Elle's POV
Nasa van na kami papuntang university. It was already 6:30am. Sabagay 15mins away lang naman ang university sa tinitirhan namin. 30 mins walking and 15mins on drive. Kundi lang talaga kami malilate, mas prefer namin maglakad. Lalo na pag umaga.
Sinilip ko si Zoey habang nagdadrive sya. Yes, kahit pasaway yan pagdating sa pagdadrive ingat na ingat yan. I still remember may nasabi sya na "Ayoko na makasakit ulit." Siguro it has something to do with her past. Well hindi naman sya nag-elaborate about doon. Siguro ayaw nya pag-usapan.
Sinilip ko naman itong mga katabi ko na kanina pa inis sa driver namin. Naalala ko tuloy ung scene nila kaninang umaga. Di ko tuloy mapigilan mapangiti. Napansin naman agad un ni Issa.
"Bruha, yung ngiti mo abot hanggang tenga, di pa rin maka-get-over huh?" sabi nya sakin.
Nagtawanan kami nina Zoey, Audy and Maddie.
"Kase naman, alam nyo ng first day natin magpapalate ba tayo? And tama lang ginawa ni Zoey, para magtanda kayo at magising ng maaga." ani Audy.
"Oy, beh! Yung ngiti, masagwa Hahaha! May binabalak ka na namang kahayupan? Hahaha" sabi ni Maddie
"Hahaha. Beware mga beshies! Ang mahuling magising bukas ng umaga. May surprise na naman sakin." si Zoey.
"No way dear sissy! Di mo na ko mabibiktima ulit. I swear!" sigaw ni Dale
"Yeah! Ako rin. Si Issa na lang. Tutal puyat naman lage yan sa kakanuod ng korean movies." ani Chloe.
"How dare you Chloe! Kala ko kakampi kita !!! 😭" si Issa
And we all laugh together. Ganito kami kakulit at kaingay. Well pagdating sa loob ng university, nagttransform kase kami Hahaha. Serious Mode On. Except kay Zoey na walang batas.
A few more minutes , we can now see the gate of our beloved university.
"I FOUND YOU UNIVERSITY"
Ganda ng pangalan ng university namin diba? Well may hidden story daw bakit ganyan ang pangalan nya. Soon malalaman nyo rin Hahahaha.
"Please be good sa huling taon namin sa university.🙏" I silently uttered.
------
Chloe's POVWe are now heading at the university gymnasium. Doon ginagawa every year ang welcome ceremony for freshmens and transferees. Nauna na kami kina Zoey at Maddie. At maghahanap pa sila ng pwesto kung san sila pwedeng magpark ng sasakyan. Medyo punuuan ang parking lot ng university ngayon.
Pumasok na kami sa gym at humanap ng mauupuan. Ito ang kagandahan sa university na ito, walang course barrier. Meaning kahit san ka umupo at sino katabi mo. Walang pakialamanan. Umupo kami sa bandang unahan. We left 2 sits vacants para doon sa dalawa. Habang naghihintay kami, wala rin sawa sa kadaldalan itong mga kasama ko. Pinagkukwentuhan lang naman nila ung ginawa ni Zoey sa'min kanina. At infairness, ayoko na maulit yun, ibang klaseng mamprank ang babaeng yun.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na igala ang mga mata ko sa loob ng gymnasium. May isang unfamiliar group ang naka-caught ng atensyon ko. Nakaupo sila sa kabilang side ng gym, pero kitang-kita mo na outstanding sila. Bukod kase sa mukha silang mga foreigners ay mukhang transferees din sila.
Habang tinitignan ko sila, one of them wave and wink at me. Inismiran ko naman sya at inisnob! Wag nya ko simulan. Naku!
"Oh anong mukha yan besh?" tanong ni Dale.
"Naku wala! May mga tao lang talagang assumming at ma-feeling."sabi ko naman
"Hala! besh, look at them! Kamukha nya ung korean actor na crush ko!" si Issa, sabay nguso sa kasama nung lalaking kumindat lang naman. Paka-maniac talaga.!
"Umayos ka nga besh! First day na first day eh! Wag mo simulan ahh!" sabi ko.
Tawanan naman sila.
"Hay, buti naman nakita namin kayo! Andaming tao." sabi ni Maddie.
"At marami ring hinayupak na animal na pakalat kalat sa university natin", sabi naman ni Zoey.
"Oh ano meron dyan? Bat mainit ang ulo?", si Dale
"Hahaha, nakakakilig nga eh. Ay basta mamaya mga beshies. Ikukuwento ko ung ipinuputok ng bumbunan neto." sabi ni Maddie
"Hay, maging maayos sana ang huling taon namin."
---
Maddie's POVHanggang ngayon di pa rin ako makaget-over sa ginawa ni Zoey kanina doon sa tatlo Hahaha. Walangyang babae. Sa kalokohan talaga ito magaling eh.
FLASHBACK
Nauna nyang pinasok ng kwarto ni Dale. Dala-dala yung asin at calamansi. Sinundan ko naman sya para makita ung gagawin nya at maivideo na rin Hahaha.
Victim #1 : DALE
Dahan-dahan nyang piniga ung kalamansi sa bibig ni Dale, tapos nilagyan nya ng asin. Siguro nalasahan naman nito ung asim at alat kaya kumibot ung bibig nya. Pinatakan ulit ni Zoey ng katas ng kalamansi. Take note pati buto kasama. Naramdaman naman ni Mary na may laman ung bibig nya. Pero wapakels pa rin.
"Ay ayaw mo talaga ahh. Hahaha" sabi ni Zoey.
Binudburan nya ng asin ang mukha ni Dale hanggang sa leeg at pinatakan ng dalawang calamansi ang bibig nito. Nagising naman si Dale na kinakain ung buto ng kalamansi. Asim na asim ung pagmumukha nya. Ikaw ba naman ang pigaan ng 3 pirasong kalamansi sa bibig. Tapos makati pa mukha mo dahil sa asin. ewan ko na lang Hahaha.
#Victim #2 - ISSA
Kwarto naman ni Issa ang pinasok namin. This time kasama na namin si Dale at Elle.
Pumwesto lang naman si Zoey sa paanan ni Issa na dala dala ung kapeng mainit.
Dahan dahan nyang binuhos ung kape sa paa ni Issa. Dahil sa init, bigla itong napatayo. Tapos sumigaw si Zoey ng ,
"Wahhhh si ****** Anjan sa labas.! tara papicture tayo dali."
Biglang tayo ni Issa, bitbit yung dvd ata un. Eh dahil kagigising lang. Ayun bangag pa, sumubsob po sya sa carpet ng kwarto nya. Hahaha. Basta pagdating sa korean actor na crush nya. Kahit walang mumug-mumog. Gora lang Hahha.
Last Victim - Si CHLOE
Dala-dala ni Zoey ung lalagyan ng ice cube. At mukhang alam ko na gagawin nito. Isa isa nyang inipit ung ice cube sa mga pagitan ng daliri ng paa at kamay ni Chloe.
Wala pang isang minuto, nagtatatalon na si Chloe sa sobrang lamig Hahaha. Kase naman pati sa kili-kili at leeg nilagyan ni Zoey. Oh di nagising sya.
--End of FLASHBACk--
Pero gaya nga ng sabi ni Chloe "Karma is digital" Hahaha.
Magkasama kami ni Zoey na naglalakad papuntang gymnasium. Katatapos lang namin makapagpark. Nang biglang may humablot lang naman sa kamay nya at sinabing
"I swear! Magiging akin ka!" sabay halik! Hahaha. Laughtrip putek!! Lips to lips un Hahaha.
Sa bilis ng reflexes ng kaibigan namin agad na nasuntok nya ung lalaki at sinabing "HOW DARE YOU! NI HINDI NGA KITA KILALA! TAPOS MANGHAHALIK KANG HAYOP KA! T*NG-*N*! I'LL MAKE YOUR STAY HERE FEELS LIKE HELL!" sigaw nya
"Whatever babe! I swear! You will be mine AGAIN soon!" sabi ni Mr.Stranger
And then the guy left. Hahaha. First day na first day mukhang may badtrip. Pero, kinilig ako ng bongga! Grabe sa pahalik si kuyang stranger. Hahaha
"Ewwww!!! Kadiri talaga. Kadiri. Kadiri" sigaw naman ni Zoey.
Tinawanan ko na lang sya at isang sapok ang natanggap ko mula sa kanya. Nakita ko ang mahigawang ngiti sa mukha nya. Oh! Danger Alert! Danger Alert!
"Wag naman po sana maging disaster ang last year namin dito."
---
Authors note :
Slowly editing po. Sorry.
BINABASA MO ANG
STOLEN MEMORIES
FanficAng storya pong ito ay inaalay ko sa mga KA-SQUAD ko! Alam nyo na kung sino kayo. Kung wala kayo wala rin ang storyang ito. Kaya salamat. Highest Rankings : #7 - #Mayward #8 - #sacrifices Salamat po sa lahat ng nagvovote... 😘😘