Eleven - THE NEXT TARGET

506 34 16
                                    

Elle's POV

Di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon, patuloy pa rin akong umiiyak. Kasama ko si Maddie ngayon, kaming dalawa na lang ang sumama dito sa morgue,kung saan dinala ang katawan ni Chloe. Naiwan na yung iba doon sa tinitirhan namin. Naguguluhan ako sa totoo lang, bakit magkasama si Jax at Zoey? Eh alam ko naman na hindi sila okay?

At bakit naman ganun ung text ni Zoey kanina na, wag kami aalis sa tabi ng mga boys. Lihim kong tinignan si Caleb at Zeke. Nakikita ko ang paghihingapis ni Zeke, kitang kita ko kung paanong magwala sya ng kumpirmahin namin na kay Chloe nga ang katawan na yun. Nararamdaman ko na sobrang naapektuhan sya ng pagkawala ni Chloe.

Lalo na sa amin, sobrang sakit nito! Sa limang taon naming magkakasama, para na kaming magkakapatid. Masakit tanggapin ang katotohonan. Muli na namang nag-unahan sa pagpatak ang luha ko. Nang bigla ako lapitan ni Caleb.

"Elle, pwede ba kita makausap?" sabi nya

Tumayo ako, at nagpunas ng luha. Iniwan namin si Maddie at Zeke na nag-uusap, patuloy pa rin sila sa pag-iyak. Nang kami na lamang ni Caleb ang magkaharap, tinanong ko sya.

"Ano yun?" sabi ko

"Sorry, Elle! Sana mapatawad mo ko! Sana pag nalaman mo ang buong katotohonan maibalik pa rin natin ang dati", sabi nya.

"Ano? Bakit, ikaw ba ang may gawa ng pagkawala ni Chloe?" asik ko sa kanya.

"Hindi, hindi ako Elle. Sa ngayon, gusto kong makipagtulungan ka sa akin. Gusto kong malaman mo ang lahat ng alam ko. Gusto ko ng matapos ito. Ayoko na ng ganito. Hindi na kaya ng konsensya ko." sagot nya.

"Anong ibig mo sabihin?", tugon ko

"Hindi dito Elle, alam ko may taong nagmamasid sa atin. Makinig ka, may dumating pa bang package ng gamot sa inyo ngayon?" tanong nya.

"Actually, oo? Pero bat alam mo tungkol dun?" nalilitong sagot ko.

"Ganito ba? Ang gamot na yun?" sya.

May inilagay sa kamay ko, nang silipin ko kung ano yun, nakita ko na katulad yun ng gamot na iniinom namin. Pero bakit alam nya?

"Bakit mo alam ito Caleb? Lalo akong naguguluhan.", naiiling na sagot ko.

"Mas maganda kung pag-usapan nya itong magkakaibigan. Pero wag sa bahay na tinutuluyan nyo. May lihim na nagmamasid sa inyo doon," patuloy na sabi nya.

Niyakap ako ni Caleb at binulungan na lalong nagpaiyak sa akin.

"Wag ka mag-alala. Magiging okay lang din ang lahat. Sisiguruhin kong magtatagumpay tayo sa lahat ng ito."

------
Maddie's POV

Nandito pa rin kami sa morgue, ang sabi kanina ng mga investigators ay may ichecheck sila sa katawan ni Chloe, para daw kaseng hindi built ng babae ang katawan na nakuha sa sasakyan.

"Kayo po ba ung may kakilala sa biktima?" sabi ng isang lalaking lumabas sa pintuan na nas harap namin ni Zeke.

"Opo, kami nga po." halos magkasabay na sagot namin.

"Sa tingin ko mas makakabuti kung uuwi muna kayo, medyo matatagalan ang ginagawang examination sa bangkay. Para kaseng may mali" sabi ng lalaki.

"Possible po kaya na ibang tao yang nasa loob?" tanong ni Zeke.

"May chance na tama ang hinala mo, pero sisiguruhin muna namin. Pero kelangan handa pa rin kayo sa pwedeng kalabasan ng lahat. Oh sige, babalik na ako sa loob. Tatawagan na lang namin kayo." sabi nya.

Napaisip naman ako sa sinabing yun ng lalaki.
Siguro ito na ang tamang panahon. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtext, pagkatapos nun ay inaya ko na ang mga kasama ko.

"Elle besh, Zeke and Caleb, kelangan natin mag-usap. Nagtext sila may pag-uusapan daw tayong importante." sabi ko.

"So saan tayo besh?" tanong ni Elle.

"Sundan nyo na lang ako" sabi ko.

Sumakay na kami sa van na sinakyan nila kanina. Kinuha ko susi kay Caleb at ako na ang nagdrive. Papunta sa lugar na iyon.

-----
Dale's POV

Nandito kami ngayon sa iisang sasakyan, di ko alam kung bakit bigla bigla na lang nagdesisyon ang mga lalaking ito na umalis. Nakakapagtaka nga na hindi nila kami iniwan. Hilam man kami sa luha dahil sa nangyari kay Chloe, naniniwala ako na matatapos din ang lahat ng ito. Sana lang talaga maalala ko na ang lahat. Minsan kasi may parte ng utak ko ang nakakaalala. Tapos bigla ko rin nakakalimutan. Di ko alam kung bakit. Hindi pa rin kami mapakali, napakasakit sa amin ang mawalan ng isang kaibigan. Lalo na at parang kapatid na namin sya.

"Mhie, matulog ka muna. Malayo pa ang iba-byahe natin." sabi ni Edward.

"Anong sabi mo? Mhie?" sabi ko.

"Oo Mhie! Yun naman talaga ang tawag ko sayo noon pa." sagot nya.

"Edward, bakit ganun? May parte ng buhay ko ang kulang. Bakit di ko maalala lahat." malungkot na tanong ko.

"Malalaman mo ang mga sagot mamaya Mhie. Makinig ka, kung ano man ang malalaman mo mamaya kayanin mo. Wag ka mag-alala mhie, lalabanan natin lahat ng pagsubok na ito. Hindi na ako papayag na may mawala pa sa atin." hinawakan nya ang kamay ko at marahang pinisil.

"Wag mo ko iiwan Dong, please!" nasabi ko na lang.

"Wag ka mag-alala Mhie. Di kita iiwan. Promise yan. Sige na matulog ka na muna dyan.", sabi nya.

"Dong, namiss kita." bigla kong naibulalas sa kanya.

"Namiss din kita mhie. Sige na magpahinga ka na muna." sabi nya.

Agad kong isinandal ang ulo ko sa upuan ng sasakyan at ipinikit ang mga mata ko. Pinilit kong makatulog para kahit paano ay may lakas ako mamaya. Mukhang hindi magiging madali ang mga mangyayari mamaya.

----
L's POV

TARGET #1 : CHLOE - DEAD

Tinignan ko ang larawan ng mga babaeng un. Nilagyan ko ng ekis ang mukha ni Chloe. Sunod kong tinignan ang mukha ng babaeng kasunod ng larawan nito. I smirked. Ikaw na ang susunod!

TARGET #2: ISSA

Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko ng makita ko kung paano maglupasay sa iyak si Dale at Zoey. Ganyan nga, umiyak kayong dalawa.

Sulitin nyo na ang panahong makakasama nyo si Edward at Jax. Dahil di na rin magtatagal yan. Iisa-isahin ko kayo. Para tuluyan na kayong mawala sa landas ko. Kinuha nyo ang lahat sa akin noon. Pwes kukunin ko rin ang lahat sa inyo ngayon.

Nang makita kong nasusunog ang kotseng sinakyan ni Chloe kanina alam kong yun na ang magiging katapusan nya. Medyo nagulat lang ako kase napaaga ng konti ang pagsabog ng kotse kesa inaasahan. Pero ayos lang, atleast nawala na sa landas ko ang isa sa kanila.

"1 down, 6 to go" sabi ko.

Napakadali lang nila lokohin. Halos limang taon ko rin silang naloko. Mas madali na ngayon, kung akala ng mga boys na maiisahan nila ako. Pwes nagkakamali sila. Hawak ko lahat ng alas laban sa kanila.

"Ano na naman kaya ang gagawin ko kay Issa?" napangiti ako sa mga naiisip ko.

I swear sa gagawin ko kay Issa. Luluhod na kayong lahat sa akin. I laugh alone.

Malapit na ate. Malapit na matapos ang paghihiganti ko. Makakaganti na tayo sa kanilang lahat. usal ko sa utak ko.

-------
AUTHOR'S POV

Abangan sa susunod na update.

Masasagot na nga ba ng tuluyan ang mga tanong na :

*Sino si G?

* Sino si L?

*Ano nga ba nangyari 5years ago?

*Anong koneksyon ni Caleb sa lahat?

Salamat po sa pagbabasa.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon