Seventeen : ALIVE or DEAD?

533 30 17
                                    

**FLASHBACK** (Caleb and Elle)

Scene : The Night Of Revelations

Elle's POV

Hindi kayang tanggapin ng isip ko na ang taong mahal ko ay kapatid ng taong halos ay pumatay sa amin. Hindi pa nga matanggap ng sistema ko na patay si Chloe, tapos yung mga nangyari pa kina Dale, yung tungkol kay L.

Naniniwala ako na si L din, ang dahilan ng pagkakaaksidente ko noon. Halos isang taon akong natengga sa bahay. Hindi makapag-aral dahil di ako makalakad. Salamat sa pagtityaga ni Zoey, na ihatid at sunduin ako sa therapist ko. Mabuti na lang din at hindi sila nagsawang paalalahanan ako. Noong mga panahong iyon ay gusto ko nang sumuko. Hindi iisang beses kong naisipang iwan na lang ang lahat. Pero nahuli ako ni Chloe ng isang beses kong tangkain magpakamatay. Naalala ko pa ang mga salita na sinabi nya noon,

Hawak-hawak ko ang isang cutter, tutal ako lang naman mag-isa dito mauubusan na ko ng dugo bago pa nila ako makita. At itinutok ko ang cutter sa may pulso ko. Nang biglang pumasok si Chloe, gulat na gulat sya sa nakita nya. Agad kong inilayo ang cutter, pero mabilis nya ito nahablot sa akin.

"Brielle, ano bang iniisip mo?" Chloe shouted

"Please Chloe, pagod na ako! Di ko na alam ang gagawin ko. Masyado na akong nagiging pabigat sa inyo. Gusto ko nang mawala dito" I said while crying. She slapped me hard. Nagulat ako. I looked at her. She was crying also.

"Brielle, wala ako sa posisyon mo. Kaya di ko alam ang sasabihin. Pero wag mong isipin na pabigat ka sa amin. Kaibigan ka namin, kapatid na ang turingan natin. Tayo-tayo na ang nagiging sandalan ng isa't - isa. Ginusto namin na dito ka sa amin kesa hospital ka magpagaling. Dahil alam namin na mas maaalagaan ka namin. At alam namin na makikita namin ang progress mo. Elle, wag mong isiping pabigat ka. Mahal ka namin. Lahat gagawin namin para lang mapagaling ka. Para lang makalakad ka. Kaya wag mo balewalain ang effort naming lahat. Elle, ok lang mapagod. Pero wag ka sumuko. Kase kami di kami susuko na ipadama sayo na importante ka sa amin at mahal na mahal ka namin. Kung kelangan sampalin kita ng paulit-ulit gagawin ko, para lang magising ka!" Chloe said

She was right, I was so blinded by the thoughts of nagiging pabigat ako. I didn't even realize their efforts. Di ko rin naisip ang paghihirap nila. Masyado akong nalunod sa pagseself pity. Na hindi naman tama. Dahil may mga taong handa akong damayan sa lahat.

I hugged Chloe, and I cried myself again.

"Shhh, stop crying okay? Wag mo kami isipin. Isipin mo ang sarili. You must start fixing yourself. Believe in yourself Elle,kase kami? We believe in you. Kaya mo ito. Kakayanin natin ito ng sama-sama." she said.

After an hour Chloe left me in my room, doon ako nag-isip. Tama sya. I have to start with myself. Hindi pa man ako tapos mag-isip ay isa-isa na silang nagsipasukan sa kwarto. Alam ko na bakit sila andito. Nakatikim at nakarinig lang naman ako ng katakot-takot na sermon. After that scene niyakap nila ako. And with that, I started to regain my self-steem. Doon naman nagsimula akong magkaroon ng mga flashbacks. Pero hindi ko yun sinabi sa kanila. Kase ang akala ko dahil lamang iyon sa pagkakaaksidente ko.

I was in deep thoughts ng biglang lumapit si Caleb sakin. Hindi ko alam kung magagalit ako o hindi sa mga nalaman ko. Ang sakit lang sa akin na malaman na kapatid nya ang babaeng may kagagawan ng lahat ng ito.

"Elle, Alam ko hindi sapat yung sorry lang para sa mga ginawa ng kapatid ko. Pero maniwala ka, noong makilala kita mas naisip kong protektahan ka kesa sundin sya." he said.

"Pero bakit Caleb? Bakit ginagawa ng kapatid mo ito? Bakit kelangan namin madamay? Hindi ba nya kayang tanggapin na hindi sya mahal ni Edward at Jax?" I asked him

"My sister has emotional disorders, schizophrenia ata yun. She was hallucinating things. To the point na, she was claiming that Jax and Edward are for her. Lagi nya sinasabi kay Ate Aya na nagpropose si Edward sa kanya. She even told ate Lori na may nangyare daw sa kanila ni Jax at nakunan daw sya. Na she lost her baby pero walang pakialam si Jax doon. Ganun ka-grabe ang hallucinations nya." he said

"Gosh! Caleb sorry. I did'nt know na ganito na kalala si Lucienne." I said.

"I should be the one apologizing Elle, hindi ko kayo naprotektahan noon. But believe me, nagbago ako simula noong makilala kita at ng tanggapin ako ng tropa. No one ever cared for me, even my own parents. Si Ate Aya lang ata karamay ko noon not until I met all of you. Kaya sinisisi ko talaga si L, sa pagkawala ni Ate." Caleb sighed

"Caleb ang sabi mo sa akin kanina, gusto mong tulungan kita? Pero paano?" I asked him

"I know L, more than you know her. Alam ko ang kaya nyang gawin. Kaya .. " pabitin nyang sabi.

"Kaya? " I asked him

"Elle, ahmm please dont tell this to anyone. Ayokong malaman nila ito. Dahil nasa plano ko ito, alam kong may sasabihin silang plano bukas. Pero I have other plans. And doon kita kailangan Elle. Kaya please, don't tell these to them." he said.

"Sige! I promise! Pero make sure na magiging safe ako sa lahat ng ito." sabi ko.

"Of course Love! Hindi ko hahayaang masaktan ka ulit ni L." sagot nya.

"So ano nga yun?" I said.

"This is about the car accident. Gaya ng sinabi ni G, parang katawan daw ng lalaki ang nakuha nila doon diba?" he asked me.

"Oo, bakit kaya?" I just said

"It is because, Chloe was not there. Hindi katawan ni Chloe ang nasunog doon" sabi nya.

"You mean?" I was shocked.

"Yes Love, Chloe is alive. This is all part of my plan. I ask a cousin of mine na gawin ito. If you could still remember Denver?" sabi nito sa ako

"Yeah, kilala ko si Denver, ex sya ni Maddie. So nasaan sya ngayon?" I eagerly asked him

"She was residing on one of my cousins beach house. Hindi ko muna sasabihin ngayon kung saan talaga. I will take you there sometime. Para makita sya. Don't worry she was safe. We already talked kanina." he assured me.

"Thank you Caleb, thank you for saving her" I said and hug him .

"It is the least that I can do love. Kaya wag mo itong sabihin sa kanila. Para mapaniwala natin si L na we are in suffering from Chloe's death. I know bukas sasabihin ni Rollo na si Issa  ang next target. They have plans. But you and I have other plans. Together with Chloe and Denver. Kaya please love. Act naturally specially when you are around them okay? Wag mong hayaang magduda sila."

"Okay, I'll help you with this. Thank you Caleb. Thank you."

**END OF FLASHBACKS**

-----
AUTHOR's NOTE

Sorry hahaha. Gusto ko lang malinawan kayon sa naging usapan ni Caleb and Elle

I hope wala na akong utang sa inyo Hahaha.

Again, sorry sa typos.. Please bear with me Hahaha.

Salamat.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon