Thirty-Four : MISUNDERSTANDING

370 29 13
                                    

Zoey's POV


Nakaupo kami ngayon sa harap ng dean namin, nag-iisip ng gagawin para mailigtas ang mga kaibigan namin. Pinapunta nya kami rito nang malaman nyang na kay L na sina Audrey, Brielle and Issabella. Walang umiimik sa amin, tanging mga buntung hininga at mga hikbi ang maririnig. 


Tinignan ko sila isa-isa, si Maru at Austin magkasama. Pulang-pula ang mata ni Austin,dahil sa kakaiyak. Ganun din si Caleb at Kayden. Si Denver at Maddie na magkatabi sa upuan,kita rin sa mata ni Maddie ang lungkot. Ganun din si Dale na kanina pa umiiyak, mabuti na lang at laging nakasuporta si Edward sa kanya.

Tumayo ako at nagpunta sa mini terrace ng office ng dean namin, Agad na sinundan naman ako ni Jax.

"You're still the Zoey that I've known." he said

"What do you mean?" I asked him

"You never let anyone see your emotions. How can you be so tough at times likes this?" he ask again.

Pero di ko sya sinagot, isang buntung hininga ang pinakawalan ko at tumingin sa langit.

Please, Lord. Kakayanin ko lahat. Huwag mo lang pabayaan mga kaibigan ko.

"Si Dale at Maddie halos magbreak down na. But you? Wala kahit isang luha. You're so calm." he said again.

"Kung iiyak ba ako, maililigtas ko sila? Kung maglulupasay ba ako dito, maibabalik ko ang buhay ni Chloe? Hindi di ba? I know my friends. Attached na kami sa isa't isa. Kaya I have to be strong for them. Kase kung lahat kami magbibreakdown, walang mangyayare. Gustung-gusto kong umiyak sa mga oras na ito, gusto kong magwala, gusto kong sugurin si L. Pero di ko ginawa, kase kung iiyak lang ako wala akong maiisip na paraan para mailigtas sila ng buhay. Sa mga oras na ito ang pag-iyak ang huling bagay na naiisip ko. Pero hindi ibig sabihin nun manhid ako." sagot ko. Ilang lunok ang ginawa ko para pigilan ang pagpiyok ng boses ko.

"Nahihirapan din ako, sobrang sakit para sa akin na nadadamay kayo. Kung pwede lang na ako na lang wag na sila,gagawin ko. Pero alam ko imposible yun dahil iba mag-isip si L. Kaya kung nakikita mo kong ganito, wag ka na magtaka. Kase iniisip ko ang lahat ng paraan para lang mailigtas kayong lahat. Lalo na ikaw, ayokong mapunta ka kay L. Kahit ikamatay ko, hinding-hindi kita ibibigay. Alam ko ganun din si Dale kay Edward." sabi ko at humarap ako sa kanya ng nakangiti, para itago ang takot at lungkot na nararamdaman ko.

"Babe,walang mamamatay at kailanman di ako papayag na mapunta sa baliw na babaeng yun." sabi nito.

Pagkatapos namin magusap ay pumasok na kami ulit sa office ng dean, saktong papaupo pa lang kami ay biglang nagsalita si Austin,

"Ano ganito na lang ba tayo? Wala ba tayong gagawin para iligtas sila. Hindi natin alam kung ano na ang ginawa ni L" sabi nito.

"Kaya nga nandito tayo para mag-isip bro," tapik ni Zeke.

Tumayo si Austin, at naglakad ng pabalik-balik,

"Bro, umupo ka nga nahihilo kami sayo, try mo muna magrelax hindi makakatulong kung magulo ang isip natin" sabi ni Edward

"Relax? Palibhasa kase hindi ikaw ang nawalan. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin na wala man lang akong nagawa para kay Audy, kung tutuusin wala naman kaming kasalanan kay L. Pero bakit kami nadadamay." Sigaw nito

"Tama si Austin, bakit kelangan namin madamay sa gulo na ito, in the first place si Zoey at Dale lang naman ang kailangan nya."si Kayden

"So what do you mean, kasalanan nila?" nakatayo na si Jax

"Bakit hindi ba? Kung hindi ba napatay ni Zoey noon ang kapatid ni L, palagay nyo maghihiganti sya ng ganito? Hindi di ba? Triggered sya dahil sa pagkamatay ng ate, na kasalanan nya." sabay turo sa akin ni Kayden

"At ikaw Dale, hindi ba? Close kayo dati nyang si Lucienne? Alam mo rin na may gusto sya kay Edward pero mas pinili mo pa rin saktan si L, kesa damayan sya. Naging totoo ka bang kaibigan kay L noon, o ginamit mo lang sya para makalapit kay Edward.?" sabi nito uli. .

"Hindi,hindi totoo yan. Oo kaibigan ko si L, at oo alam kong may gusto sya kay Edward. Iniwasan ko naman ang nararamdaman ko, pero di ko napigilan. Isa pa, nag-usap kami ni L noon, at buong akala ko ay tanggap na nya ang lahat." sabi ni Dale na umiiyak.

"Akala mo lang yun Dale. Now tell us, bakit kelangan madamay kami sa gulo nyong apat laban kay L? Sana kayo na lang ang nandoon, sana kayo na lang ipalit sa kanila. Mabaliw baliw na ako kakaisip kung ok lang ba sila o hindi." sabi Austin

"Tama si Austin, or much better kundi na lang sana namin kayo nakilala. Kundi dahil sa inyo masaya sana kami ngayon, hindi yung ganito. Natatakot kami sa pwedeng gawin ni L para sa mga mahal namin." sabi ni Kayden.

"Akala nyo ba madali lang sa amin ito? Hindi, hindi kailanman naging madali. Akala nyo ba hindi kami natatakot para sa mga kaibigan namin? Nagkakamali kayo, hindi nyo alam ang nararamdaman ko. At oo siguro nga mali na nakilala nyo kami, mali rin siguro na maging kaibigan ko sila. Pero para sabihin ko sa inyo, kaya kong isakripisyo ang buhay ko maibalik lang ng ligtas at buhay ang mga kaibigan ko. Siguro tama ka rin Austin hindi ako naging mabuting kaibigan kay L, pero hindi ako nagsisisi na minahal ko si Edward at pinaglaban ko sya. Dahil simula pa lang alam ko sa sarili kong si Edward lang ang kukompleto ng buhay ko. Hindi ko ginamit si L, tunay ang pagkakaibigan na pinakita ko sa kanya. Pero sadyang hindi sya ang mahal ni Edward. Sorry ah. Sorry dahil nakilala nyo pa ako. Sorry dahil sa akin nasasaktan kayo, wag kayong mag-alala ibabalik ko sila ng buhay dito" umiiyak na sabi ni Dale, at pagkatapos ay patakbo syang lumabas ng office. Agad naman syang sinundan ni Edward.

Tag-isang sampal ang binigay ko kay Austin at Kayden, agad na pinigilan ako ni Maddie at Caleb. Si Zeke naman hawak hawak si Jax.

"Hindi ako makapaniwalang sa inyo manggagaling ang mga salitang yan Kayden, Austin. Higit kanino man kami ang nasasaktan ng sobra dahil sinisisi namin ang mga sarili namin sa mga pangyayari. Akala nyo ba madali? Hindi. Kase nakikita namin kayong naghihirap. At oo, ako nga ang nakapatay sa kapatid nina L, pero hindi ko kasalanan yun. Dahil kundi ko gagawin yun si Dale ang papatayin nya. Nagmahal lang naman kami eh, ano bang mali doon? At para sabihin ko sa inyo, kailanman hindi ko pinagsisihan ang makilala kayo. Dahil ang makilala kayo ay isa sa mga magagandang bagay na nangyare sa buhay ko. Ang sakit lang na sabihin nyo sa amin ito ng ganito, alam ko nasasaktan din kayo at nahihirapan ganun din kami. Sobrang sakit." at tuluyan na akong naiyak. Bumitaw ako sa pagkakahawak nina Maddie at Caleb at lumabas na ako para sundan sina Dale.

Isang mainit na yakap ang ginawa ni Jax sa akin. Hindi ko akalain na may ganung hinanakit pala sila sa amin.

"Babe, hanapin natin si Dale. Ayokong bumalik sya sa dati. Ayoko ng makita siya na halos patayin ang sarili. Please." sabi ko.

"Shhhh. Stop crying babe. Sasamahn kita. Tara " sabi ni Jax.

At naglakad na kami para hanapin sila.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A/N :

shit! Anong nangyare?

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon