Thirty-Nine : Finale Part 2

492 25 8
                                    

Jax's POV

Habang tinitignan namin mula dito sa taas ang kasweetan ni Dale at Edward, di ko mapigilang mapangiti. Hindi rin kase biro ang pinagdaanan ni Dale. At lalong hindi rin biro ang pinagdanan ni Edward habang di sya pinapansin ni Dale. Halos isang buwan din yun. Para na nga akong nakiki-thirdwheel sa kanila ni babe. Paano ba naman halos ayaw na maghiwalay.

Nang walang anu-ano narinig kong nagsalita si Rollo,

"Nakakabitter na kayo ah! Ako lang walang partner dito. Hayp na yan!" natatawang sabi nito.

"Oh baby, you need company? Andito lang ako." sabi ni Zeke na inangkla ang braso sa mga braso ni Rollo.

"Di ka naman nag-iisa, bebe Rollo. Ikaw kaya ang kadate namin tonight" sabi naman ni Kayden at lumapit sa kabilang side ni Rollo at ginaya ang ginawa ni Zeke.

"Gusto mo ba ng kiss ko, baby Rollo? Come to mammmehhh!" sabay nguso ni Austin.

"Yuck! Yuck mga kadiri talaga kayo." sabay tayo ni Rollo at lumayo sa tatlo.

Bigla namang yumakap sa likod nito si Caleb at sinabing,

"Waley kayo mga beks, sa akin pa rin babagsak si Papa Rollo." sabay haplos ni Caleb sa dibdib nito

"Ano ba lubayan nyo ko! Yak yak! Ang sasagwa nyong maging bakla. Oyy Denver tulungan mo ko dito." sigaw ni Rollo

Agad naman na lumapit si Denver at kinalas ang pagkakayakap ni Caleb.

"Hays mabuti naman, di nyo nalason ang utak nito" sabay tapik kay Denver.

"What are you saying honey? Hahaha. Kinuha kita kay Caleb, dahil gusto ko akin ka lang. Ayoko ng may kaagaw". natatawang sabi ni Denver

"Mga hayopppp kayo! Wahhhh lubayan nyo ko! Oyyyy kayo pigilan nyo mga jowa nyo. Yaks. Nakkadiri talaga!" sigaw ni Rollo habang nagtatatakbo sya doon, hinahabol kase sya ng mga loko.

Halos mamatay matay naman sa tawa itong mga girls. Saan ka nga naman nakakita ng mga lalaking ke lalaki ng katawan tapos bakla.

"Bat di ka sumama sa kanila?" Zoey ask me

"Hahahaha. No need babe. Lalaki ako. At wala sa isip kong maging bakla." natatawang sagot ko.

"Sabihin mo KJ ka." she just smirked.

"Hahaha. No way babe. Di ako kj. May iba nga akong larong naiisip ehh." I said and wink at her.

"Gallo ahh! Umayos ka. Ayoko yang paganyan ganyan mo!" sabi nito.

"Bakit alam mo ba? " I tease her

"Di naman, pero iba yang tingin mo eh" sagot nito.

"Hay nako, tara na nga sa baba. Bulabugin natin ung love birds." sabi ni Maddie.

Nakita namin sina Dale at Edward na nakaupo sa tabi ng pool, ng walang anu-ano'y tinulak lang naman sila ni babe ko. Ibang klase talaga pagdating sa kalokohan.

Nagsigawan sila doon ng makitang hinalikan ni Dale si Edward.

"Mga baliw talaga" sabi ko at umiling.

Nagsitalon naman ang mag boys sa pool, pinili kong umupo sa gilid ng pool at tignan sila.

"May problema babe?" tapik ni Zoey sa akin at tumabi sa pagkakaupo ko

"I just missed you babe," sabi ko sa kanya

"Ewan ko talaga sayo Gallo." sabi nito na natatawa.

Hinila nya ang mga paa ko at bumagsak ako sa pool. Napaka talaga ng babaeng ito.

Tanging hiyawan, tawanan, katyawan lang naman ang naririnig mo mula sa amin sa pool.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon