Austin's POV
Halos 30 mins na naming hinihintay si Audy, pero hanggang ngayon wala pa rin sya. Parang may pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari. Agad akong tumayo na ikinagulat nila.
"Saan ka punta Austin?" tanong ni Elle
"Hahanapin si Audy. Dapat kanina pa sya nandito, 30mins na pero wala pa sya." sabi ko.
"Nagtext ka na ba sa kanya?" si Zoey
"Oo kanina pa, pero di man sya nagrereply", sagot ko
"Teka tatawagan ko nga ang babaeng yun," sabi ni Maddie at pinindot ang cellphone nya
"Huh? Bat ganun? Never naman nagsilent ng phone si Audy, bakit di sya sumasagot?" takabg tanong nito.
"Faster mine, maghiwa-hiwalay na tayo. Open your phone's gps. Para matrack natin isa't isa. I'll go with Maddie, Issa, Kayden, Austin at Zeke sama-sama kayo. Dale, Edward, Zoey at Jax kayo naman magsama-sama. Elle at Caleb sumama kayo samin." sabi ni Denver.
Nagsimula na kaming hanapin si Audy. Kasama sina Issa,Kayden at Zeke nauna kaming nagpunta sa room nila Audy pero nakaalis na daw ito kaninang matapos ang klase nila. Kakatawag lang din nina Zoey at wala raw ito sa quarters nya.
Mas lalong dumoble ang takot at kabang nararamdaman ko. Wag naman sana si Audrey ang isunod ni L. Baka di ko kayanin.
"Bro, punta tayo sa bahay nila baka nandun sya", sabi ni Kayden.
Pagkasakay namin sa sasakyan ay agad na pinaandar ito ni Zeke. Tinawagan naman ni Issa ang iba namin kasama, para sabihing sa bahay ni Audy kami pupunta.
Nang makarating kami sa bahay ay agad na naghiwa-hiwalay kami para hanapin sya. Nang walang anu-ano ay bigla kaming nakarinig ng malakas na sigaw na galing sa likod. Nagsitakbuhan kami patungo roon.
At laking gulat namin ng makita namin si Issa na hawak ng mga lalaking nakaitim. Marami sila at kung lalaban kaming tatlo baka mapatay nila kami.
"please, ako na lang kunin nyo. Wag si Issa." pakiusap ni Kayden
"Hindi ikaw ang kailangan namin." sigaw ng isa.
"Subukan mong lumapit, ipuputok ko itong baril sa ulo ng babaeng ito. Huwag kayong mag-alala, makakasama nya rin ang isang kaibigan nyo." sabi nya ulit at pinaputukan kami bago sila dumaan doon sa likod ng bahay.
Tangina! Dalawa agad silang nakuhang ni L sa iisang araw. Ito ba ang kapalit ng pananahimik nya ng ilang buwan.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Elle's POVWhat the heck! Pagdating namin sa bahay ay nakita namin sina Austin at Denver na halos manlumo sa sahig. Agad na nagtakbuhan kami para itanong ang nangyare.
"Nakuha nila si Issa. Nasa kanila rin si Audy. Anong gagawin natin ngayon?" si Kayden ang sumagot.
"Bakit sila pa, bakit hindi na lang kami.?" sabi ni Austin na umiiyak.
"Bro, tama na. Wala tayong magagawa kung iiyak lang tayo dito. Kelangan natin magplano para maibalik sila ng buhay." sabi ni Edward.
"Hindi ko na alam kung anong nangyayari Caleb, dapat na ba ako matakot?" bulong ko kay Caleb.
"Wag ka mag-alala, ililigtas natin silang lahat." bulong nito sa akin.
Matapos namin ayusin ang mga nagkalat na gamit ay napagpasyahan namin bumalik sa university, kakausapin namin ang dean para ipaalam ang lahat ng nangyayari.
Nang pababa na kami sa sasakyan ay agad na pinalibutan kami ng mga lalaking nakaitim. Agad na hiniklat nila ang braso ko at ng mga kasama namin. May mga nakatutok na baril sa amin.
Hindi agad nakaporma ang mga kasama naming lalaki dahil masyadong marami ang mga nakaitim na lalaking ito at may hawak silang baril.
"Wag kayong mag-alala, etong babaeng ito lang ang kailangan namin. Kaya kayo itatali lang namin dyan para di kayo makasunod." sabi ng lalaking may hawak sakin
Pinipilit kong labanan ang takot na bumabalot ngayon sa buong katawan ko, pinipilit kong pumiglas pero di ko kaya dahil sobrang higpit ng hawak nya. Nang makakuha ako ng tyempo, ay kinagat ko ang braso, ng mabitiwan nito ang baril at pagkakahawak sa akin ay agad akong tumakbo. Subalit nahablot nito kaagad ang buhok ko.
"Please, ako na lang kunin nyo. Wag si Elle. Ako na lang." sigaw ni Zoey.
"Tumahimik kayo. At ikaw babae. Subukan mo ulit gawin ang ginawa mo di ako magdadalawang isip na iputok sayo ang baril na ito." sigaw nito
Tanging iyak na lang ang nagawa ko, tapos ay kinaladkad na nila ako patungo sa isang van. Naririnig ko pa rin ang sigawan ng mga kasama ko. At ng mga taong nakakita sa amin.
Nang maisakay nila ako sa van ay isang panyo ang tinakip nila, at tuluyan na akong nawalan ng malay.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - -- - - - - - - - -- -
L's POVNandito silang tatlo ngayon sa harap ko. Si Audrey, Issabella at Brielle. Sabi ko naman sa inyo eh, wala akong pake kung may mamamatay as long as makukuha ko sina Edward at Jax.
Lumapit ako kay Issa at Elle na natutulog, binuhusan ko sila ng tubig na malamig para magising.
"Ano ba Lucie, pakawalan mo kami." sigaw ni Audy
"Hanggat di ko nakukuha si Edward o si Jax, hindi kayo makakawala dito." sagot ko.
"Hindi mo sila makukuha L, hindi ikaw ang mahal nila. Tanggapin mo yun" sigaw ni Elle.
"Hindi pwede! Ako lang ang pwede nilang mahalin. Hindi ako papayag!" sigaw ko.
"Tumahimik ka L, walang magiging sayo. Kailanman hindi magiging sayo ang mga taong ayaw sayo." sabi ni Issa.
"Hindi. Tumahimik kayo! Tumahimik kayo! Wala kayong alam." sigaw ko.
"Tama na L, mali na ito. Handa kaming tulungan ka." sabi ni Elle
"Tulong? Nagpapatawa ka ba? Hindi nyo ko matutulungan. Kaya nyo ba ibalik ang buhay ng ate ko? Kaya nyo ba ibigay sa akin si Edward at Jax? Hindi di ba? Kaya manahimik kayo." sabi ko.
Akmang magsasalita pa sila, pero inunahan ko na "Subukan nyo ulit, magsalita hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo."
At iniwan ko na sila. Dumiretso ako sementeryo kung nasaan si Ate Aya.
"Ate Aya, bakit ganun? Ate bakit di nila ako magawang mahalin. Minahal ko naman sila. Pero bakit nila ako pinaasa? Ate bakit mo ko iniwan? Di ba sabi mo ikaw ang kakampi ko? Walang nagmamahal sa akin dito ate. Ang sakit ate. Ikaw na nga lang yung taong nagmamahal sa akin kinuha ka pa nila. Pero huwag kang mag-alala ate, malapit ko ng makuha ang mga taong mahal ko. At malapit ko na rin makuha ang taong pumatay sayo ate. Maigaganti na kita. Humanda sila." sabi ko sa harap ng puntod ni ate.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
A/N :Ano na mangyayare? Nakuha na ni Lucienne ang tatlong babae. Katapusan na ba?
BINABASA MO ANG
STOLEN MEMORIES
FanfictionAng storya pong ito ay inaalay ko sa mga KA-SQUAD ko! Alam nyo na kung sino kayo. Kung wala kayo wala rin ang storyang ito. Kaya salamat. Highest Rankings : #7 - #Mayward #8 - #sacrifices Salamat po sa lahat ng nagvovote... 😘😘