit di pa tapos ang pag- interview nya sa akin ay umalis na kaagad sya.

Agad ko naman syang sinundan at nakita kong kausap nya si Issa, na kasama naman si Kayden. Lumapit ako sa kanila, dahil mukhang seryoso ang usapan nila. Kahit si Kayden kase di maipinta ung mukha.

"Bro, si Jax ang may hawak ng cellphone mo?" sabi ni Kayden.

"Oo bakit?" sagot ko, oo nga naiwan pala kay Jax ung cellphone ko.

Narinig ko naman si Dale at Issa na naguusap nagkatinginan kami ni Kayden. Tumango na lang ako sa kanya, alam na namin ang gagawin.

"Besh,nagtext si Zoey magkita kita daw sa auditorium. Isama daw natin ung iba." si Issa

"Sa akin din ehh, nandoon kaya si Maddie at Elle?" tanong ni Dale

"I think it's better if ihahatid na namin kayo doon," sabi ni Kayden

"Yeah, let's go" sabi ko

Pinakita naman ni Kayden sa akin ung message ni Jax.

"Bro, gather everyone please. Make sure na magkakasama kayo. Bantayan nyo ang mga girls. I am with Zoey and G. Something came up. Please hurry up. We do not have much time."

SHIT! What is happening? Nagkatinginan kami ni Kayden, alam namin ang gustong iparating ni Jax. Magkakasama kaming apat na naglalakad ng makasalubong namin si Audy and Austin. Isang tango lang ibinigay ko kay Auntn. Alam na nya yun.

Nandito na kami sa loob ng auditorium. Si Dale, Issa, Elle pa lang ang girls. Nagtext naman si Rollo na magkasama sila ni Maddie. Okay atleast alam namin na magkasama sila. Narito na rin si Zeke at Caleb.

Nakita kong papalapit si Dale sa amin. Bakit kaya? She seem so worried.

"Ahm, Ezekiel right?" tanong nya kay Zeke

"Oo bakit?" sabi nito

"Ah kase di ba nasa club ka ni Chloe? Alam mo ba kung nasa4n sya? Di kase namin sya macontact. Di rin daw sila magkasama ni Zoey." sabi ni Dale.

I started to panick, Shit! Wag naman sana.

Nagkatinginan kaming mga lalaki. Nagstart na rin kabahan ang mga girls. Zeke and I started to look for Chloe. Naiwan doon si Kayden at Caleb to make sure na safe ang mga girls.

Tinawagan ko si Jax gamit ang phone ni Zeke, para sabihin na wala si Chloe. Narinig kong nagusap usap sila at nagdesisyong pumunta sa tinitirhan nila Dale ngayon. Agad din nila kaming pinasusunod. Pero binilinan kami na wag sumakay sa kahit anong sasakyan na dala-dala namin kanina.

Bumalik agad kami ni Zeke sa loob, kita ko sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. Wag si Chloe please. Lihim na dasal ko.

Pagkapasok namin ay agad namin sinabi sa mga girls na kelangan namin sila ihatid. Marami silang tanong lalo na si Elle at Issa. Pero wala rin ako maisagot dahil si Zoey lang ang makakasagot ng lahat ng iyon.

Mabuti na lang at nakahiram kami ng sasakyan sa tito ni Caleb. Magkakasama kami ngayon sa iisang van papunta sa bahay nila.

Saktong paglabas namin ng university, dumaan sa harapan namin ang maraming ambulansya ano kayang meron?

------
Audy's POV

Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko, nakausap ko kase si G. Sya ang nagrequest na pagaralan ko ang background ng mga lalaking yun. Noong una nag-alangan akong tulungan sya kase di ko naman alam kung totoo ang sinasabi nya. Pero nang ipakita nya sa akin ang ilang nga dokumento at mga larawan ay naiyak na lang ako . Naiyak ako kasi napakasakit pala na itago sayo yung katotohonan. Kahit mga magulang ko mismo walang nagawa para pigilan ito. Naiintindihan ko sila, ginawa lang nila ang alam nilang tama. Para maging ligtas kami. Kaya pala sa loob ng limang taon, ni minsan wala akong maalala na mukha ng mga magulang ko.

Di ko akalain na may taong kayang gumawa ng ganito. Oo alam kong nadamay lang kami, pero simula ng malaman ko ang lahat hindi ko naramdaman sa sarili ko na sinisisi si Zoey at Dale. Mas masakit ang pinagdaraanan nila. Di ko nga alam kung paano nila nakakayang tanggapin ang lahat. Alam kong nakakaalala na si Zoey, di ko lang alam kung ganun din si Dale.

Simula noong kausapin ako ni G, nagsimula na rin ako makaalala. Sinimulan ko na rin ang pag-aaral sa mga profiles ng lalaking yun. At ang pinaka-importante ang profile ng taong syang dahilan ng lahat ng ito. Ang taong salarin ng lahat ng ito.

Ang hirap magpanggap na wala kang alam. Lalo na kapag kasama ko si Austin. Hirap na hirap ako, dahil sa loob-loob ko, gusto ko syang mayakap. Si Austin ang lalakeng mahal ko. Nakikita ko kung paano sya ingat na ingat na wag banggitin ang totoo kong pangalan. Ang hirap sa totoo lang, ilang gabi ko rin iniyakan ito, pero hindi ako papayag na masaktan ni L, ang isa sa amin. Hindi na kami papayag na may masaktan pa.

------
Zeke's POV

Nang makalabas na ng university ang sinasakyan namin agad na nagdrive si Kayden papunta doon sa bahay nina Audy, halata sa mga girls ang takot. Alam kong naguguluhan sila ng sobra. Lalo na ako, di ko maiwasan mag-alala para kay Chloe. Di ko ata kakayanin pag nawala sya.

Malapit na kami sa tinutuluyan nila ng biglang mahagip ng mata ko si Zoey at si Jax. Napansin din pala ito Issa kaya agad na pinahinto nito ang sasakyan.

Nagsitakbuhan kami sa tabi ni Zoey, kitang-kita namin kung gaano sya nahihirapan. Nakayakap lang sya kay Jax. At panay ang sigaw nya,

"Si Chloe! No not Chloe! Please wag siya! Di ko kaya! Chloe!!!! Chloe!!!" sigaw nya.

"No please! Wag mo sabihing si Chloe ang sakay ng kotseng yan? Not her please! Ikakamatay ko pag nawala sya buhay ko" lihim kong dasal.

Naghintay kami ng ilang sandali at nakita namin ang mga rescuers na may inilabas na katawan. Sunog na sunog ang katawan nito. No! Hindi si Chloe yan. Hindi pwede.

Kinausap kami ng mga nasa investigation team kung sino ang iniisip naming sakay ng kotseng iyon, ipinadescribe sa amin ang suot na damit ni Chloe at uri ng sasakyan na ginamit nito. Hindi pa man tapos ang pag-uusap namin ng lumapit ang isang miyembro ng team, yung leader ata nila ung nakausap namin.

"Nakikilala nyo ba ang mga gamit na ito?" tanong nila sa amin.

Tinignan naman ng mga girls ang mga gamit na nakuha sa sasakyan. Nagsimula na silang mag-iyakan ng makumpirma na kay Chloe yung pendant ng kwintas na nakuha sa kotse.

Hindi, hindi ito pwede! Hindi pa patay si Chloe! Hindi sya patay. Alam ko buhay sya. Naniniwala akong buhay sya.

Kinuha ko kaagad ang susi ng sasakyan kay Kayden at nagmaneho patungo sa bahay nila, nagbabakasali akong naroon si Chloe. Ng makarating ako roon ay agad kong kinatok ang bahay. Pero walang sumasagot. Nanlulumo na ako, unti-unti nang bumigay ang mga luha sa mata ko! Hindi! Hindi ito maari. Bakit si Chloe?Bakit sya pa?

Nakaupo ako sa tapat ng pinto nila at umiiyak! Di ko kaya ito! Hindi! Mamamatay ako ng wala si Chloe. Nang biglang may bumato sa akin. Nagulat ako ng makita ang isang bato. May nakaipit na papel doon. Agad kong tinago ang papel na iyon. Dahil nakita kong paparating na ang mga kaibigan ko. Sa mga oras na ito, saan ako kukuha ng lakas? Kung wala na ang taong mahal na mahal ko?

---------
AUTHOR'S NOTE

Sorry Hahaha. Naku!!! Abangan ang susunod 😘😘

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon