Rollo's POV
Umiiyak pa rin si G hanggang ngayon, dinala ko na sya rito sa hideout namin. Ang akala ko kakalma na sya pero hindi patuloy pa rin sya sa iyak nito.
Sa totoo lang di ko na kelangan magtanong kung ano ang nangyare, dahil simula pa lang alam ko na. Nandoon ako simula magsimula silang mag-usap. At alam ko rin na walang nararamdaman si G para sa akin.
Simula pa lang, wala talaga syang feelings para sa akin. Pero para sa akin okay lang. Gusto ko lang syang protektahan kay L. Masaya ako dahil nagkausap na sila ni Denver, pero di ko akalain na ikakaila nito ang totoong nararamdaman nya.
"Bakit ganun? Bakit kung kelan magulo ang lahat, bakit ngayon pa?" she kept on asking
Nilapitan ko sya at hinawakan ang mukha nito, "G, ang pag-ibig sadyang magulo. Kung kelan di mo inaasahan saka naman darating. Alam kong mahal mo sya. Di mo dapat saktan ang sarili mo ng ganito. Kung mahal mo sya gawin mo ang tama. Huwag mong pahirapan ang sarili mo, at sya."
"Pero Rollo, gusto kita" diretsong sagot nito
"Gusto rin kita G, teka hindi. Hindi kita gusto, kase mahal kita. Pero magkaiba ang mahal sa gusto G. Gusto mo lang ako, dahil ako ang naging sandalan mo. Simula pa man, alam kong si Denver pa rin kahit nasaktan ka nya noon. Don't get confused with the word LIKE and LOVE." sabi ko
"Listen G, pag GUSTO maraming pwedeng isagot kapag tinanong ka ng bakit. Pero kapag mahal, wala ng ibang dahilan, mahal mo eh. At alam ko na hindi ka sasaya sa akin, dahil hindi ako ang tinitibok nyang puso mo. Pakinggan mo ang puso mo Maddisson, kung gusto mong maging masaya. Just learn to accept everything, and forget all bad memories and start anew." dagdag ko.
Niyakap lang ako ni G napatuloy pa rin sa pag-iyak. Nang biglang tumunog ang cellphone ko, lumayo naman si G sa akin. Si L pala ang tumatawag, bakit kaya? Agad ko naman itong sinagot para hindi sya maghinala. Medyo natagalan anng pag-uusap namin ni L, kaya ng silipin ko si G ay nakita ko syang nakatulog na sa sofa.
Muli kong hinaplos ang mukha nya at bumulong "Ibibigay ko sayo ang taong makakapagpasaya sayo, pero bago yun ipapadama ko muna sayo kung gaano kita kamahal. Bukas, bukas magiging masaya ka na. Pangako."
Tinext ko na lang si Dale, para puntahan sya rito. Pupuntahan ko yung taong yun, ang taong magpapasaya sa taong mahal ko.
Isang huling sulyap at isang halik sa noo, ay tuluyan na akong lumabas sa pintong iyon.
Kinabukasan ..
Maaga kong sinundo si Maddie sa tinitirhan nila, nakausap ko na rin ang mga kaibigan namin. Noong una ay nagalit sila, pero ng sinabi kong buo na ang desisyon ko ay wala na rin silang magawa. Kinausap ko rin sila na tanggapin ang paliwanag ni Denver, alang alang na rin kay Maddie at sa pagkakaibigan namin lahat.
"Saan tayo Rollo?" tanong nya ng makasakay na kami sa kotse ko.
Tinignan ko lang sya at ningitian sabay sabing "Basta Maddie, ienjoy na lang atin ang araw na ito okay?"
Halos 3 hours rin ang byahe namin bago kami nakarating sa pupuntahan namin. Nang makababa kami ng sasakyan ay agad kong nilagyan ng piring ang mga mata nya, gusto ko syang isurprise.
"Just follow my lead G huh. Malapit lang naman ang lalakarin natin." sabi ko.
Agad ko naman syang iginiya papunta sa lugar na iyon, nang makarating kami sa gitna ay sinabihan ko syang alisin na ang piring nito. Halos mapasigaw sya sa nakita nito.
BINABASA MO ANG
STOLEN MEMORIES
FanfictionAng storya pong ito ay inaalay ko sa mga KA-SQUAD ko! Alam nyo na kung sino kayo. Kung wala kayo wala rin ang storyang ito. Kaya salamat. Highest Rankings : #7 - #Mayward #8 - #sacrifices Salamat po sa lahat ng nagvovote... 😘😘