Kayden's POV
Nandito pa rin kami sa university ngayon. Katatapos lang ng klase. Ngayon na rin sisimulan ang plano. Di ko lang talaga alam kung uubra ito. Kelangan namin mapaniwala si L na wala pa rin maalala ang mga girls. In short, kunyare liligawan namin ung mga girls kahit wala silang maalala. Ewan ko ba sa naisip ni G. Eh mukhang lalo lang namin gagalitin si L neto. Pero sabi nga ni Rollo, it is more fun kung may thrill.
Pero deep inside, hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung di kami magtagumpay? Ays! Don't think of negative things Kayden! Kelangan ko protektahan si Issa kahit anong mangyari, sabi ko sa sarili ko.
Naglakad na ako papunta sa dance studio, alam ko naroon na si Issa. Dahil may university event na papalapit, puspusan din ung pagpapapraktis, kaya kahit gusto nila magluksa sa pagkawala ni Ana, di nila magawa. And I am amazed on how they handle their emotions and actions inside the university. Pag nasa labas kase kabaligtaran ang pinapakita nila.
Nang makarating ako sa studio, nakita kong nasa harap na si Issa at nagsasalita. She was talking about what are we going to dance.
"Halos nasayaw na natin lahat Issa, isa na lang hindi", sabi ng isang member
"Ano yun?", she asked
"Intimate Dancing." the member answered
"Hahaha. Hindi kaya tayo maexpel kapag nag-intimate dancing tayo?" sabi nito
"Oh well, yun na lang ang choice natin Issa, should we tell the dean about our choreo?" one of them said
"Hmm. It's no need to tell the dean. The last time we talked she just said "SURPRISE ME", she said again
"Edi yun na nga. Intimate dancing na" sigaw ng iba
"Okay! Shoot! Tutal majority of you gusto yun. But we have to start practicing na. We only have less than a month. Let us start by choosing your partners." she said again
"May I suggest something," sabi nung isa, nakita ko naman na tumango si Issa.
"Baka pwede ikaw Issa at si Kayden na lang magpartner. You look good together." tiningnan ako nang mga members
I slightly smiled and said "It's my pleasure to be your partner Miss Dance Goddess" I teased her.
She just raised her eyebrows, huh. I am liking this scene.
-------
ISSA's POVWalanghiyang lalaking ito! Maka- Dance Goddess! Tapos yung ngiti pa nya nakakaloko! Peste talaga. Humanda talaga sya sa akin mamaya.
"Oh sure Mr. Navarro, but please mag-ensayo kang mabuti, ayoko ng hindi nakakasundo sa sakin." I look at him
"Sure Issa, this will be fun" he said and I him smirk. Kabaliwan talaga ng bwisit na ito.
Marami pa kaming napag-usapan about sa gagawing choreo ng sayaw namin. At madalas kami asarin ni Kayden, kase naman itong hinayupak na lalaking ito. Grabe kung magpakilig, gaya na lang kanina. We girls decided na itry ung mga ibang choreos na napapanuod sa youtube, nang biglang lumapit si Kqyden sa amin at sinabing
"Issa, do you know this one?" pinakita nya sa amin yung video. WTH! Kayden not this one!! sabi ko sa utak ko. Masasakal talaga kita mamaya.
"Uy mukhang maganda ito Issa, try nyo kaya ni Kayden. Mukhang alam mo naman ata steps nito, eh ikaw Kayden? Alam mo ba ito?" si Jean, isa sa mga friends ko dito.
"Yeah, I know that, how about you Issa?" he ask me
"Ah, oo pero mukhang di ata bagay sa atin yun." sabi ko
"Chill Issa, itatry lang natin. If hindi maganda hanap tayo iba. Pwesto na kayo doon sa gitna, para makita namin lahat. I'll play the song okay." sabi ni Jean
Sabay kaming naglakad ni Kayden papunta sa gitna, tinignan ko sya ng masama. Parang sinasabi ko na "Humanda ka sa akin Kayden".
Tinignan nya lang ako at ngumiti sya ng nakakaloko. Lumapit sya ng konti sa may tenga ko at bumulong "Remember this dance Issa hahaha."
Nakakagigil talaga sya! Oo alam na alam ko yung sayaw na yun. Sinayaw din namin kase yun noon, grabehan ang sayaw na ito. Nakaka-ano! ay basta! Nang biglang magsalita si Jean at sinabing ready na daw.
Oh well panuorin nyo na lang ung video, imagine me and Kayden na sinasayaw ito.
Halos mabingi ako sa sigawan,palakpakan at tilian ng mga kasama namin. For me, napaka-wild kase ng sayaw na ito. Ewan ko ba kay Kayden, at naisip ito sayawin dito, no choice naman ako. Baka sabihin nag-iinarte ako.
After namin magsayaw ay pareho kaming hinihingal at pawis na pawis. Agad na kumuha ito ng towel at tubig. Binigay nya sa akin ang isang towel at bottled water.
Lalo tuloy naghiyawan ang mga kasama namin. Kilig na kilig naman ung iba. Tinignan ko si Kayden, nahuli ko naman syang nakatitig sa akin, bwusit na lalaki! Bakit ang gwapo nya kahit pawisan sya? Ngumiti sya, di ko naman napigilan ang sarili ko na mapangiti rin sa kanya.
Nagpatuloy lang sila sa pang-aasar sa amin. Pag kumukontra ako sinasabihan nila akong DEFENSIVE, pag di ako nagrereact ADMITTED na daw. Ibang klase rin talaga mga kasama namin.
Pero mas lalao ako nagulat ng bigla na lang sabihin ni Kayden na "Anyway Issa, from now on I'll officially court you. This is not a question. It is a proclamation. Kase baka pag tinanong kita, hindi mo ako papayagan kaya ako na magdedecide."
Walanjong lalaki! Halos malaglag ako sa inuupuan ko sa gulat. Muli na naman naghiyawan ang mga kasama namin,
"Oh ano Issa? Speechless ka?" sabi ni Jean
"Shut Up Jean! And for you Kayden, eto lang sasabibin ko. Kelangan mo galingan. Di mo ako madaling mapapasagot." sabi ko.
"All right guys. Enough of this. Medyo late na, let's all meet again tomorrow simulan natin ung choreo." I said at isa-isa na silang nagready para umuwi.
Narinig ko naman ang sinabi ni Josh kay Kayden "Pre, galingan mo sa panliligaw kay Issa wala pa nagiging boyfriend yan."
"Oh Issa, mauna na ako sa inyo huh? Nandyan naman si Kayden. Sagutin mo na yan girl. Bagay kayo," sabi ni Jean
"Da Ef Jean! Umuwi ka nga!" sabi ko sa kanya.
Naiwan kami ni Kayden, sa studio. Maya-maya pa ay lumabas na kami. Naglalakad kami papuntang parking lot ng makasalubong namin si L na masama ang tingin sa amin.
Bigla naman ako kinabahan. Grabe naisip ko na naman ung balak nya. Nakakatakot talaga.
-----
Author's NoteKayden - Issa muna tayo 😉😉
Sino kaya susunod ?
BINABASA MO ANG
STOLEN MEMORIES
FanfictionAng storya pong ito ay inaalay ko sa mga KA-SQUAD ko! Alam nyo na kung sino kayo. Kung wala kayo wala rin ang storyang ito. Kaya salamat. Highest Rankings : #7 - #Mayward #8 - #sacrifices Salamat po sa lahat ng nagvovote... 😘😘